Chapter 27❤️💜

22 4 0
                                    

“wow! Ang galing mo naman deo!” mangha namin dito kasi napakagaling nya magskirting. Samantalang kaming mga babae ay hindi ganon kagaling.

“madali lang ito kung may skills o gusto nyo talaga” paliwanag nito habang  ginagawa ang diamond style.

Habang abala kami sa kanya kanyang pag sskirting ay  pinagtitinginan naman kami ng ibang students kasi nandito kami sa field at nakagroup para sa pagsskirting.

Pasadong alas kwatro ng hapon namin ginagawa ang activity namin at buti nalang ay hindi mainit kung nagkataon na kainitan eh baka mahimatay na kami isa isa dito haha…

Habang kaming mga babae ay nakaupo ay hindi naman namin alam kung pano uupo ng tama para hindi man lang kami masilipan kasi naka school uniform na kami kaya nakapalda na above the knee ang suot namin. Hirap na hirap na kami sa ginagawa namin ay hirap na hirap naman kami sa tamang pag upo. Buti nalang nagsacycling ako kaya kung mapamali man ng upo ay walang problema.


“argh! Nakakainis naman itong uniform natin!” reklami ni joy habang higit higit ito kasi nataas pag naupo kaya alaga nitong higitin ang palda pababa.

“wala tayong magagawa kung ganito ang kursong kinuha natin pati uniform karekla reklamo” sabi pa ni she na iritable na din.


“hoy! Ayusin nyo ang upo! Nadami na ang mga nakaabang” sabi ni deo na tatawa tawa samin. Kasi ang tinutukoy nito ay yung mga nakatambay sa study table habang nakaharap samin para magabang ng makikitaan na panty.

Bakit kasi yung ibang mga girls alam na naka palda lang ng maikli hindi man lang magsuson ng short o cycling man lang? Kaya sa mga gantong pagkakataon may mga nananamantala!

“bwisit kasi kayong mga lalaki!” sabay sama ng tingin nito kay deo. “oh? Bakit naman kami ang parang sinisisi mo ngayon?!” pinanlakihan pa nito ng mata si joy habang inaayos ang gawa nito.


“bakit kasi ang mamanyak nyo?!” iritang sabi ni she dito sabay tingin sa mga lalake na tuwang tuwa ngayon.

“hoy! Hindi lahat noh! Atsaka depende yun kasi kayo din naman ang may kasalanan noh! Pag nagpapakita ng motibo syempre grab naman kaming mga lalake. Katulad ngayon lahat kayo ang iikli ng palda tapos mga di pag nagsususon.. Sino ngayon ang may kasalanan aber?!” tamapang na saad nito. Kunsabagay may punto nga naman ito.

“oh.. Tahimik na.. Baka kung san pa mapunta ang usapan! Gawin nalang natin ng maayos at maganda itong table natin” sabi ko sa mga ito na nagbalik naman sa kanya kanyang gawain.

Pagkatapos ng activity namin ay agad naman kaming dinismiss agad ni maam kaya ngayon ay naglalakad kami papunta ng study table para kunin ang mga gamit namin.

“grabe! Ang daming magagandang hrm student ngayon noh?”

“oo nga at ang sesexy pa!”

“hahaha… Colorful pa ang mga panties!”


Ang mamanyak talaga ng mga lalake sa panahon ngayon.. Hindi man lang nahiya na iparinig samin. Mga bwisit!

“hi! Mga miss.. Baka pwede namin kunin ang numbers nyo!” sabay sigawan ng mga ito na kagulo na sa pagbubuyuhan na kunin ang number sa isa sa mga classmates ko.

Walang pumansin ni isa saming magkaklase dahil siguro dahil sa pang mamanyak ng mga ito kanina.

“wow! Ang susuplada naman! Akala nyo naman ang gaganda nyong lahat!” sigaw nung isa sa mga ito at nagsigawan na naman.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now