Chapter 11❤️💜

12 3 0
                                    

Chapter 11

Sumapit ang araw nag sabado na parehas kami busy ni kuya pero magkaiba ng bahay. Si kuya sa bahay namin kasama ang mga tropa nya. Ako sa bahay nina she  habang nagpeprepare ng mga kailangan namin. Umuwi din kami ng maaga para makapagpahinga para magready kinabukasan ng tamang pagluluto.

“oh? San ka na naman pupunta?” harang ni kuya sakin habang kasama nito ang ibang tropa nya papasok ng bahay.

“ano ka ba kuya! Diba nasabi ko na sayo na tuturuan kami ng pagluluto ni manang ngayon.” naiirita kong sabi kay kuya.

“wow! Magtitinda kayo ng pagkain sa monday?” tanong ng barkada ni kuya. “ opo! Kaya samin na kayo bumili ng pang meryenda po ah?” sabi ko sa mga ito na nakangiti.

“oo ba! Sarapan nyo ah?” sabi nung cute na tropa ni kuya. Pero pansin ko lang wala ata si jesthle..simula pa kahapon na nagpunta dito samin. “oo naman po!” sabi ko dito ng nakangiti.

“agahan mo ang uwi ah? Bawal mag pagabi!” sabi ni kuya na lumampas na sakin papasok ng bahay kasunod ang mga kaibigan, pero bago pa ako makaalis ay bumulong yung cute na kaibigan sakin ni kuya ng “magiingat ka ah?” sabay kindat sakin. Ihhh!!!!! Grabe! Ang cute nya! Feeling ko namumula ako ngayon!


***beep**

***beep**

“hoy bes!” sigaw ni bes na natigil naman ang utak ko sa pagiisip ng kung ano ano. “tulala ka na naman dyan! Tara na! Susunduin pa natin ang dalawa!” oo nga pala kailangan namin na magmadali na.. Lechugas naman kasing tropa ni kuya eh! Kinilig ako bigla!

“grabe bes! Ang gagwapo ng kaibigan ni kuya mo yiiii!!!! Crush ko ang isa don!” habang kinikilig na ewan ito. “sino don?” tanong ko dito kasi isa lang ang cute na alam ko sa nga yun eh. “basta! Ituturo ko sayo pag nakita ko ulit sya!” sabi pa nito sakin. “add ko sya sa fb!” sabi pa nito.

“bes! May nagchat nga pala sakin…Hindi nagpakilala pero nung tiningnan ko ang profile ay naka private tapos spiderMan ang profile name” hays.. Naalala ko na naman yung kagabi kasi ang weird lang noh!

“talaga?! Baka secret admirer mo na yun?” kinikilig na sabi nito sakin. “haller! Ako? May secret admirer?” alam ko naman ang itsura ko noh! Unlike sa iba na pinagpipilitan nila na maganda sila kahit hindi naman!

“alam mo bes.. Wala yan minsan sa itsura! Sa ugali.. Tapos maganda ka naman ah! Hindi ka nga lang pala ayos!” tapos sinuri pa ako nito mula ulo hanggang paa.

“hey! Anong pinaguusapan nyo? Share nyo naman!” si bes na kakapasok lang ng kotse habang titingin tingin to sa side mirror. “kalurkey kayo! Masisira ata beauty ko.. Ang aga natin! Tapos ang init pa oh! Baka mangitim ako!” reklamo nito.. Yung driver natatawa na.

“magtigil ka nga!”sabay sabunot ni she sa buhok ni beks.

Habang nasa byahe kami para sunduin si deo ay may nilabas na pagkain si she na kinasaya naman namin. Tamang tama di pa ako nag aagahan. Saktong pagpasok ni deo ay nagbukas agad ito ng makakain  dahil mas masiba pa ito samin.

Pagdating sa bahay nina she ay nabungaran kaagad namin si tita ems at tito jes na nag gagardening sa bakuran nila.

“good morning po!” sabay sabay namin na bati sa mga magulang nito. “oh! Nandyan na pala kayo! Pumasok na kayo at may pinahanda ako na makakain at maiinom sa loob” nakangiting sabi ni tita ems.. Grabe! Ang bait talaga ng mga magulang ni bes! Manang mana talga sya sa mga ito. “ienjoy nyo activity nyo ngayon at kami ay mag gagardening muna” si tito jes na nagbubungkal ng lupa. Grabe! Sweet din nila!

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now