Chapter 4♥️💜

13 3 0
                                    


katatapos lang ng tatlong subject namin kaya papunta na kaming apat sa canteen para kumain na.

Malaki ang canteen namin kasi magkabukod ang elementary at highschool. Pagpasok namin marami ng students na kanya kanyang kumakain at nagkekwentuhan. Humanap kami ng bakante para kami ay makakain na.


“dito nalang tayo oh..” turo ni deo sa bakanteng pwesto na sakto ang bilang samin. Magkatabi kami ni she habang sa tapat ko ay si deo at katapat naman ni she si beks.

Kanya kanya kami ng labas ng binalot, ang ulam ko ay meat loaf samantalang kay she ay chapseuy at may fruits pa. Pagtingin ko naman ng baon ni beks ay friedchicken with sandwich pa, kay deo naman ay hotdog and egg parang breakfast lang datingan.


Pagkatapos namin magdasal ay sabay sabay na kami kumain habang nagkekwentuhan,buti nalang hindi ganon kainit ngayon sa canteen kasi bumili na sila ng aircon sa sobrang daming nagrereklamo na students.


“grabe! Ang hot talaga nilang tatlo oh!”


“oo nga! Gwapo pa!”


“medyo may pagkasuplado nga lang datingan nila pero yang mga ganyan ang type ko.” halos lahat nagbubulungan sa canteen. Kaya kaming apat ay napatingin sa bagong papasok lang sa canteen.



“grabe win! Sikat talaga dito ang kapatid mo at tropa nya  ano? Ang hahot naman kasi!” kinikilig pa na sabi ni bakla. “tss.. Mas gwapo ako sa mga yan!” pag mamayabang naman ni deo habang nasubo.


“deoboy.. alam namin na gwapo ka.. Pero ang payat mo noh! Sila kasi hot at gwapo ang description.. ikaw? gwapo lang! Puro kasi hotdogs ang kinakain mo!” nagtawanan lang kami ng mga to.


Nakatingin ako kay na kuya na naorder ng foods, maarte kasi to kaya malaki ang baon nya compare sakin. Ayaw magbaon kasi hindi na daw sya elementary para magbaon… See? Arte diba?! Habang nakatingin ako sa kanila ay napatingin ako sa likod ni jesthle.. Naalala ko na naman ang likod nya at bewang. Napatingin to sakin kaya agad ako nagiwas ng tingin.


“anyare sayo? Para kang kamatis sa pula ng mukha mo!” sabi ng mga to sakin. “a-ah? Wala!” sabay subo ko ng kanin at ulam na kinasamid ko… wala akong tubig kaya hindi ko alam kung pano matatanggal pag kabulon ng pagkain sa lalamunan ko.



“tss.. Oh inumin mo!” binigyan ako ng tubig ni deo kaya dali dali ko itong ininom. “hays! Salamat! Kala ko mamatay na ako eh!” ramdam ko parin ang init ng mukha ko kaya sure ako na pulang pula to ngayon. “ ano ba yan bes! Magingat ka nga!” sabi ni she sakin.



“kung san san ka kasi nakatingin kaya ka nabubulunan eh!” asar ni deo sabay tayo nito. Nagtataka naman kami kung san pumunta to, bumili lang pala ng softdrinks. Pagdating nya nilagay nya sa harap ko ang coke sa harap ko. “yan.. Para pag nabulunan ka eh may maiinom ka agad!” asar naman na sabi ni  deo sakin.. Kahit ganto to ay sweet naman minsan.


“ tsk! Nagkunwari ka pa na nabubulunan ghorl! Di mo nalang sinabi na ibili ka!” nakaismid na sabi ni bakla sakin. “inggit ka lang kasi beks!” sabay tawa ni she dito.



“oh! Yan.. Bumili ka ng pagkain don.. Manahimik yang bunganga mo! Basta yung pasalubong mo samin ah!” naglapag sya ng isang daan sa harap ni beks. “oh my god! Ang bait mo talaga deoboy!” sabay yakap nito dito. “tsk! Wag ka nga manyakap! Mapagkamalan pa na namamakla ako!” pangaasar nito kay rica. “tsk! Ang arte mo! Tara na nga bili tayo!” sabay hila nito kay she na tuwang tuwa.



“ ang bad mo kay beks!” sabi ko kay deo habang nakain kami. “ tss.. Yakap ng yakap eh! Kakadiri minsan!hahaha” kahit ganto to kay rica ay mahal parin naman niya si beks.



“kumain ka ng kumain dyan.. Baka mamaya mabilaukan ka na naman… Wala na akong pambili ng inumin mo!” panakot nito sakin habang natatawa.  “opo! Salamat! Pero may pang dota ka?” asar ko dito.



Dumating na yung dalawa na madaming dala. “patay gutom ka talaga!” sabi ni deo kay beks. “ wag kang kakain mamayang meryenda ah!” banta nito kay deo na nanlalaki pa ang mga mata. “bawiin ko pera ko eh!” panakot namin nito.. “hahaha as if mababawi mo! Don sa cashier pumunta ka! Bawiin mo!” napatawa nalang kami ni she sa bangayan ng dalawa.



“bes… Si Kuya jesthle nakatingin.” bulong nito sakin. Luminga ako para hanapin kung nasan tinutukoy ni bes pagtingin ko masama tingin nito sakin at naka bitch look sakin. Problema non?


*****

Nasa tambayan na kami ngayon sa likod ng school. Pag katapos namin kumain dito kami nadiretso para makapagpahinga.


“ anong atin nga pala? Matatapos na ang pasukan wala pa tayong plano?” sabi ko sa mga ito.


“yes! Magsasummer na! Tara magswimming?” yaya ni she samin.


“ gusto ko yan! Pero wag na sa inyo.. Nakakaumay na eh!” si beks habang nanguya ng dingdong.


“sa batangas nalang samin?!” si deo na ang laki ng ngiti.

“tara!” sabay sabay na sabi namin.


“yung sasakyan samin na.. Tapos ambag ambag nalang sa foods?”sabi ni she. Kunsabagay para makatipid kami pero payagan kaya ako ni nanay?


“basta set na natin yan! Magpaalam na tayo sa mga magulang natin. Sa May tayo magpunta?” si deo na nag gigitara.


“may problema ako..” napalingon sila sakin. “si mama at si kuya.. Baka di ako payagan?” si mama mapipilit ko pa.. Si kuya? Yun ang sagabal sa lahat! Mas matindi pa yun sa mga magulang ko eh.



“No problem! Diba graduating na sina kuya sean? Sama natin!” oo nga noh! Tyak sasama yun!



“minsan may utak ka din!” si beks na tatawa tawa. Si she naman ay kumindat sakin.



“ oo try ko na sabihin sa kanya mamaya… Kung papayag sya?” sana pumayag si kuya sa idea namin.


*bell ringing


Time na namin kaya nagmadali kami pumunta sa classroom. Hays! 4 subjects pa tapos uwian na! Excited na ako umuwi para masabi kay kuya! Pero isa sa nakakasad ay yung gagraduate na sina kuya at hindi ko na makikita si jesthle plus.. Wala pa akong gift sa kanya at hindi ko alam kung pano iaabot yun sa kanya! Hala! Bahala na nga!



Uwian na namin at nagkanya kanya na kami ng uwi ng makarating sa gate ng school si kuya nailabas na nya ang bike kaya umangkas ako sa kanya pero nakasunod samin si jesthle na nakapagpasaya sakin. Siguro tatambay sila samin? Kasama din nya yung ibang classmates nya siguro mga 5 sila.



Pagdating ng bahay ay nagmadali ako pumasok at umakyat sa kwarto ko para makapagbihis na ng matino. Para pag nagkita kami ni jesthle mamaya ay presentable ako. Tiningnan ko n naman ang picture namin nina kuya at jesthle na nakalagay sa table na nakaframe pa.eto lang kasi ang kaisa isahang picture naming tatlo eh.. Mukha pa akong uhugin dito at gupit bao pa. Samantalang si kuya simula bata mukhang jerk, si jesthle naman ay mukhang totoy na totoy dito habang hawak niya ang bulate habang nakangiti. Hays.. Ang gwapo nya talaga hanggang ngayon.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now