SDTR: Kabanata 27

Magsimula sa umpisa
                                    

Nanlaki ang mata nila ni Tita Kristine at mabilis silang lumapit saakin upang daluhan ako.

"Claire!" Hiyaw ni Mama, dahil saakin tinitiis lahat ni Mama ang sakit. Akala ko totoong masaya ang pamilya namin, pero sa likod pala ng mga ngiti ni Mama ay ang kasinungalingang bumabalot sa puso niya.

"Justine!!" Sigaw ni Tita Kristine at kaagad namang dumating si Kuya.

"Sht!" Sigaw ni Kuya, napatingin ako sa paa ko at nakita kong doon ko naibagsak ang platong hawak hawak ko kanina. Hindi ko maramdaman ang sakit non kahit pa tumutulo ang dugo doon, para bang namamanhid nalang ang buong katawan ko.

"Mama, I'm sorry." Humahagulhol na sambit ko kay Mama, "I'm sorry kung nabuhay pa ako sa mundong 'to. Si...siguro kung hindi ako nabuhay, siguro hindi mo na kailangan pang masaktan ng ganito. Hindi mo na kailangang magpanggap na masaya ka sa piling ni Dad, hin--" Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko nang yakapin ako ni Mama at umiyak siya ng umiyak sa balikat ko.

"Maling mali na ipinanganak ako sa mundong 'to!" Sigaw ko, mali naman talaga ang lahat. Mali dahil sinasaktan ko ang babaeng nagdala saakin sa loob ng siyam na buwan, mali dahil nangyari ako sa isang pagkakamaling relasyon. Mali dahil hindi naman ako ginawa ng dahil sa isang pagmamahalan.

"No! Claire! Ikaw ang pinakatama na nangyari sa buhay ko, anak, hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang malaman kong magkakaroon ako ng isang kagaya mo. Hindi ka mali, walang mali! Mahal na mahal ka ng Mama." Umiiyak na bulong niya saakin, dinig na dinig ko ang paghagulhol ko, parang ngayon ko nalang narinig na umiyak ako ng ganito. Maging si Jenica na nasa tabi ko ay umiiyak na rin at panay ang tawag sa pangalan ko.

"H'wag na h'wag mong sasabihin na pagkakamali ka, dahil anak kita. Kahit kailan hindi ka naging pagkakamali sa mga mata ko." Mas lalong humigpit ang yakap niya saakin at pakiramdam ko nauubusan na ako ng lakas, pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam kung paano ko pa nakakayang kumilos gayong sumusuko na yung puso't isipan ko sa lahat ng bagay. Pagod na pagod na akong masaktan, pagod na pagod na akong intindihin kung bakit nangyayari saakin ang lahat ng ito.

Pagod na rin akong umasa.

"CLAIRE!!" Iyon nalang ang huling narinig kong sigaw nilang lahat.

___

Pinanatili kong nakapikit ang mga mata ko kahit pa naririnig kong nag uusap sila Lolo sa gilid ng kama. Nawalan ako ng malay kanina. Sumuko na nga ang katawan at isip ko.

"I'm so disappointed with you, Paul John." Galit na sabi ni Lolo, "I..I know, I'm sorry." Sagot ni Dad at naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

"Anong gagawin mo ngayon? Paano mo maipapakita sa anak mo na mali ang lahat ng narinig niya kanina saamin ni Tanya?" Maging si Tita Kristine ay may galit na ang pananalita sa boses.

Hindi umimik si Dad sa halip ay marahan niyang pinisil ang kamay ko, nanatili akong nakapikit at halos kurutin ang puso ko nang halikan ni Dad ang noo ko at bumulong doon. "I'm so sorry for hurting you my Princess."

"Mahal ko ang anak at asawa ko." Paninindigan ni Dad, "Really? Sa 21 years, ngayon mo lang naisipan sabihin yan?" Sarkastikong sambit ni Tita Kristine.

"Kristine." Suway ni Tito Jess.

"No, Jess. Totoo ang lahat ng sinasabi ko, sinaktan niya ang kapatid mo, higit sa lahat ang pamangkin mo." Bulyaw ni Tita Kristine.

Nakakapagod makinig sa mga bangayan nila. Binitawan ni Dad ang kamay ko at naramdaman kong tumayo siya mula sa kama, "Babawi ako." Paulit ulit na bulong ni Dad.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon