Kabanata 3

6.9K 263 44
                                    

Kabanata 3

All At Once

Madalas, kapag wala akong trabaho, hindi ako nananatili sa condo. Kaya tuwing Sabado at Linggo, hindi ako nahahagilap ng mga kaibigan ko kapag dumadaan sila sa condo.

I roam around somewhere. Minsan nanatili sa cafe pero madalas naghahanap lang ako ng mga lugar na mapupuntahan. Kung nagugustuhan ko ang lugar, napapaulit ang balik ko. As long as I enjoy it and I have no series of obsessions running in my mind, I am all good.

Pero iba ang kaso ko ngayon. I was sitting on the couch while randomly switching the channels of the television. Palipat-lipat ang aking tingin sa tv pagkatapos ay sa aking relo. I would also gaze at my phone to see if it lit up for a text message or a call.

Umaga pa naman. Hindi agad ako nakaalis para makapunta sa cafe dahil nasa usapan namin ni Zeke na kukunin niya ang mga naiwang gamit.

I smirked. I was ready to let all his things go. Napag-isip-isip kong kailangan ko na ring burahin lahat ng alaalang iniwan niya sa akin.

The years we had was memorable, alright, pero hindi pa rin naman nito mababago na sa ilang araw lang ay sinaktan niya ako at nahulog ang loob niya sa iba. Men aren't sentimental beings. They don't hold on to all of your memories together. Kapag nakahanap sila ng mas higit pa sa iyo, agad-agad ka nilang iiwan.

I was unfortunate because I have a condition. Kung ang ibang babae kapag nasaktan ay makakahanap pa rin naman, sa aking sitwasyon, mukhang malabo iyon. I was never attractive to other guys, lalo na kapag nakikita nila kung gaano ako kaasikaso sa mga pag-aari ko.

I went on a date before, iyong wala pa naman si Zeke sa buhay ko. The guy I dated was distracted with what I was doing that he demanded me to stop. Pero hindi ako basta-bastang natitigil lalo na kapag kinakabahan at maraming iniisip. It was a disaster and I never went on a date after that.

Nang dumating naman si Zeke sa buhay ko, binalaan ko na siya agad na may sakit ako. He was okay with it because he understands my situation. Walang palya siya noon sa pag-intindi sa akin hanggang sa naniwala akong may taong tatanggap sa akin.

I sighed. Hindi na talaga ako maniniwala sa mga lalaki. They were always after the normal ones. Ayaw nila sa mga taong may diperensya at kailangan pang alagaan.

In my case, I don't really need Zeke. But when we were together, he showered me with everything. Pinaniwala niya akong magtatagal kami sa kabila ng kondisyon ko. Pero wala din. Kapareho lang din naman siya ni Daddy na sinukuan ako dahil nakakabaliw ang dulot ng kondisyon ko sa akin.

Bakit ba ang mga lalaki magaling lang sa simula? Bakit ang hilig nilang mambulabog ng tahimik na buhay tapos sila din naman ang aalis sa huli?

I don't want to believe that someone could love me anymore. Ang daming pumapasok na senaryo sa utak ko kung sakaling tumanggap ako muli ng lalaki sa buhay ko.

I'll put my trust again. We'll be happy at sa huli ay iiwan din naman ako kapag nakahanap ng bago. Nakikita ko na ang sarili kong naghahabol na naman.

There are so many scenes inside my head that it ended up with me killing myself. Napasinghap ako at nabitawan ang remote control na hawak. I stood up abruptly. Pabalik-balik ang aking lakad at hindi ko alam kung saan pupunta.

I killed myself. I killed myself in the end.

No, kailangan kong matigil. I was frantically walking just around the room, pinching my fingers until I start to saunter my way inside my room.

I need to get these thoughts out of my head. Hanggang ngayon ay nakikita ko pa ring pinapatay ang sarili ko sa iba't-ibang paraan.

I went to my closet. Lahat ng damit ko ay aking inilabas. I sat calmly as I tried to get my attention to the clothes. Nawala na ang arrangement nito at ang maayos na pagkakatiklop ay nawala na rin.

All at Once (Absinthe Series 6)Where stories live. Discover now