Chapter 26❤️💜

23 4 0
                                    

*****

Nasa labas ako ng bahay habang tinatanaw ko parin ang papalayong sasakyan ni harry.

“tsk! Tinatawag ka na ngang BABOY.. Kinikilig ka pa dyan?!” nagulat naman ako sa pagsulpot nito sa likuran ko. Ang tinutukoy ba nito ay ang pagtawag sakin ni harry ng BABE? At Ano naman ginagawa ng isang ito dito samin at nandito sya? Bakit hindi nalang sya sa juliet nya magpunta at dito pa talaga nya napili pumunta.. Para ano? Mang asar na naman?!


“wala ako sa mood para patulan ka!” at dumiretso na ako sa loob ng bahay at baka kung ano pa ang magawa ko dito.


“gustong gusto mo talaga ang tinatawag kang baboy noh? Parang yun lang kinikilig ka naman” nagsasalita ito habang naka sunod ito sakin… Sa totoo lang? Anong pinaglalaban ng isang ito ngayon?


“ alam mo humanap ka nalang ng ibang tatawag sayo ng BABOY! Para kang inggit na inggit kay harry kung tumalak dyan eh!” asar na sabi ko dito na hindi naman ito sumagot.. Kasi automatic kasi minsan na pag sumagot ako ay may kasunod na itong talak sakin kaya napalingon ako dito na nakatingin sakin ngayon.

“oh! Ano namang tinitingin tingin mo dyan? Umalis ka na nga!” at tumalikod na naman ako dito para humakbang papasok ng bahay. Nakailang hakbang palang ako ng may maramdaman ako na humawak sa braso ko.

Napalingon naman ako dito na madilim ang anyo nito. Oh? Kanina nang aasar naman ito… bakit ngayon parang susugod naman sa gyera ang itsura nito? “ ano ba! Bitawan mo nga ako!” piksi ko dito pero kahit anong gawin ko ay hindi nito inaalis ang pagkakahawak sa braso ko.

“talagang HARRY nalang ang tawag mo ah! Bakit hindi mo na sya tinatawag na KUYA huh?!” galit na galit ang anyo nito ngayon.

“eh ano bang pakialam mo ah?! Bitawan mo na nga ang braso ko!” nagpumiglas naman ako dito.

“bakit? Ka-kayo na ba?!” nakikita ko na ang mga litid nito sa leeg na kinatakot ko naman kasi lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko.

“ano ba! Nasasaktan ako!” at malakas ko na tinanggal ang braso ko sa pagkakahawak nya. Nagmadali akong pumasok ng bahay at pumasok na ng kwarto. Hindi siguro alam ni kuya na nandito si jesthle kasi nakita ko pa itong pumasok ng kwarto pagkagaling sa CR. Kung ganon hindi nya talaga sadya si kuya dito sa bahay?. Ano yun? Pinuntahan lang nya ako para asarin at pagsalitaan na naman ng kung ano ano?!

Napatingin naman ako sa braso ko na may markang pula sa pagkakahawak siguro ni jesthle.  Napapansin ko lang na habang tumatagal ay pa weirdo na pa weirdo sya.. Hindi ko nga alam kung ano talaga ang trip nito sa buhay eh!


*****

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising dahil walang pasok. Buti nalang sabado at linggo ang wala kong pasok.. Sa iba kasi alanganin ang araw na walang pasok eh.

“oh.. Kuya namalengke ka?” pababa ako ng hagdan samantalang si kuya ay kapapasok lang galing sa pinto na may mga dalang pinamili.

“oh eh.. Bakit ikaw? Ngayon ka lang gumising?” agang aga may saltik na naman ito! “obvious naman siguro na namalengke ako.. Ikaw talaga! Kita mo na.. Nagtatanong pa! Buti nalang hindi ako ganyan! “ pag susuplado ni kuya sakin Sabay pasok  sa kusina para ayusin ang pinamili.

“ang sama mo talaga sakin kuya! Eh bakit nga ang dami nyan? Wala namang okasyon ngayon ah?” tanong ko ulit dito habang abala sa pag aayos..

“tsk! Sasagutin na kita manahimik ka lang! Namili ako kasi dito  gaganapin ang birthday ni james.. Oh ano? Masaya kana?!” banat naman ni kuya sakin.

My Brother's BestfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin