Chapter 11

208 8 0
                                    

Sad






I woke up when I felt the sun on my face. I'm a morning person, I always wake up at five to have a coffee or a tea.

Naghilamos muna ako ng mukha bago tuluyang lumabas. Nadatnan ko si Darko doon na nagkakape at sinalinan niya naman ako sa baso.

I like it more creamy so I added more milk in it. His eyes roamed around my body and I just smiled.

"Good morning." I said then sip on my coffee.

Bumukas ang pinto ng isang kwarto at lumabas doon si Zane. Nanlaki ang mga mata niya ng makita kami at pinagkakatok niya ang pinto ng ibang kwarto at saka pinaggigising sila.

"What the hell, Zane?" Sigaw ni Bart kaya natawa ako.

"Fuck off, dude." Jackson said them walked near us.

Napatingin din siya sa amin at bumalik sa kwarto at nanggising na rin. What's with them? Natatawa na lang ako.

Hanggang sa magising na lahat at pinagmamasdan kami.

"You slept together?" Gulat na tanong ni Nora at nanlaki din ang mata ko sa sinabi niya.

Is that the reason why they're acting like that?

"What? No!" Nabibigla kong sagot at napatingin kay Darko na nakangisi lang.

Tiningnan ako ni Nora mula ulo hanggang paa at napaayos naman ako ng tayo.

"Oh my gosh! Don't tell me, something happened?" Napapatiling sambit ni Sofia.

Naginit ang pisngi ko at umiling iling. Natawa naman sila at nagsikuha na ng tasa para magkape.

"Ang konti ng tasa mo, Darko." Umiiling na sabi ni Jasfer dahil sa mangkok siya nagkakape.

Inubos ko na lang agad ang kape ko at ibinigay sa kaniya ang baso.

"Thank you, Heaven." Aniya at sinalin na doon ang kape niya.

Nahiya naman ako dahil hindi ko manlang hinugasan. Napatingin ako kay Darko at tiningnan ang kape niya.

"Ubusin mo na yan tapos ibigay mo kay Zane iyang tasa." I said then smiled.

Napanguso naman siya na ikinabigla ko dahil ngayon niya lang ginawa iyon.

"Do you want to kiss me?" I asked innocently.

Namula ang tenga niya at humagalpak ng tawa, what happened? Did I say something wrong?

Napatingin sila sa amin at ako ay nakakunot noo lang. Bakit ba siya tumatawa? Hindi naman ako nagbiro.

"Don't you?" Seryoso kong tanong at napaayos naman siya ng tayo.

"Of course, I want to." He said then gave me a peck on the lips.

Napalayo ako agad dahil nalasahan ko ang kape niya.

"Your coffee is too bitter." I said while licking my lips.

When I looked at him, his eyes are already too serious and dark. Nagalit ba siya dahil tinulak ko siya? Nalasahan ko kasi yung kape niya.

"I-I'm sorry, nalasahan ko lang talaga yung kape." Kinakabahan kong sabi at tumalikod na.

Nagayos na kami dahil uuwi na rin. Hiniram ko ang isang libro ni Darko na tungkol sa human anatomy. Isisingit ko sa pagrereview dahil gusto ko talagang binabasa ang mga ganito.

I am so busy that I didn't have an extra time to go with Hazel on her party nights. She's always inviting me but I cannot go. Time is running and I need to spend it wisely.

Fallen Too FarWhere stories live. Discover now