Chapter 6♥️💜

15 3 0
                                    

*****kinabukasan

Naalimpungatan nalang ako ng may yumuyugyog sakin “hhmm.. Ano ba?” sabi ko habang nakapikit pa  ang mga mata ko kaya tumalikod ako para di na maistorbo pero maya maya ay may humila ng kumot ko kaya napamulat ako ng wala sa oras. “nay! Ano ba? Wala po akong pasok!”naiinis kong sabi habang nagkukusot pa ng mata.

“hi! Bes!” nakangiting sabi nito at winagayway pa ang kamay nito sa mukha ko. “huh?! Anong ginagawa mo dito?!” agang aga nang gigising to.. Eh wala naman kaming pasok ngayon.

“tsk! Pinapasok ako ng mama mo dito sa kwarto, ako na daw bahala na gisingin ka. Kaya ginising kita!” nakangising sabi nito sakin. “eh? Ano nga kailangan mo?! Ang aga pa noh! Inaantok pa ako!”reklamo ko dito habang nagkakamot sa ulo.. Ganto kasi ako pag naiinis o naasar nakamot sa ulo kahit walang kuto.

“samahan mo ko bumili ng damit at libro? Dali na!” tsk! Seriously? Ginising nya ako sa ganyang dahilan? Inagaw ko ang kumot sa kanya at nahiga ulit para matulog. “ano ba?! Bes naman..  Bumangon kana dyan! Samahan mo ako!”habang pilit na inaagaw sakin ang kumot ko.

“pwede ba? Go to hell she! Iba nalang isama mo! Ayaw ko!” inaantok pa kasi ako eh.. Atsaka ngayon nga lang makakatulog ng masarap eh. “grabe ka naman! Ayaw mo talaga ako samahan?!” mataas na ang boses nito na para bang sinusubukan ako. “OO! ang kulit mo!” sigaw ko dito habang nakapikit pa.


Narinig ko na naglakad ito...buti nalang paalis na din ang istorbo. Bruha talaga! Agang aga… Sinisira ang tulog ko! “okay! Sige! Sayang may dala pa naman akong extra money.. Diba wala ka pang pang-regalo sa fafa jes mo?sige! Alis na ako.. Tulog ka lang!” sa narinig ko ay automatic na bumangon ang katawan ko sa kama at nilapitan ito. “ikaw naman hindi mabiro! Dito ka lang ah? Maliligo lang ako!” nagmadali ako pumunta ng banyo para maligo pero bago ako umalis ay narinig ko ang nagpipigil na tawa nito.

Bwisit talaga ito.. Alam na alam nya talaga ang ipambablackmail sakin! Lagi nalang ako naiisahan nito.. Hays! Di bale nalang makakapaghanap na ako ng panregalo.. Kyaaahhhh!!!!!

Paalis na kami ni she ng mabungaran namin si kuya sa tapat ng pinto habang pawis na pawis to… Obviously naglaro na naman ito ng basketball. “oh?! San ang punta mo ah?! Walang pasok!” matapang na sabi nito with matching laki mata pa kaya inirapan ko lang ito.

“tara na nga she! Panira na naman si kuya! “ nagpatuloy kami sa paglalakad pero nakaharang parin ito sa pinto. “san nga ang punta?!” tsk! Asar talaga to! “magmo mall kami! At pinayagan na din ako ni nanay! May angal kuya?kaya tsupi! Umalis ka na sa pinto ng makalabas na kami!” nag mwestra pa ako na umalis na ito sa pinto.

“anong gagawin nyo don?! Anong oras ang uwi?! Baka kung san lang kayo magpunta ah?!” see? Talo pa ang tatay ko kung makapagsalita!

“a-ano.. Ano po.. ISa-sama ko lang sya bibili po ng libro at damit. Babalik din po kami!” kinakabahan na sabi ni bes habang nakayuko pa ito. Hahahaha.. Natakot ata kay kuya.



“okay!” tsaka ito lumampas sa amin at dire diretso na nagpunta sa kusina. Nambwisit lang talaga ito sakin at nanakot kay she! Ganyan lagi gawain nyan.. Hindi malaman kung anong takbo ng isip!

Nang nasa kotse na kami ay kinekwento ni bes kung gaano sya kinabahan kay kuya na kinatawa ko lang kasi nilagay pa nya palad ko sa dibdib nya at damang dama ko ang lakas ng kabog ng dibdib nya..hanggang sa makarating kami ng mall ay nagtatatawa parin kami sa nangyari.

Kumain muna kami kasi syempre ginising nya ako ng maaga tapos umalis kami ng di pa nakain. “grabe bes! Ang takaw mo!” sabi nito sakin na namangha sa order ko. “oh? Nagsisisi ka na ba kasi ako ang sinama mo?” pinagtaasan ko ito ng kilay pano ba naman di magrereklamo to.. Sya kasi nagbayad ng kinain namin, haller?! Wala akong pera noh!


My Brother's Bestfriendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن