Chapter 15❤️💜

13 3 0
                                    

*****

pagkauwi ko ng bahay ay tsaka ko lang naramdaman ang pagod sa buong katawan ko. Nakahiga ako habang nakatingin sa hena ni jesthle. Ang ganda talaga nito.. Tinitigan ko pang mabuti. “ah.. May initial pala ito na nilalagay” ngayon ko lang napansin kasi maliit lang ito at hindi mapapansin kung hindi ito tititigan.

Nakatulog ako habang nakatitig sa kamay ko na may hena kaya naalimpungatan nalang ako sa katok ni nanay.

Nagmadali ako bumangon para pagbuksan ng pinto si nanay “nay! Anong oras na po?” sabi ko dito habang nagtatanggal ng muta. “ano ka bang bata ka.. Mag aalas otso na” sabi ni nanay na kinabigla ko. “nay! Bakit ngayon mo lang ako ginising? Alam mo naman na may event samin diba? Anong oras na! Wala pa ako sa school!” naiinis na sabi ko habang nagmamadali maghanap ng masusuot,habang naliligo ay hindi ko maiwasan maasar sa sarili ko kasi nalimutan ko mag alarm.


Umalis ako ng sandwich lang ang laman ng tyan ko kasi nagmamadali na ako tapos need ko pa mag abang ng tricycle. Lagot talaga ako sa mga yun!.


Pagdating ko ng school ay nagtatatakbo ako sa booth namin. “tsk! Yan na ang mahal na prinsesa natin!” sarcastic na sabi ni bakla ng makita ako. “ anong nangyari sayo at ngayon ka lang?” si she na busy sa pagluluto. Napatingin ako sa pila at madami na ito ngayon kahit sobrang aga pa. Kinuha ko ang apron para makatulong na. “sorry talaga guys! Nalimutan ko mag-alarm! Sorry na!” hinging paumanhin ko sa mga ito.


Kumukulo na ang tyan ko habang nagluluto kasi hindi ako kumain ng kanin bago umalis eh. Tapos ganto pa na madami pang bumibili samin. Mamaya nalang siguro ako kakain pagkakaunti na ang tao.

“miss namumutla kana..” sabi ng kaharap kong lalake na may pag alala ang tono. “hala! Oo nga bes!may masakit ba sayo?” natataranta na sabi nito kaya napalapit na din sa pwesto ko si deo at rica. “pasensya na.. Wag nyo na ako pansinin.. Gutom lang ito.” sabi ko sa mga ito. “okay lang ako!” sabi ko pa at sinenyasan na bumalik na sa kani kanilang pwesto na.

Napatigil naman ako ng may nagabot ng tinapay sakin. Si kuya harry lang pala.. “oh! Kainin mo muna.. Baka mahimatay ka pa dyan!” sabi nito sakin. “ah salamat! Mamaya nalang pag natapos ko na ito” sabi ko dito at bumaling na sa lutuin. “tsk!” hinigit ako nito at tinanggal sakin ang apron at sinuot nya. “kumain kana.. Ako muna bahala dito!” habang ginagawa na nito ang ginagawa ko kanina.

“aww! Ang sweet!” sabi ng mga babaeng kinikilig. Sinimulan ko na kainin ang tinapay na bigay nito. “grabe girl! Galing mo umarte!” sabi ni rica sakin habang naka smirk. Binatukan naman ito ni deo “tumigil ka nga!”.

Napatingin naman ako kay bes na parang hindi mapakali sa pwesto nya kasi katabi nito ang crush nya. Sakto! Nakakakilig silang tingnan. “kuya ano name mo?” sabi nung babaeng bumibili ngayon. “harry..” sabi nito at ngumiti. Yung babae naman kinilig habang inipit pa ang buhok sa tenga nito. Tss.. Flirt!

Tumingin sakin si she at nasenyas na gusto nyang sabunutan ang babae kaya napatawa naman ako. “pwede ba mahingi number mo?” sabi pa nito habang inaabot ang cellphone. “a-ah.. Hehe.. Pasensya na pero may gusto na akong ibang tao” napakamot pa ito sa batok nito na halata mong nahihiya sa pag amin nito. Nakita ko naman si bes na ang laki ng ngiti nito ngayon. “ay! Sayang naman!” sabi nito at tinago na ang cellphone sa bulsa nito. Bleh! Buti nga sayo!

“okay na ako kuya harry.. Ako na dyan.” sabi ko dito.  Mapalitan na ito at baka makapanabunot pa si bes sa mga babaeng manlalandi kay kuya harry hihi. “ah! Okay ka na ba talaga?” tanong pa nito sakin. “ opo.. Baka may makapanabunot pa kasi dito” pabulong na sabi ko.

My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon