Chapter 2

302 11 4
                                    

Earthquake







At the end of the day, after all of my subjects are done, I went to the parking lot dahil nagtext si Hazel na ako na daw ang bahala sa kotse niya dahil nakisabay nalang daw muna siya.

Bakit hinayaan niya pang ako ang magmaneho pauwi, kanina ngang umaga halos makasagasa na ako. Ayaw niya naman siguro akong patayin. I chuckled at the thought.

Umuwi na lang ako ng diretso at nalaman na nagclub nga si Hazel. Tito Richard is already used to it and he just let her. How amusing, right? I had the most uncommon childhood.

Some may say that I had the most boring childhood but I wouldn't say that. I had fun with my encyclopedias and other science related books.

Major in Mathematics ang kinuha ko pero curious ako sa Science that's why I read books about different things. Laging may explanation ang mga bagay.

"You should get a license, Heaven. Tutal ay mag18 ka na rin naman."

"Yes po, tito." Sagot ko habang sabay kaming kumakain ng hapunan. Wala pa si Hazel anong oras na. Kung ano ano na ang naiisip ko kung bakit ang tagal niya. Mukhang mas nagaalala pa ako kesa kay tito.

"Lagi po ba siyang late umuuwi? Anong oras po kaya siya darating?" Tanong ko kay tito.

Napatawa naman siya "Madalas alas tres na siya ng umaga umuuwi, nagtetext naman siya kung di na siya uuwi. Kaya madalas din akong sa labas kumakain pero simula ngayon dito na para may kasabay ka."

Tumango tango lang ako at inabsorb ang sinabi niya. How come he's so calm while his daughter is out all night? I don't know if I can be that composed when my daughter is partying all night without texting or calling me.

"Kamusta nga pala ang first day mo?" Tanong ni tito habang umiinom ng juice.

"Ayos naman po, I had fun listening to the teachers. They're all smart and knowledgeable." I smiled, It's true, I love learning new things.

"Pero muntik na po akong makasagasa." Dagdag ko na ikinabigla niya. Nasamid pa siya napaatras ako sa upuan.

"Are you okay, tito?"

He nod "Anong nangyari?" Tanong niya ng makainom.

"Nagpanic po ako kanina dahil malelate na si Hazel, hindi na po mauulit." I said without looking at him like what I always do when I'm saying sorry to my mom and dad.

"It's okay, hija. Magiingat ka na lang sa susunod." Aniya na ikinabigla ko.

Why are they so different from our family? I don't understand why and how.

"Wala naman bang nangyari dun sa muntik mong masagasaan?" Tanong ni tito ng matapos kami.

"Wala naman po. Nagdikit po ung sasakyan ni Hazel sa sasakyan niya kaya naginsist ako na magbayad sa pampagawa." I said then stood up.

"Do you need money? Just ask Hazel about it. I gave her an extra for both of you."

"Thanks, tito. But I'll just use my allowance po tutal ako rin naman ang may kasalanan." I said while putting back the chair behind the table.

I like arranging things and cleaning my stuff. I don't like my things to be messy, I always plan for tomorrow. Nagssticky notes din ako para sa mga gagawin at balak kinabukasan.

"Do you have a sketch pad, tito? I forgot to buy before I went here."

Binigay niya sa akin at nagsketch na lang ako ng dream house ko. Lagi ko itong ginagawa at sa bawat sketch ko ay nagbabago ang bahay, ibig sabihin ay nagbabago rin ang gusto ko.

Fallen Too FarOù les histoires vivent. Découvrez maintenant