CHAPTER 1

345 34 1
                                    

●●●●●

Nagising ako ng maramdaman ko na may tumapik sa pisngi ko. Napamulat ako at hinarap kung sino yun. Napangiti ako ng makita ko siyang nakangiti sa akin. He got his father's hazel eyes, his dimples and the shade color of dark brown of his hair.

Napaupo ako sa kama at niyakap ang anak ko. Anim na taon na din ang lumipas simula noong ako'y iniwan ni Trevor. Ever since he left, he cutted off all of his connection to me.

At first, iyak ako ng iyak dahil hindi ko matanggap na iniwan niya ako. Hindi man lang sinabi sa akin ang totoong dahilan, hindi man lang niya ako sinabihan. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nung itinulak niya ako.

I still have Patrixia and my family to support me, emotionally and physically. Isang buwan din ako nagluluksa nun, sobrang sakit kasi but I stopped crying nang maalala ko na nagdadalang tao ako.

Pinagalitan nila ako dahil baka daw may mangyari sa baby sa sinapupunan ko kapag nagpapatuloy ako. I have to be strong. I have to pull myself together na kalimutan siya at paalisin sa puso ko.

After nine months, I gave birth to a healthy baby boy at si Traven iyon. Siya ang dahilan kung bakit ko kailangan bumangon at magpatuloy. Siya nalang ang tanging natira sa akin, maraming nawala sa akin pero binigyan ako ng Panginoon ng anak.

Si Traven ang aking kasiyahan, he's like a precious diamond na hindi ko kaya na mawala. Ako mismo ang nagtayo bilang mommy at daddy niya.

"Good morning mommy" masiglang bati ni Traven

"Good morning baby" ngiti ko at niyakap siya

Traven went to my side at humiga, he looked up into my eyes and it reminds me of Trevor. Traven assembles his father. Medyo nalulungkot parin ako dahil iniwan niya kami ng anak niya, pero hindi na kagaya ng dati.

I don't need him anymore at masaya na ako ngayon dahil nandito na ang anak ko para pasayahin ako.

Kung sinabi ko ba kay Trevor agad na buntis ako, aalis pa ba siya? Will he stay? Kung ganon, sana sinabi ko nalang agad.

"Mommy, bakit ang lungkot mo?" Traven asked

"Wala ito anak, tara breakfast na tayo" sabi ko

Agad naman umalis sa tabi ko si Traven at lumabas ng kwarto. Inayos ko muna ang kama ko at lumabas na ng kwarto. Pagpasok ko ng kusina, nakita ko si Traven na pilit umakyat sa stool chair.

Agad ko itong nilapitan at inupo siya sa stool chair, ginulo ko ang buhok niya at hinalikan ang noo nito. Traven let out a giggle and kissed my cheek.

"I love you mommy" malambing na sabi nito

"I love you too baby, so what do you want for breakfast?" Tanong ko

Binuksan ko ang ref para maghanap ng pwedeng lulutuin for breakfast.

"Bacon and eggs" tili ni Traven

I let out a chuckle dahil sa sobrang energetic ng anak ko. Parang si Trevor lang. Kumuha ako ng dalawang itlog at bacon tapos nagsimula na akong magluto.

Sabay kami kumain ng umagahan ni Traven at pinaliguan ko na rin siya tska binihisan. Pagkatapos kong magbihis, pinagmasdan ko ang sarili ko sa full view mirror.

I'm simply wearing a terracotta sailor pants and white long sleeve turtle-neck then paired with a white stiletto heels. Kinuha ko ang bag ko at ang maliit na backpack ni Traven at inisuot ito sa kanya.

"You're beautiful mommy" ngiti niya

I bend down a little to have a same level with Traven at hinalikan ang noo nito. Sobrang thankful ako na dumating si Traven sa buhay ko para pasayahin ako araw-araw.

THE SCARS SHE LEFT BEHINDजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें