Chapter 24❤️💜

16 4 0
                                    

*****

Papunta na ako sa tagpuan namin ni harry ng may sumulpot sa harap ko na babaeng hindi ko naman kilala. Lalagpasan ko na sana ito pero hinigit nya ang braso ko at bago pa ako makapagsalita ay nasampiga na nito ako na kinaatras naman ng katawan ko sa lakas ng pwersa nito.

“ano?! Masakit ba?! Kulang pa yan sa dinulot mo na sakit sa kaibigan ko!” galit na galit na sabi nito sakin habang nakahawak ako sa mukha ko na nakararamdam ng pangangapal dahil sa pagkakasampal nito.

“s-sino ka ba? Ni hindi kita kilala at wala akong ginagawang masama sayo para sampalin mo ako!” kahit kailan ay hindi ko sya nakasalamuha kaya anong kinagagalit nito sakin?! Tsk! Ang sakit ng mukha ko.. Feeling ko namamaga.

“Hindi mo ako kilala?! Ako lang naman ang kaibigan ng sinaktan nyo ni harry! Ang babaeng mahal na mahal ang boyfriend mo!”pagkatapos non lumapit sya sakin at sinabunutan ako bigla.

“aray! Bi-bitawan mo ako!” sa sobrang sakit ng pag ganot nya sa buhok ko ay feeling ko anytime ay makakalbo ako. Pilit ko hinahagip ang buhok nya para makaganti at bitawan ang buhok ko pero imbes na bitawan ang buhok ko ay mas diniinan pa nito ang pag sabunot sakin.

“bagay lang sayo ito! Malandi ka! Argghh!!!!” galit na galit na sabi nito sakin. Hindi na ako makapagsalita sa sobrang higpit at sakit ng pagkakahawak nya sa buhok ko. Napaiyak nalang ako dulot ng sakit sa ginagawa nya sakin. “wag kang umiyak! Dahil deserve mo yan!ito ang dapat sayo!” hindi pa ito nakuntento ay pinagsasampal pa ako nito habang ang isang kamay ay nasa buhok ko ang isa naman ay sinasampiga ang mukha ko.

“miss! Tigilan mo na yan!”

“oo nga… walang laban ang babae sayo oh!”


“tumawag na kayo ng aawat at baka kung ano pa ang magawa nya sa babae bilisan nyo!”


Lahat ng nagtatangka na paghiwalayin kami ay hindi din nagtatagumpay dahil sa sobrang lakas nito kahit babae ang pangangatawan nito.

“huwag kayong aawat kung ayaw nyong masaktan! Haliparot ang babaeng ito kaya wag nyong kaawaan!”


Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay nanlalabo na ang paningin ko kaya namalayan ko nalang ang sarili ko na unti-unting nagdidilim ang paningin.

*****

Nagmulat ako ng mata ng makita ko si nanay na nagaalala ang mukha habang nakatingin sakin “oh diyos ko! Anak! Okay ka na ba? May masakit ba? Nagugutom ka na ba? Ano anak? Magsabi ka lang kay nanay ha?” sunod sunod naman na tanong nito sakin.

Nang tatangkain ko ng bumangon ay napahiga ulit ako sa sobrang sakit ng ulo ko pati ang anit. Napahawak naman ako sa mukha ko na namamanhid ngayon na ang feeling ko ay ang kapal kapal nito ngayon. “nay! Masakit po!” napahikbi naman ako kay nanay ng maalala ko ang nangyari kanina. “nay! Sorry po! Hindi ko naman alam na magkakaganito.. Hindi ko din kilala yung nanakit sakin. Pero base sa sinasabi nya kanina ay kaibigan sya nung naghahabol kay kuya harry” naluha ako habang nagsusumbong kay nanay.


“sshhh…. Tahan na anak.. Wag kana umiyak at baka makasama pa yan sa kalagayan mo. Ang kuya mo na ang bahala sa nangyari kaya wala sya dito.” habang hinihimas ni mama ang buhok ko at pinapahiran ang mga luhang umaagos sa mga mata ko ngayon. Nasa hospital ako ngayon at kami lang ni nanay ang nandito ngayon.


Pagkatapos ako icheck ng doctor ay pinakain naman ako ni nanay pero parang hindi kayang bumuka ng bibig ko sa sobrang sakit ng mga pisnge ko, feeling ko kasi pag nastretch ang skin ko ay mas sasakit to.. Kaya tubig nalang ang hiningi ko ay nanay.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now