Chapter 21❤️💜

20 4 0
                                    

*****

Kinabukasan ay nagmadali ako kumilos para makapagcommute ng hindi nahihirapan sa pagsakay mahirap din pag natraffic ako. Nagulat ako kasi kasabay kong nag almusal si kuya napatingin ako sa orasan at nakita kong 8:00 na sakto. “ anong oras pasok mo?” tanong ni kuya sakin ngayon habang nakain.

“9:00 kuya.” sagot ko dito na kinakunot noo nito “eh bakit ang aga mo ata gumayak?” parang asar ang tono nito. “eh! Magcocommute ako.. Baka matraffic ako noh!” sabi ko dito habang nanguya ng kanin. “ah! Akala ko may manliligaw na sayong susundo eh!” sabi nito na nakatingin sakin habang nanguya ng pagkain.

“tss! Ang utak mo talaga kuya” sabi ko nalang at pinagpatuloy ang pagkain. Naunang gumayak si kuya paalis ng bahay habang ako ay iniwan nya habang nagsisipilyo pa. Nagpaalam ako kay nanay bago umalis ng bahay, paglabas ko ng bahay ay nakita ko si kuya na may kausap sa kotse. Hmm.. Hindi naman ito ang kotse ni kuya harry kasi red ang kulay non.. Samatalang ang kotse na nasa harap namin ay kulay blue. Wow! Ang ganda naman ng kulay nito.

Napatingin sakin si kuya at nakamangot “kahit kailan talaga ang bagal mo kumilos!” sabi nito sakin. “hala! Akala ko nga nauna kana sa school eh! Hindi mo naman sinabi na hihintayin mo ako..” pag papaliwang ko kay kuya. Hindi na ito sumagot at sumakay na ito ng kotse.. Ako naman ay napatulala ng makita ko kung kanino tong kotse na nasa harap ko.

“ano? Tutunganga ka pa ba?” sita ni kuya sakin kaya nagmadali ako sumakay ng kotse. Nung una ayaw ko talaga sumakay.. Kaso pag di ako sumakay magtataka naman si kuya. Hays! Just great! Sira na naman ang umaga ko. Pagsakay na pagsakay ko ay nakita ko na naman ang mga ngiti nito na nakaloloko.. Tsk! Ano bang gusto nito? Nakakaasar na!

Nagkekwentuhan lang sila ni kuya habang nasa byahe ng magvibrate ang cellphone ko.. Tiningnan ko naman ang phone ko kung sino.unregistered number kaya tiningnan ko agad kung sino.

“hi! It's me harry! Nakaalis ka na pala ng bahay nyo. Dumaan ako para sana sunduin ka eh.. Sabi ng mama mo maaga ka daw gumayak”

Yan yung nabasa kong message na kinabahala ko.. Hala! Nakakahiya naman.. Hindi naman kasi ito nagsabi na susunduin nya ako kasi tinanong lang nya ang klase ko ngayong araw pero di nya sinabi na susunduin nya ako. Nagmadali ako magtype para magsorry dito.

“hello!sorry kung dumaan ka pa samin… Kahapon kasi time lang yung tinanong mo kaya di ko ineexpect na susunduin mo ako today! Sorry talaga! Ingat ka pagpasok”

Binasa ko ulit ito bago isend, napabuntong hininga naman ako ng magsend at napasandal sa upuan. Napatingin ako kay kuya na busy sa pagtetext ngayon samantalang ang driver namin ay masama na naman ang tingin na binibigay sakin. Kung ang tingin ay nakakamatay..? Siguro matagal na akong patay!

Sinamaan ko din ito ng tingin na -anong tinitingin mo look-  pero hindi ito nagpatinag kaya ako nalang nagbawi ng tingin kasi hindi ito titigil hanggat hindi ako ang nasuko jusko!ayaw ko pang mamatay noh! Nagdadrive pa naman sya, Napakamalas talaga ng araw na ito…

Napatingin ako sa cellphone ko ngayon na hindi parin nagrereply si kuya harry.. Siguro busy na ito sa pagdadrive kaya hindi na nakapagreply.. Babawi nalang ako pag nagkasabay ulit kami.

Pag stop namin sa parking lot ay nauna na akong bumaba ng kotse para magpaalam kay kuya at dali dali na naglakad para hindi na ako mabwisit ng dahil kay jesthle.

Pagpasok ko ng room ay nakita ko ang apat habang may tinitingnan, hindi naman nila namalayan na dumating na ako kaya ginulat ko ang mga ito “ si maam nandyan na!” sigaw ko sa mga ito at nagmadali na magsibalikan sa upuan, napatingin ang apat sakin at siningkitan ako ng mga mata. “oh.. Ang seryoso nyo kasi” sabi ko sa mga ito at natatawa parin sa naging reaksyon kanina. “pinakaba mo naman kami eh!” reklamo ni joy na sumangayon ang mga ito.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now