Kabanata 33

5.9K 263 14
                                    

Kabanata 33

All at Once

I counted the steps that Raya made while she walks. Mabagal ang kaniyang paglalakad sa hallway ng ospital habang hawak-hawak niya ang kaniyang tiyan.

Ngayon ang araw na inaasahan naming lalabas ang kaniyang baby pero hindi pa raw niya maramdaman iyon. Her OB-GYN advised her to walk in order to induced labor. It could help the baby go down the cervix so that Raya could feel some contractions. Isang oras na nga siyang naglalakad. Other than that, we are still waiting for Helion to come. Hindi kasi inaasahang natawagan siya sa Greece dahil sa kaniyang ama.

"That's two hundred and nine steps for you," I told her when she stopped. Hawak niya pa rin ang tiyan. Wala akong mabakas na pagngiwi o senyales ng sakit sa kaniyang mukha kaya nasisiguro kong hindi pa siya nagl-labor.

"Pagod ka na?" I asked her. Tumayo ako at inalalayan siyang maglakad patungo sa kaniyang kwarto. We've been here for three days. Ayaw kasi ni Raya na magmadali sila ni Helion sa ospital kapag nabasag ang kaniyang water bag. That will be a hassle for them. Baka imbes na makapag-deliver siya nang maayos ay mataranta lamang siya. Baka hindi daw sila umabot sa ospital nang dahil sa kaba niya.

We entered her room and I let her settle down. Umupo ako sa malapit na couch at ni-check ang mga mensahe ng aming mga kaibigan. Ako lang ang available ngayon kaya ako ang sumama kay Raya. Si Tita Rima naman ay nandoon pa sa bahay nila dahil pinagpahinga ko na muna. I'll just call her if ever Raya's going to deliver the baby today.

"Papunta na sina Ruth dito. Maagang natapos iyong exhibit," sabi ko kay Raya nang mabasa na ang text ni Ruth sa akin.

"Okay. I think I am going to sleep. Inantok ako sa paglalakad."

I chuckled softly. Hinayaan ko siyang makatulog at naghintay lang naman ako sa pagdating ni Ruth. When the latter came, we didn't bother waking Raya. Kailangan niya ng lakas. She might still try to walk again later. Mukhang kahit sa paglalakad kanina ay hindi pa. Maybe baby Urion is still not ready to come out. Pero excited na kaming lahat. It will be the first baby in our circle.

"I hope he has his father's green eyes," rinig kong sabi ni Trinity habang nakatingin kay Raya.

"Lalaki si Urion so green eyes should suit him. Malaki naman ang possibility na makuha niya iyon," sabi ni Ruth.

We couldn't hide the excitement to see the baby. Kahit nga nasa tiyan pa lang ni Raya ay spoil na spoil na ang batang iyon. What more if he's come out, huh? I bet Urion would be the most handsome baby I would ever see. The mix of Helion and Raya are just undeniably gorgeous.

Sinamahan na ulit namin si Raya sa paglalakad niya. Helion was already at the airport. Natawagan na namin dahil kanina pa naghihintay si Raya. The other reason maybe, that's why baby Urion's not ready to come out, is he is waiting for his father. Siguro naramdaman niya ring gusto ni Raya na kasama si Helion habang nagde-deliver kaya ayaw niya ring lumabas.

I just smiled unknowingly. I can't imagine myself in this situation. Siguro tatanda na lang akong papanuorin ang aking mga kaibigan na magsipag-asawa at manganak. I'll be there during the wedding, the pregnancy and the delivery of the baby. I'll be the supportive audience.

Iyon nga lang siguro ang ganap ko rito. And I'm glad to be a part of it. I will always be here to support my friend, kahit na hindi ko na mismo maranasan ang tinatamasa nila. I don't think I could ever have what they have. It's over for me.

Napatingin ako kay Raya nang bigla siyang tumigil sa paglalakad. Nakahawak siya sa kaniyang balakang at napapasinghap. I immediately stood up. Sina Ruth ay natigil sa pag-uusap dahil sa biglaan kong pagtayo. Inalalayan ko si Raya. Natigilan lang nang mapasulyap ako sa 'di kalayuan.

All at Once (Absinthe Series 6)Where stories live. Discover now