Chapter 28❤️💜

18 3 0
                                    

****


Kinabukasan ay maaga ako nagising para ipag gawa ng sandwich si harry, peace offering ika nga..  Kahit na hindi ko alam kung ano talaga ang kinagalit nito sakin. Siguro dahil sa pangungulit ko sa kanya na maglapit sila ni she.

“oh anak? Para kanino yan?” tanong sakin ni nanay habang nilalapag ang bagong lutong pritong itlog sa lamesa.

“kay harry po.. Pasasalamat kasi lagi nalang niya akong hinahatid at sundo dito sa bahay natin po” kaila ko kay nanay para hindi na nya ako tanungin ng tanungin.

“aba! Ay baka maging totoo na pag papanggap nyo ah? Kung sakali man ay balansehin ninyo ang pagaaral ninyo sa relasyon na meron kayo ngayon” oh.. Yan na naman si nanay nagsisimula na naman.

“nay! Walang kami! Pasasalamat ko nga lang po!”pag gigiit ko dito na nagkibit balikat lamang ito.

Maya maya pa ay may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay namin. “ang aga naman nito ata?” habang patuloy parin ako sa pag gawa ng sandwich.


Maya maya pa ay may naramdaman akong naglalakad sa papunta sa likod na pwesto ko “oh.. Ang aga mo naman ata?” sabi ko ng hindi sya nililingon. Hindi ito umimik kaya pinabayaan ko nalang kasi baka may saltik na naman ito agang aga. Nabigla nalang ako ng may humapit sa bewang ko at humalik sa pisnge ko.

Yung amoy na’to… Hindi ako nagkamali ng pagbaling ko ay mukha nito ang makita ko.”para ba sakin yan?” nanunoot ang boses nito sa tenga ko habang ang hininga nito malapit sa tenga ko ang nagpapatayo ng balahibo ko Habang naka ngisi ito. Ang lalo kong kinagulat  ay ng marinig ko na may parating kaya agad akong umikot sa kanya kaya magkaharap na ang mukha namin at dali-dali ko syang itinulak.

Napatingin ako dito na sa sobrang lakas ng tulak ko ay napaupo ito sa upuan habang shock na shock ang anyo nito sa pag tulak ko sa kanya.

“oh! Hijo.. Kanina ka pa ba dyan?” napalingon naman ito ng magsalita si nanay at bahagyang napatingin sakin. Ngayon alam na nya kung bakit bigla ko nalang syang naitulak. Baka bigla nalang himatayin si nanay kung makikita kami sa ganong posisyon.

“ahm.. Kadarating ko lang po nay!” at lumapit naman ito kay nanay para magmano. “ngayon lang ata kita nakita ulit dito?” tanong pa ni nay dito. “sa totoo lang po may pinagkaabalahan lang po ako nung nakaraan kaya ngayon lang po ulit ako nakapunta, may namiss po kasi ako” biglang tumingin ito sakin kaya feeling ko namula ako kaya tumalikod ulit ako para abalahin ang sarili sa pag gawa ng sandwich.

“aba! Si sean ba tinutukoy mo? Ay tulog pa.. Humayo ka sa kwarto nya kung gusto mo makausap” sabi pa ni inay dito. “naku! Hindi na po.. Siguro mamaya nalang po akong hapon pupunta dito para makapagusap po kami” sabi pa nito kay nanay. Tss.. Pag katapos nung nangyari samin bigla bigla nalang itong nawawala ng walang pasabi ni paramdam wala! Bwisit!

“ay sya sige hijo.. Ikaw ba winnie ay tapos na dyan? Ay wag mo na kagandahan pag prepare nyan at si kakainin naman ni harry iyan”baling naman sakin ni nanay. Nakakainis talaga ito! Nanunudyo pa sakin sa harap ni jesthle!

“nay!” sita ko dito at humarap sa bahagi nila para talaga tingnan ang reaksyon ni jesthle na masama na ang tingin sakin ngayon at naka smirk. Tsk! Yan na nga sinasabi eh..

“oo na! Sya dyan muna kayo at akoy magaasikaso ng nilabhan natin!” sabi ni nanay na nanunudyo ang tingin sakin bago ito umalis.


Nung kami nalang ang matira ay akala mo’y may dumaan na anghel sa sobrang tahimik. Umupo ito bahagya sa upuan na malapit sa likuran ko at hindi ko malaman kung bakit bigla nalang akong kinabahan. Ramdam ko ang paninitig nito sa likuran ko sakin kaya hindi ako mapakali sa ginagawa ko. Narinig ko naman na nagbuntong hininga ito bigla.

My Brother's BestfriendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt