Kabanata 6

6.3K 264 2
                                    

Kabanata 6

All At Once

I'm damned.

I was frantically running down the stairs while being cautious of the steps. Dahil nagmadali nga ako, nadisgrasya naman. I was already running late because I had my episode again. Halos gusto ko ng makalimutan ang nangyari kanina dahil alala na ako.

I shouldn't have taken Rogan Zobel's offer. Ngayon ay baka madamay ko pa siya dahil mahuhuli kami sa kasal ni Raya.

Humingal ako nang makababa na sa hagdan. Sumandal muna ako sa railings at nagpahinga sandali. I checked the time on my wristwatch and it was already 8:10 am. Eight o'clock ang usapan namin at nakakahiyang pinaghintay ko pa siya ng ilan pang minuto.

Nagkukumahog na naglakad ako. Sana ay hindi na lang ako nangako. Nagmagandang loob ang tao at pinagsamantalahan ko naman iyon. I didn't mean it, of course. I blamed it on my obsessions because I was really nervous about the security of my condo.

Sa sobrang pagod ko kahapon ay nakatulog ako. When I opened the door this morning, I didn't know that I left it unlocked last night. Maraming pumasok na senaryo sa utak ko habang iniisip kung paano nangyaring nakalimutan kong mag-lock kagabi.

I ended up trying to check again the order of things in my room and every rooms in the condo. Makailang ulit akong nagpabalik-balik sa pinto at binukas-sara iyon. Natauhan lamang ako nang pumasok sa isip ko kung bakit ako nakasuot ng pang-alis na damit at may dalang paper bag.

I touched the middle of my chest as I struggled to catch my breath. Nakaabot ako sa lobby ng condo. I roamed my eyes around the lobby. Bumagsak ang aking balikat nang hindi ko mahanap ang anino ni Rogan Zobel.

I did not bother asking the front desk if she stumbled upon him or may naghanap ba sa akin kasi nagmamadali na ako. For sure, hindi ako pagagalitan ni Raya pero sina Ruth, alam ko, iilang kurot sa pisngi at hila sa buhok ang aabutin ko.

"Miss D!" Napatalon ako sa tumawag sa akin. Mas lalo kong sinapo ang dibdib nang dahil sa gulat. It was the guard from our condo building and he was smiling widely at me.

"Po?"

"Hindi ka pa po nakakaalis, Ma'am? Hinahanap ka po ni Sir kanina."

Namilog ang aking mata. "May naghahanap sa akin?"

"Ay opo, Ma'am. Medyo morenong lalaki po na gwapo. Ang sabi ko naman po ay hindi ka pa naman nakakababa."

Tumango-tango ako. "Where is he manong?"

"Ah, si Sir po, a—

"Good morning." There was a low greeting behind me. Tumaas sa gulat ang aking balikat at nahigit ko ang aking hininga.

Ilang beses ba dapat akong magulat sa araw na ito?

Dahan-dahan akong lumingon at hinarap ang bumati. My lips parted upon seeing Rogan Zobel in his formal maroon suit.

"I-I thought you left," puna ko at umayos nang tayo.

Rogan smiled at me. "I told you, I'll be waiting."

"B-but I let you wait for more than ten minutes. Sana ay umalis ka na lang."

Marahan siyang umiling at bumaling muna sa guard na nasa likuran ko. "Thank you po," magalang na aniya.

"Wala iyon, sir!" was the guard's reply.

Bumaling ulit sa akin si Rogan. His eyes skimmed all over my face. Kumunot ang noo niya at agad na itinaas ang kamay. Agad namang umatras ang aking ulo nang akmang hahawakan niya ako.

All at Once (Absinthe Series 6)Where stories live. Discover now