Chapter 14❤️💜

13 3 0
                                    

*****

Natapos kami pasado ng alas kwatro ng hapon at naka ilang libo din kami sa benta. Napagdesisyunan na namin na ayusin ang mga gamit para bukas ay malinis namin na magagamit ang pwesto namin. After mag ayos ay nagikot-ikot na kami sa ibang booth kasi naman ito lang freetime namin para makapaglibot.


“tara sa horror booth?” si deo na parang may naiisip na naman na kalokohan.

“hala! Naiihi ako! Samahan mo muna ako bes?” sabi ni she at sumenyas sakin.

“mauuna na muna kami ah?” sabay higit ni deo kay rica na nagpapapalag na ngayon “ ayaw ko!” pag iinarte nito. Walang nagawa ang pagpupumiglas nito ng higitin nito si bakla at itulak sa loob mismo ng horror booth. Nagtawanan lang kami ni she sa kalokohan ni deo.

“huy! Hindi dyan papuntang CR.. Dito!” turo ko kay she na napangiti naman ito ng makahulugan. “alam ko po! Hahaha hindi talaga ako naiihi.. Kasi.. Kasi.. Pupunta tayo sa booth nina harry!” kilig na sabi nito sakin. “ayaw mo ba?” tanong nito sakin.

“ako pa ba ang tinatanong mo? Syempre gusto ko!kaya tara na!” excited kami na tinatahak ang daan kung san nakatayo ang booth nina kuya.

Pagdating namin ay nagtago muna kami sa likod ng puno malapit sa lugar kung nasaan sina kuya. “ pano yan? Nandito si kuya!” sabi ko kay she. “antayin nalang natin umalis sya.” habang nakasilip ito sa pwesto nina kuya.

Sumilip din ako.. Wow! Ang daming girls na nakapila. May mga lalake din pero karamihan mga babaeng haliparot ang nakapila. May kanyang pila si kuya at jesthle na halos babae ang nakapila. Nakakaasar naman puro mga babae ang nakapila,ang babaeng hinehenahan ni jesthle ay kilig na kilig kasi sa leeg sya nagpahena at hawak hawak ni jesthle ang leeg nito kaya kilig na kilig. Eh kung sakalin ko kaya ang haliparot na ito?!

Matagal kaming nakatayo sa likod ng puno para antayin ni kuya ng magsalita ito na may pupuntahan lang. Kaya pag kakataon na namin ni she na lapitan sina jesthle. “bes! Kinakabahan ako!” sabi nito sakin habang naglalakad.

“ako gusto ko manakal!” sabi ko dito habang nakatingin sa mga babae na nakapila ngayon.

Si she ay pumunta sa gawaan ng bracelet kasi nandon si harry bebe nya samantalang ako naman ay hindi pumila, dire diretso ako sa harap kung nasan si jesthle. Napatingin naman ito sakin na saktong katatapos lang nya sa paghehena.

Uupo na sana ang babae ng inunahan ko ito umupo. “ ano ba? Pumila ka! Ang dami dami na naming nakapila!” mataray na sabi nung isa na sinang ayunan naman ng ibang nakapila.

“sa pagkakaalam ko kanina pa ako dito..may ginawa lang ako kaya ngayon lang ako nakabalik. Kahit itanong mo sa kanya!” sabay turo ko kay jesthle. Nagulat naman ito sa inasal ko kaya pinanlakihan ko ito ng mata na -pag takpan mo ako look-.

“a-ah.. Eh.. Pasensya na miss ah? Kanina pa kasi sya dito kaya sya muna uunahin ko ah?” sabi ni jesthle na ngumiti pa sa babae. Eh! Kung dukutin ko kaya eyeballs nito? Pangiti ngiti pa!

“ah ganon ba? Sige :)” pabebeng sabi nito kay jesthle at bago umalis ay inirapan pa ako nito bago bumalik sa kanyang pila. Aba! Sapakin ko kaya ito?! Irap- irap ka pa! “ahem! Ano ba ginagawa mo dito?” bulong nito sakin.

“mandudukot lang ako ng mga mata! E-eh este..magpapahena”sabi ko dito sabay tingin sa mga designs, ayaw ko sya tingnan baka bumilis na naman tibok ng puso ko.

“tsk! Alam na ba ito ng kuya mo?” sabi nito sakin kaya napatingin ako dito na nakakunot ang noo. “basta lagyan mo nalang ako ng hena! Ito gusto ko!” sabay turo ko sa butterfly na style. San ko kaya ito ipapalagay? Eh kung sa leeg din kaya? Hihi.. Ano kaya pakiramdam na kapag hawak na nya ang  leeg ko?

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now