Chapter 21

234 13 4
                                    

Vanesia









"Yeah, bro!" Bart shouted so loud before drinking his beer.

Nandito kami ngayon sa apartment ni Darko at pumasa silang lahat! Thank you, god! Kahit nakauniform pa ako ay ayos lang dahil masaya ako para sa kanila.

Nandito rin si Vanesia at nakikisaya pero nakapagpalit na siya di tulad ko na naka uniform parin.

"I told you, you're going to pass!" Malaking ngiti ko kay Darko at hinalikan niya ako ng mariin.

Napatingin ako sa paligid at buti na lang dahil busy silang nagsasaya.

Napatingin ako kay Vanesia at may kasama siyang lalaki na ipinakilala niya bilang boyfriend niya. Siguro ay nagseselos si Darko.

"Nagseselos ka 'no?"

"What?"

"Kila Vanesia,"

Lumingon siya doon at ngumisi. Nagkakatuwaan sila doon habang nandito kami sa teresita.

"I'm far from being jealous," aniya at lalo akong kinulong sa bisig niya.

Nasa likod ko siya at ang magkabilang kamay niya ay nasa bakal na barandilya.

Nilingon ko siya at kinunotan ng noo. Seryoso ba siya?

"Why not?"

"What do you mean why not?" Aniya at uminom sa bote niya.

"Don't you like her?"

"I don't know anymore," bulong niya at tumingala sa langit kaya tumingala din ako.

Ang ganda ng mga bituin. Nakakahumaling ang sinag ng buwan.

"I'm in a relationship with you so why would I be jealous of them?"

Sagot niya na lalong nagpagulo sa akin. Wait, that's the whole point of this, right?

Hindi na ako sumagot at hinayaan na lang siya. I don't know how to respond and if I should ask about what he said. I don't think I should asked it's deeper meaning.

"Pasok na tayo,"

Hindi siya gumalaw kaya hinarap ko siya. Ano kayang nasa isip niya?

Kung totoong hindi siya nagseselos ay bakit parang mas malalim ang problema niya ngayon? Dapat ko bang tanungin?

The night was fun but I still went home because I have classes tomorrow. I don't have a spare uniform in Darko's place so I can't spend the night there.

"Take care..." paalam ko kay Darko dahil hinatid niya pa ako.

Kinabukasan ay ihahatid niya rin daw ako pero akala ko ay kahapon lang. Balak ba niyang araw-arawin ito? Siguro ay para mas mabantayan niya si Vanesia lalo na at may boyfriend na ito.

"Do you want coffee.. or something?" He said while we're on the way to school.

"Iced Caramel Macchiato, that's my favorite,"

"Okay, we'll go get it now."

Minaniobra niya ang manubela at nagdrive thru kami sa starbucks.

"Thank you, ako na na dapat,"

Siya kasi ang nagbayad kahit ipinilit ko naman na ako na lang.

Hindi na kasi ako nakapag almusal at mukhang hindi na ako makakapagalmusal sa bahay every day dahil maaga ang pasok ko ngayon.

Sa second semester naman ay tanghali ang sched na kinuha ko dahil pag ganito kaaga ay hindi na nga ako nakakapag almusal.

"See you later," I said after I kissed his cheeks.

Fallen Too FarWhere stories live. Discover now