Chapter 13❤️💜

16 3 0
                                    

Chapter 13


Pagkatapos kong pagdudukutin ang mga mata na nakatingin kay jesthle sa isipan ko ay nagconcentrate na ako kesa naman mabwisit ang araw ko sa kagagawan ng mga babaeng kaagaw ko.

Ang hindi kasali sa mga booth activities ay nagpuntahan na  para sa gaganaping parade.. Samantalang kami ay ready na umariba ang beauty sa mga bibili samin.


isa isang inabot ni  she ang mga apron namin kaya sinuot na kaagad namin ito. “oopss.. Wag tayo magbenta ng haggard okay?” kaya nilabas nito ang salamin at pulbo with matching lip gloss na pink.

Dali dali kaming nag-ayos ng okay na ay may nilabas pa si beks  ng magreact si deo “hindi ko isusuot yan ah!” kasi naman may head band sya na binili para maisuot naming apat.. Cute naman kaso mukha kaming mga tutubi.. Kasi may antena ito tapos nagalaw galaw pa.sinuot namin ni she at nanalamin kami.. Wow! Ang ganda!

“see! Bagay diba? Kaya ikaw! Wag kana maginarte pa!” sabi nito kay deo na  hinampas pa sa dibdib nito para isuot.

“ ano ba! Ginagawa mo naman akong katulad mo eh! Tamang ganto nalang! Nakakainis ka naman eh!” sabay lapag sa lamesa nito ang head band.

Kinuha ko ito  at isinuot bigla sa kanya “oh! Ang cute mo kaya! Isuot mo na!” sabi ko dito at pinisil ang pisnge, namula naman ito kaya natawa ako.

“tsk! Pabebe!” sabi ni she habang nakasmirk naman si beks.

Lahat ng nadaan ay natingin samin at nangiti. Nakakagood vibes talaga pag lahat nkangiti at masaya.

Nagstart na ang parade at halos lahat ng students ay nakapila na.. Habang kami ay nagaabang na bumalik at matapos ito.

*****

After parade at opening ceremony ay kanya kanya ng pakulo. Nagopen na din ang school namin para sa mga outsiders kaya excited na ang lahat at busy.

“huwag ka nga mangalumbaba dyan deo!” sita ni she dito “malas daw pag nakaganyan!” dugtong pa nito.

“yung iba may mga nabili na sa kanila.. Sa atin wala!” sabi ni beks.

“hayaan nyo.. Mamaya may mga bibili na din satin kaya habang wala pa ay magsstart na ako mag painit ng kawali. Kayo naman ay mag mix na ng juice okay?” sabi ko sa mga ito na nakangiti.

Sumunod naman ang mga ito.. Habang nakaready na ang kawali na pinapainit ko kaya nilagyan ko na ito ng mantika para kung may bumili na ay hindi magaantay ang mga ito.

Maya maya pa ay dumadami na ang mga bumibili samin. Kaya kaming apat ay busyng busy na habang nakatingin sa amin ang ibang booth. Madali din maubos ang juice namin  kaya tuwang tuwa kami sa progress ng tinda namin. Nakakailang pack nadin ng fishball at kikiam samantalang ang taga timpla namin ng kwek-kwek pag ubos na ay si deo at rica.. Kami naman ni she ang nagluluto at nagaasists sa mga bumibili.

Tuwang tuwa naman si rica sa mga fafables na bumibili samin. Pag gwapo ay hinigit ako para sya ang humarap pag wala na ay ako naman. Kami naman ay nangingiti nalang sa istilo ni beks.


“hello!” tawag pansin ng kaibigan ni kuya. “pinapaabot nga pala ng kuya mo.” kinuha ko naman ang papel at pera na kasama nito.

“ ah! Orders pala ninyo ito.. Buti nalang hindi kayo sumabay sa kadamihan ng tao kanina.” sabi ko sabay ngiti.

“busy din kasi kami sa booth at ngayon lang din kami nakakaluwagluwag sa ginagawa namin.” sabi ni harry habang pangiti ngiti samin.

“psst..” tawag ko kay she “ ikaw na magassist dito.. Hihi” bulong ko dito at namula naman ito. Naiiling nalang ito sa sobrang hiya nito.

My Brother's BestfriendМесто, где живут истории. Откройте их для себя