Chapter 23: Suicide

Start from the beginning
                                    

Ako din nagtataka bakit ganon kamahal dapat ba I-check ko muna kung magkano talaga yung wine na yun? ayoko namang bumalik don sa secret place nila Hendrix.

"Di-bale tutulungan ka namin mabayaran ang utang mo para hindi kana gambalain ng Hendrix na yun-"

"Nako Kristine wag na..." tanggi ko. Nakakahiya naman sa kanila.

"Jasmine it's okay, handa ka naming tulungan." agad ko ding nilingon sila Cecil, princess at raven. Napangilidan agad ako ng luha sa tuwa. Napakabuti talaga nila sakin.

Nasanay na ako sa sarili ko na ako ang lahat ng gumagawa ng paraan sa mga kasalanan ko. Ayaw ko kasing makaistorbo sa mga taong malapit sakin.

"Salamat sa inyo." masayang sabi ko sa kanila.

"Aw group hug!" sigaw ni Raven at hindi pa man ako nakakapareact niyakap na nila akong apat.

Naalala ko tuloy yung unang araw ko dito, kung saan grinoup hug nila ako, kung saan litong-lito ako sa nangyayari sakin. Humiwalay sila ng yakap sakin at pinanood ko silang matawanan dahil sa mga pagkwe-kwento nila sa nangyari sa kanila buong magdamag.

Mami-miss ko silang apat, pagnakabalik na ako sa tunay kong mundo. Masaya akong na naranasan kong magkaroon ng kaibigan na totoo, mga taong handa akong damayan sa lahat ng drama ko sa buhay. Hindi naman pala masyadong masama na napunta ako sa novela ko, ngayon pa lang naiisip ko na mami-miss ko ang lahat dito at hindi ko kailan man makakalimutan ang paglalakbay na ito.

•••

Saming Lima ako ang unang nagising, mula pa kahapon at hanggang gabi hindi ako makatulog ng ayos halos buong magdamag lang ata ako sumulat sa diary ko. Nag-unat-unat ako ng katawan at napagdesisyunan ko din na lumabas na muna para magjogging total alasais palang ng umaga.

Bago ako lumabas ng dorm, nag-iwan ako ng note mahirap na baka maulit yung nangyari noon yung na stuck ako sa secret place nila kembert kaya ako nagkautang sa Hendrix na yun. Minsan talaga masama ang nacu-curious.

Habang naglalakad sa labas, hindi ko inaasahan na makikita ko si Franz, patakbo siya sa direksyon ko, mukhang maaga din siyang nagising para magehersisyo. Hindi ko maiwasan mapangiti lalo na kitang-kita ko ang seryosong itsura nito. Talaga nga namang napakagwapo niya kahit sa malayuan. Nang makitang malapit na siya sakin humarang ako sa daan at kinawayan pa siya.

"Franz-" laking dismaya ko ng iwasan ako nito at nilampasan ako sa pagtakbo. Agad ko siyang nilingon at malungkot na pinanood siyang tumakbo papalayo sakin.

Franz....

Agad akong napailing at imbis na magmukmok, sinundan ko siya. Halos hingalin ako sa paghabol sa kaniya, napagtanto ko na sobrang bilis nitong tumakbo. Nang hindi ko na kaya tumigil ako at nagmamadaling sumagap ng hangin, kusang nangilid ang luha ko, sobrang nasasaktan ako sa ginawa niyang pag-iwas sakin. Alam ko naman kasalanan ko at nagsisi na ako sa ginawa at pinagsasabi ko sa kaniya. Habang hindi pa siya nakakalayo sakin, muli ko siyang tinawag.

"Franz!" sigaw ko pero hindi niya ako nilingon. Nawalan na ako ng pag-asa. Baka talaga ayaw niya na akong makita, ganto na lang ba kami? sa huling pagkakataon, kinain ko ang pride ko at muling tinawag ang pangalan niya.

"Franz!" nanghihina na sigaw ko. Pasimple kong pinunasan ang luha ko. Masaya akong makita na napahinto siya dahil sa pagtawag ko sa kaniya. Seryoso niya akong nilingon at tinignan. Hindi ko tuloy maiwasan maiyak dahil sa wakas tinignan niya na ako. May ilang metro ang layo namin sa isa't-isa.

"Anong gusto mo?" pagtatanong nito sakin at ngumiti ako ng pilit sa kaniya. Bagot na bagot ang itsura nito ngayon na tila naghihintay pa kung may sasabihin ako, na sagutin ang tanong niya.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now