Chapter 12❤️💜

13 3 0
                                    

*****

Pagtapat nga namin sa bahay namin ay nagulat din ang mga kaibigan ni kuya sa pagdating namin. “mauna ka na! Pero ipakilala mo kami ah?” bulong ni beks habang nakangiti ng todo sa mga ito.

“hi! Wait lang ah… itatabi lang namin ang mga ito ng makadaan kayo” si koyang cute habang isa isa nila tinanggal ang mga gamit nila na nakaharang.

“hi! Anong pangalan nyo?” si bakla na namimilipit na ngayon sa kakirihan! Jusko! Yari ako kay kuya nito eh… HaYs..

Nagulat naman ang mga ito sa inasal ni rica.. At nagbawi din ng pagkagulat. Ngumiti ang mga ito at isa isang nag pakilala.

“hi! I'm james” isa sa mga friend ni kuya na simple kung manamit.

“harold” isa sa mga so called bad boy type na friend ni kuya pero malakas ang dating.

“I'm harry! Nice to meet you all” si koyang cute! Bagay na bagay sa kanya ang name nya.

“Jasper!” kaway naman nung isa.. Wow! Ang neat nya tingnan ito ata ang best asset nya para maging gwapo eh.

“ahem! Win! Pakilala mo na kami!” kurot nito sa bewang ko.. Naku! Kung hindi ko lang talaga kaibigan tong bakla na’to!

“a-ah.. Hehehe.. Ah nga pala.. Mga friends ko si Rica”

“hi! Mga boylets! Nandito lang ako pag kailangan nyo! Taga bigay ng ligaya!” sabay kindat sa mga ito! Jusko! Nakakahiya talaga itong si bakla! Yung dalawa naman napatulala sa sinabi ni beks.. Samantalang yung mga friends ni kuya ay nagpipigil ng tawa.

“anyways! Si sheryl “she” nalang.. Tapos si deo” isa isa ko silang tinuro at pinakilala.. Si bes nag “hi” lang habang namumula si deo naman tumango lang.

“oh! Tapos na ba-” napatigil sa pag sasalita si kuya ng makita nya kami kasama mga friends ko. “oh! Aga mo ata ah?! Pumasok na kayo dito! Naabala nyo iyang mga yan!” si kuya nagsungit na naman! Kaya pumasok na kami sunod sunod sa bahay.  Nagkatinginan naman kami ni jesthle pababa ng hagdan na kinagulat ko..

Hmm.. Mukhang okay naman sya ngayon kasi normal ang mukha nya eh.. Pero biglang nagdilim paningin nito kaya sinundan ko ang tingin nito na lumampas samin. Nakatingin ito ng masama kay deo.

“Hi! Jesthle!” bati nito pero hindi sya pinansin at nagdire-diretso sa labas ito. “hmp! Sungit!” padabog na upo ni bakla habang naka dekwatro.

“oh! Anak nandyan na pala ikaw! Aba! Sino ang mga kasama mo?” tanong ni nanay na kalalabas lang sa kusina.

“hi! Magandang hapon po ako po si Deo!” sabay mano nito kay nanay na kinabigla namin.

“aba! Magalang ang batang to ah!” nakangiti kay deo.

“magandang hapon po! Ako naman si Rica pretty”

“magandang hapon din po! Kilala nyo na po ako” nahihiyang sabi ni she  kay nanay.

“Ay magandang hapon din! Kumain na ba kayo? Hali kayo at may niluto akong champorado! Saktong sakto sa inyo ito..” sabi ni nanay na pumasok ng kusina.

Nagtinginan ang mga ito at nag ngitian.. Alam na this! Hindi nila palalagpasin ito. Kaya sumunod na kami kay nanay sa kusina.  Walang pakundangan na kumain ang mga ito.. Mga feeling at home!


“wow! Nay! Ang sarap naman ng luto nyo!” nambola pa itong deo na’to! Syempre weakness ng nanay ko yung pinupuri jusko!

“ alam mo nak! Paborito na kita! Hahaha!” sabi ni nanay sabay gulo ng buhok nito kay deo.

My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon