Chapter 30❤️💜

21 3 1
                                    

MBB30

Sa dami ng inisip ko nung mga nakaraan ay nalimutan ko na ang mga nakita ko sa parking area ng makita ko si jesthle at ate buena. Hindi ko na din magawang tanungin si kuya kung nagkita din sila nung araw na yun dahil baka mabigo lang ako at magisip pa ng kung ano-ano.

Nung mga nakaraan din ay panay ang papansin ni jesthle samin ni harry sa tuwing magkasama kami nito, minsan nauuna din ito na sunduin ako na parang nanadya talaga ito. Hindi ko nalang sinasabayan ang kasaltikan ng isang iyon dahil ayaw ko na magaway pa kami at kung san na naman mapunta ang usapan.

“bes.. Ano? May napili ka na ba?” tanong ni she habang abala kami na naghahanap ng ireregalo kay harry. “wala pa nga eh! Hindi ko nga maisip.. Nanakit na ang utak ko!” reklamo ko dito kasi kanina pa kaming umiikot sa mall pero wala akong maisip.

“tss.. Wag mo na kasi pagkaabalahan ang buraot na yun!” pag susungit naman ni deo. Sumama lamang ito para mangasar ata eh?. “hay naku! Humanap ka nalang din ng maibibigay” inirapan naman ito ni she.

“tss.. Alam nyo ang mga lalake simple lang ang kaligayahan.. Bigyan ko lang ng GIN yun okay na yun!” tatawa tawa na turan nito saming dalawa. “eww! Ang cheap mo ah!” pangaasar ni she dito. “wag mo sabihin na nagiinom ka na din?” tanong ko dito.

“hmmm.. Nagiinom lang naman ako occasionally Atsaka anong cheap don? Tingnan mo.. Matutuwa yun pag yun binigay ko sa sabado!” pagmamalaki nito samin.

Sa wakas! Natapos din ang pamimili namin kaya nagmadali na kami umuwi dahil ginabi na kami kakapili. Pagdating ko sa bahay ay agad naman akong nabigla  dahil kumpleto ang mga kaibigan ni kuya na nabungaran ko sa bahay.

“gabi na! Bakit ngayon ka lang?!” pag susungit ni kuya sakin habang papalapit sakin. “tsk! May binili lang ako.. Atsaka nagpaalam ako kay nanay noh!” taas noong sabi ko dito na bahagyang binati ang mga friends ni kuya.

“anong binili mo?”nakakalokong tanong nito sakin sabay hablot sa kamay ko ng paper bag buti nalang ay madali kong naiiwas ito at nailipat ko sa isang kamay ko. “ano ba kuya!” asar ko dito.

“pare.. Baka naman bumili ng panregalo sa bebe loves nya!” natatawang sabi ni kuya jasper na sabay tawa ng iba. “oo nga naman.. Uyyy!!!!” tudyo pa ni kuya james.

Nakita ko naman na namumula si harry sa tabi ni jesthle kaya nakita ko din ang itsura ng isa na sumama na naman ang aura. Kaya nagmadali ako tumakbo sa hagdan para iwasan si kuya at ang mga ito.

“kumain ka na pag katapos mo magbihis! Patingin ako nyan mamaya!” pasigaw pa na sabi sakin ni kuya. Naririnig ko parin ang tudyuan ng mga ito kay harry.. Tsk! Asar talaga ang mga ito!

Nilock ko agad ang pinto at baka masundan kaagad ako ni kuya at guluhin na naman. Pagkabihis na pagkabihis ko ay agad ko na inasikaso ang ireregalo ko kay harry dahil kailangan ko pa itong burdahan.

Nilabas ko ang dalawang pares ng medyas, isang itim at isang puti ang kulay. Kaya binurdahan ko na agad ng pangalan nya ito. Para magmukhang personalized gift kaya naisipan ko na burdahan ito. Since mahilig sya sa basketball kaya pang basketball na medyas ang naisip ko.


Kinabukasan ay tanghali na ako nagising dahil sa pagpupuyat ko sa pagburda. Kinuha ko ang mga medyas at pinasadahan ng tingin ang binurda ko. Nang makita ko na okay na ay kinuha ko ang box na paglalagyan ko nito at niribbon para mas mukhang panregalo talaga.

“sana magustuhan nya ito” bulong ko nalang at bumaba na para makapagalmusal na  ako at maisukat ang damit na binili ng nanay.

“nay naibili nyo po ba ako ng damit?” tanong ko dito ng pumasok sa kusina. “ay oo anak, saglit lang at kukunin ko para masukat mo. Tapusin mo muna ang pagkain mo para maisukat natin” sabi pa nito habang excited na lumabas para kunin ang damit at maisukat  ko. Hays.. Salamat at suportado ako ni nanay sa mga ganitong bagay.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now