Chapter 31💜❤️

22 4 0
                                    

*****

“HUY! Papasok ba tayo o tutunganga nalang bes?” untag sakin ni she. Naiwan nila ako habang sila ay naglalakad na papasok “Bes! Uwi nalang kaya ako?” sabi ko dito na kinakabahan.

“ano ka ba?! Nandito na tayo! Ngayon ka pa ba aatras?!” nanlalaki na ang mata nito sa asar sakin. “kung ayaw ni win ay uuwi nalang din ako.. Mas pabor sakin!” sabay kindat nito samin na ngingisi ngisi pa.

“jusko deo! Kunsintidor ka talaga! Ano? Ngayon pa ba tayo magtatalo talo dito?” hala! Parang dragon pala si bes pag nagagalit. Nanlalaki na ang mga butas ng ilong nito habang naka pamewang samin.

“guys! What are you doing there?” naagaw pansin naman ni kuya jasper nakaupo ito sa garden habang tatawa tawa samin.. Tss.. Paenglish english pa ang isang ito. Wala na! May nakakita na samin!

“FINE! SIGE HOOOO..GO NA TAYO!” paglalakas loob na sabi ko dito. “pero kayo mauna.. Hehe” sumangayon naman ang dalawa kaya nakabuntot ako sa kanila.

“good evening po mga maam at ser” bati samin nang nakangiti na security guard na nagbukas ng gate samin. Naku kuya! Siguraduhin mo na good talaga ang evening nato..

Agad kaming binati ng mga kaibigan ni kuya pag pasok na pagpasok namin. Hinanap ng mata ko si harry at jesthle pero ni anino ng mga ito ay hindi ko makita. Pansin ko din ay parang kami lang ang bisita ni harry… wala bang inimbitahan na iba ito?

Naagaw pansin ng mga mata ko ang pagdating ni harry na ngayon ay gwapong gwapo sa itsura nya. Wow! Ang cool ng porma nya at mabango syang tingnan ngayon.. Yung tipong kahit di mo pa maamoy eh feeling mo ang bango bango nya.. Ganern!

Habang naglalakad papunta samin ay nagtama naman ang mga mata namin na kinangiti nito samantalang ako ay napa iwas ng tingin dahil parang ang pangit pangit ko ngayong gabi kahit na maganda at desente ang suot ko.

“oh.. Nandito na ba ang lahat?” masayang bungad nito samin. Binati namin ito pagdating na pagdating sa harap namin. “si jesthle nalang ang kulang” sabi ni kuya na cool na cool sa pagkakaupo kasi naka de kwatro pa feeling eh sya may ari ng bahay.

“speaking of the devs..” sabi ni james na tiningnan naman namin ang tinitingnan nito at ito na nga ang hinahanap nila. Shit! Bumibilis na naman ang heart beat ko.. Heart magbehave ka parang awa muna! Bakit parang mas gwapo pa sya sa may birthday ngayon? Sa paningin ko lamang ba?

Tumigil lang ako sa pagiisip ng may napansin ako na nakasunod dito.. Si ate buena at si.. Hays.. Juliet? Kaya nagmadali ako na tumalikod para hindi ko na sila matingnan pa muli.

Parang may kumirot na naman sa dibdib ko kaya napatungo nalang ako at nirelax ang sarili ko. Agad binati ng bagong dating si harry ng happy birthday at nagbigay ng regalo dito.

Napahigpit tuloy ako sa hawak ko na regalo kasi feeling ko sosyal ang mga gifts nila samantalang sakin ay napaka simple lang. Wag ko nalang kaya ito ibigay?

Napatawa naman kami sa regalo ni deo kasi kung ano yung sinabi nyang ireregalo ay yun nga niregalo ng mokong! Gin?! WTF! Napangiwi naman si she nung binigay ni deo kay harry pero ang malupet pa eh nilagay din naman sa paper bag na maganda! Hahaha jusko! Kaibigan ko ba talaga ito? Tinanggap naman ito ni harry ng nakangiti… hmm… Mababaw lang pala kaligayahan nito?



Napatigil naman ako sa pagiisip ng “hi winnie! Kamusta na?” sa boses palang ay hindi ako nagkakamali kung sino ang kumakausap sakin ngayon.lilingunin ko ba ito o ano? Tsk! Napilitan nalang ako lingunin at batiin ito. “i-ikaw pala.. Okay lang” sabi ko dito at napatingin naman ako kay jesthle na nakatingin din sakin kaya dali dali din ako tumalikod para hindi na ulit magkapanalubong ang tingin namin. Parang ang bastos ko ata? Ni hindi ko sya kinamusta? Hmp! Tama lang siguro para hindi na humaba usapan namin.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now