Kabanata 31

5.8K 236 39
                                    

Kabanata 31

All at Once

Isa-isa kong tinitigan ang aking mga kaibigan. They all wore the same expression.

"Are you okay?" Si Ruth ang bumasag sa katahimikan. The worry in her face is evident. Alam ko namang sa una palang ay alalang-alala na sila. No wonder that when the media got my statement, agad rin nila akong pinuntahan.

"I'm okay," I sighed. "It's not like I've never been into a heart ache before."

"Phaedra, this is different."

"I know. Hindi na ako magugulat kung bigla akong susugurin ni Mommy dito. Sino bang magulang ang matutuwa kung ang anak nila ay binansagang kabit?"

Natahimik sila sa aking sinabi. I smiled bitterly when I remembered what happened earlier.

"Kailangan ko lang itanggi. That's the easy way out."

"Paano si Rogan? Paano kung mali naman pala ang nasagap ng mga tao?"

"The media won't get crazy about it if any of these aren't true," pagdadahilan ko.

"I can't believe this is happening," untag ni Trinity at napasapo sa noo. "Raya had no idea,too. Maging si Helion. I think only the ZDAs know the real thing here. At wala pa ni isa sa kanila ang nagsasalita. They could ruin your name, Phaedra."

"Kaya nga itinanggi ko. I can't bear to lose everything right now. Hindi lang naman ang sarili ko ang madadamay dahil may magiging collateral damage."

"Then what's your plan?" si Jeni ang nagtanong. "Hindi pwedeng itanggi mo nang itanggi ang lahat. The media won't stop unless they know the truth."

I sighed heavily. Wala namang ibang paraan. Isa lang naman ang naiisip ko at iyon ay ang kausapin si Rogan. Sa kaniya ko lang naman makukuha ang katotohanan.

"You're breaking up with him, aren't you?" untag ni Ruth. Napatingin kaming lahat sa kaniya. She wore that serious expression as she stared back at me. Mukhang kanina niya pa ako pinagmamasdan.

"That's the only way. At hindi malayong maging totoo nga iyon. There are already hints, Ruthy. Shana Monzanto went on hiatus for two years. That's enough time to conceive a baby. And remember when Helion can't get a hold of Rogan before? Don't you think everything makes sense now?"

"But what if he's not married anymore? Paano kung nag-usap lang sila?"

"No. There's a baby now. I can't ruin someone's life. Ayaw kong maging dahilan na hindi lalaking may kompletong pamilya ang batang iyon. Kahit mahal ko si Rogan, mas matimbang naman ang rason kong iwan siya para sa batang iyon."

I can't let that child grow up without a complete family. Ayaw ko ring matulad siya sa akin na lumaking hindi nagkakaayos ang kaniyang mga magulang. Civil or not, Rogan should at least take actions. Anak niya iyon at kung kasal pa rin naman sila hanggang ngayon, sana ay panindigan niya ang responsibilidad niya. I know he can do it. I know he takes actions to his responsibilities because he was born a leader and it's not going to be difficult for him.

Masakit mang isipin pero kailangan kong bumitaw. It's not enough that I love him. May mali sa ginawa niya. Naglihim siya sa akin. At kapag nalaman ko ang totoo, hindi na rin naman magbabago ang isip ko. It's enough that he brought me a heart ache.

Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas upang kausapin siya. I can't even hold my phone to contact him. Parang naduduwag akong kausapin siya.

I went out of the elevator. Mabagal at walang lakas ang aking paglalakad patungo sa aking unit. Kahit na hindi ako pinagtrabaho ng aking mga empleyado ngayong araw, palagay ko ay pagod na pagod ako para sa araw na ito. The media shocked me. My decisions shocked me too. I felt restless.

All at Once (Absinthe Series 6)Where stories live. Discover now