Chapter 33❤️💜

152 6 6
                                    

*****

Nanlalaki ang mga mata ko sa pagkagulat  ng mapagsino ko ang taong napagbuksan ko ng pinto dahil pulang pula ang mukha nito at halatang lasing na lasing. Hindi ko din alam kung pano sya nakapasok sa pintuan namin sa labas. Nakasandal ito sa pinto ng kwarto ko dahil siguro sa kalasingan kaya hindi na nito maitayo ng tuwid ang katawan.


“anong gina-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong higitin papasok at sinandal sa pader ng kwarto ko. Amoy na amoy ko ang pabango nito na nahahaluan ng amoy ng alak dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa at sa dami ng nainom nito.

Tiningnan ko ang mga mata nito na nanlilisik ngayon. Ano bang problema ng taong to? Bigla nalang nanindig ang balahibo ko sa pagkakatingin nito sakin. “pano ka nakapasok dito? At anong ginagawa mo dito? Tingnan mo nga ang sarili mo… Lasing na lasing ka!” sunod sunod na sabi ko dito.

“ano bang pake mo? May pakialam ka pa pala sakin?! Tsk! ” kahit na lango ito sa alak ay nakakapagsalita pa ito ng tuwid kaya malinaw ko na naririnig ang sinasabi nito sakin.

“a-ano bang pinagsasasabi mo?!” naiinis na sabi ko dito. Nakaharang sya sa harapan ko kaya bawat pag sasalita nya ay naamoy ko ang hininga nito dahil nakayuko ito sakin para magpantay ang mga mukha namin.

“bakit ba ang hirap mo pagsabihan?! Diba sinabi ko na akin lang yan!” sabay turo nya sa labi ko na ngayon ay hinahaplos na nya. “bakit kailangan mo magpahalik?! Kulang pa ba ako sayo?! Is he a good kisser than me?! ” may diin na pagkakasabi nito sakin.


Bahagya ko itong tinulak pero nakadagan parin ito sakin “ano pa ang pinagsasabi mo ah!” pasigaw na sabi ko dito habang hinahampas ang dibdib. Pinigil nya ang mga kamay ko na humahampas sa kanya “wag kana mag maang maangan pa! Nakita ng dalawang mata ko! Nakita kong hinalikan ka nya!” nagpupuyos na ito sa galit habang napapahigpit ang pagkakahawak nito saking mga kamay.

“aksidente lang iyon!” mariing sabi ko dito. Kung ang nakita nya ay yung aksidenteng paghalik ni harry sakin ay nagkakamali ito!

“aksidente?! Put*ng inang dahilan yan! Masarap ba?! Hindi ka pa ba kontento sakin?! Mas better ba sya hah?! Sumagot ka!” singhal nito sakin na ngayon ay natuliro naman ako sa mga sinabi nitong pagbibintang sakin. Hindi ko namalayan na nakakalas na sa pagkakahawak nya ang kanang kamay ko at automatic na gumalaw ito na dumapo sa pisnge nito. nasampal ko ito ng dahil sa bugso ng damdamin.

Parehas kaming nagulat sa nagawa ko pero nagbawi agad ito at ngumiti ng mapait sa akin. Wala syang karapatan na pagsalitaan at pagbintangan nya ako ng ganong ganon na lang!


“mas better nga sya..” napatawa naman ito ng nakakaloko saking harap “gusto mo na ba sya?! Mas gusto mo ba sya?” ngayon naman ay nagagalit ang anyo nito. Ito ba ay dala lang ng alak kaya paiba iba ito ng mood?


“wag ka umiyak.. Wag mo akong iyakan!” napahawak naman ako sa mga pisnge ko.. Oo naiyak nga ako ngayon sa harap nya na naman.. kasi nasasaktan ako sa mga pinagsasabi nya na walang katotohanan! “bakit? Nung hinalikan mo si juliet nagalit ba ako ng ganito sayo?! Sa tuwing sinasaktan mo ang damdamin ko.. May naririnig ka ba sakin?! Bakit? Sa palagay mo ba okay na kasama mo yung juliet na iyon?!”hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang mga bagay na ito sa kanya siguro dala na din ng galit at sakit na nararamdaman ko.

“sa tuwing hinahalikan mo ako ng walang pakundangan at sa tuwing hindi ka nagpapakita ng matagal! May narinig ka ba sakin?! Bigla ka nalang aalis ng walang dahilan! Ano ba talagang dahilan mo at ginaganto mo ako?! ” bumubuhos na ang mga luha ko sa sobrang hinanakit ko sa kanya na ngayon ko lang nailabas. Ito naman ay naguguluhan sa nakikita ko sa mga mata nito sakin kaya napaatras ito sa kinatatayuan nya malapit sakin.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now