Chapter 32

67 4 2
                                    

❤️❤️❤️

Napasinghap naman ako ng wala sa oras dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko kaya minabuti ko na tumayo at ayain na ito umalis sa lugar na yun pakiramdam ko kasi kakapusin na ako ng hininga.

“t-tara na.. Baka kasi hinahanap na tayo” sabi ko dito ng hindi tinitingnan. Namalayan ko nalang na  nasa tabi ko ito habang nakatitig sakin. “h-huwag mo ako titigan.. Na- naiilang ako” sabay yuko ko. Nararamdaman ko na namumula ang mga mukha ko ngayon kaya minabuti ko na tumungo nalang para hindi pa nito makita.


“atsaka.. Nagkukunwari lang tayo.. Pero bakit pinakilala mo na ako ang girlfriend mo?” hindi nalang nya dapat sinabi para hindi naging kumplikado ang lahat. “mas gugustuhin ko na ikaw ang ipakilala ko sa kanila kesa ibang babae” malumanay na sabi nito.napatingin ako dito ng bahagya para makita ang mukha nito… Nakatingala na ito ngayon sa kalangitan habang nakapamulsa.

“bakit ba nilalayo mo nalang ang sarili mo lagi sakin? Ganon mo ba kaayaw sakin?” parang nasasaktan ito sa nahihimigan kong tono nito  habang binibigkas nya ang mga salitang iyon.

“hindi naman sa ayaw.. Pero nagiging kumplikado kasi dahil pamilya mo na yun. Pano kung malaman nila na hindi talaga tayo? Na nagkukunwari lang talaga tayo? Maari kasi natin silang masaktan! ” mahabang pahayag ko sa kanya na ngayon ay nakatingin na sakin.

“sino ba ang may gusto na magkunwari lang tayo? Sa palagay ko ba gusto ko itong pagkukunwari natin?!” ngayon ay parang may hinanakit na ito sa binitawan nyang salita. Parang kasalanan ko pa ata?! Sino ba may kasalanan kung bakit nagkaganito kami?! Diba sya naman?!

“eh di tigilan na natin ang pagkukunwari.. Sa itsura mo kasi ay nahihirapan kana! Pasensya na kung kailangan pa natin magkunwari ah? Hayaan mo.. Sasabihin ko mamaya kay kuya na ititigil na natin!” bakit feeling ko nasasaktan ako? Feeling ko din maiiyak na ako ano mang oras. Kaya minabuti ko na tumalikod nalang dito at maglakad para makaalis na sa lugar na iyon.


Naramdaman ko naman ang paghawak sa kamay ko para pigilan ako Hindi ko sya liningon kahit na nakatigil ako ngayon dahil sa paghawak nya ng kamay ko.


“sinabi ko na ayaw ko na magkunwari! Dahil nahihirapan na ako na pigilan itong nararamdaman ko! Sa palagay mo ba sa ginagawa natin.. Hindi ako nasasaktan?” pasigaw na sabi nito sakin na lalong humigpit ang  pagkakahawak sakin. Bigla akong napalingon dito kaya nagpanalubong ang mga mata namin. Anong ibig sabihin nito?!

“a-anong i-big mong-” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit ito. “Gusto kita! Gustong gusto kita!” madamdamin na sabi nito sakin na kinabigla ko naman kaya napahawak nalang ako sa bibig ko.

“oo! Gustong gusto kita! Kaya gusto ko na itigil na ang pagkukunwari at gawing totoo na ito! Kaya sa tuwing nirereto mo ako sa iba…Nasasaktan ako kasi hindi mo maramdaman na gustong gusto kita! Naiinis ako kasi hindi ko masabi sayo at maipakita dahil na din sa brotherhood namin ng kapatid mo!” tinanggal naman nya ang pagkakahawak sakin at ito naman ang tumalikod sakin pero bago ito tumalikod ay nakita kong may kumislap sa mga mata nito. Tama ba yung nakita ko? Naluha ba ito?


Nasasaktan ko na pala sya ng hindi ko alam… Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, hindi ko din alam kung anong sasabihin ko dito. Gulong gulo na ang utak ko!

“hi-hindi ko alam kung anong dapat ko sabihin”kahit ako nagulat sa pag amin nya ng nararamdaman sakin. Ano ba dapat ko na gawin? Gusto ko si jesthle.. Yun ang alam ko. Ayaw ko naman saktan ito dahil napakabait nito sakin.

Humarap na ito sakin “hindi ko naman hinihingi ang sagot mo ngayon...gusto ko lang malaman mo ang nandito” sabay turo nya sa dibdib nya. “nahihirapan na kasi ako magkunwari sayo eh.. Kaya yung nangyari satin na pagkukunwari ay sobrang saya ko kasi may pagkakataon na ako na lapitan ka at makausap unlike before na gagawa pa dapat ako ng dahilan para may maidadahilan ako sa kapatid mo kung sakaling makita nya na lumapit ako sayo” napatawa naman ito na parang hibang habang ako naman ay nakatingin sa pagbuka ng bibig nya habang pinapakinggan ang mga salita nya na binibitawan sakin.


My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now