Goodbye!

Goodbye!

Goodbye!

Goodbye!

Paulit ulit na pinlay ni Jonathan iyon, hanggang sa mabosesan nila ito.

"Fuck!" sigaw ni Jonathan at binalibag ang vape.

"Siya? Oh my God!"

" Bakit siya yung pumapatay?! I'm going to kill h--!"

Hindi parin sila makapaniwala na siya ang pumapatay. Dahil kung titignan ang mukha nito ay tila isa itong anghel.

"Calm down, sasabihin natin ito sa kanila. Okay?"

Tumango tango naman ang umiiyak na si Cheska.

"Umalis na tayo, baka madatnan pa nila tayo dito."

Isang tango ulit ang sinagot ni Cheska bago pinunasan ang kaniyang mga luha.

"Tara," anyaya ni Jonathan at kinuha ang vape na tinapon.

Nasa kamay na ito ni Jonathan ng kuhanin ni Cheska ang vape at sinilid sa short niya. Kumunot ang noo ni Jonathan habang tinignan si Cheska.

"Ako na magtatago, sa left side ka dumaan at ako naman sa right side. Hindi dapat nila malaman na magkasama tayo." Paliwanag ni Cheska.

Bumuntong hininga si Jonathan bago sumunod.

"Cgeh," wika niya baho nagsimulang naglakad sa left side na bahagi ng inyugan.

Isang malalim na hininga muna ang pinakawalan ni Cheska bago siya nagsimulang nag-lakad.

Killer's POV.

Dahan dahan at maingat akong naglalakad patungo sa inyugan.

Mahirap na at baka may nakamasid sa akin. Lalo na kung makita pa ako ng aking kapatid. Mas lalo siyang maghihinala sa aking kinikilos.

"Papatayin ko siya..."

Napatigil ako sa paglalakad at mabilis na nagtago sa puno ng inyog na malapit sa akin. Dahil mayroon akong narinig na nagsaslaita, hindi sa kalayuan.

"Walanghiya siya, paano siyang nakakapatay?"

Mas lalo akong nagtago. Papalapit na siya ng papalapit sa akin.

Ako ba ang tinutukoy niya?

Sa hindi inaasahang pagkakataon mayroon akong maapakan na tuyong dahon.

Shit...

"Sino yan? Lumabas kang walanghiya ka!"

Tsk. Alam naman na pala niya kung sino ang pumapatay. Bakit pa nga ba ako mag tatago?

Dahan dahan akong lumabas sa kaing pinagtataguan at hinarap siya.

"You! Son of a bitch!"

Nakikita ko sa kaniyang mata ngayon na puno ito ng galit at pighahati.

Paano niyang nalaman na ako ang pumapatay?

Isang halakhak ang pinakawalan ko bago unti unting lumapit sa kaniya. Ang akala ko matatakot, hindi pala. Bagkus tumakbo pa siya patungo sa akin at sumugod.

"Die!" Sigaw niya.

Habang ako tawang tawang, iniiwasan ang magkakasunod na suntok na mula sa kaniya. Kaso ang bugal, kaya naunahan ko siya.

Akmang susuntukin na sana niya ang sikmura ko ng masapak ko ang mukha niya. Dumugo ang kaniyang ilong at pumutok ang labi. Ang lakas ata ng suntok ko ah?

Mayroon siyang hinagis mula sa kaniyang short. Ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.

"Fuck you!"

"Fuck you too!" Sabi ko pabalik.

Sumugod siya ulit at ngayon tinarget niya na iuntog ako sa puno ng inyog. Naging mabilis ang kilos niya kaya't siya ay nagwagi.

Ang sakit, punyeta. May naramdaman din akong likido na tumutulo mula sa likod ng aking ulo. Sa gigil ko ay kinuha ko ang braso niya at pinaikot-ikot, sabay sipa ng sikmura niya. Namilipit siya sa sobrang sakit.

Hindi na rin siya makatayo. Ginamit ko na ang pagkakataon na iyon. Hinila ko ang buhok niya at pinaguuntog ko sa puno ng inyog. Kagaya ko mayroong mga pulang likido na lumalabas sa kaniyang ulo.

Hindi ako tumigil hanggang sa nakarinig ako ng pag crack mula sa ulo niya. Sinipat ko iyon, napunit na ang anit niya sa kaniyang ulo. Litaw na rin ang buto nito, mukhang nabasag ko ang bungo. Hinawakan ko ang palapulsuhan at mayroon pa akong nararamdamang pagtibok ng puso niya, kaya buhay pa siya.

Nagsisimula palang ako.

Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang aking damit, mayroon kaseng tumalsik na mga dugo.

Pagkatapos naman ay iniwan ko siya doon at nagtungo sa manhole. Kumuha lamang ako ng kutsilyo at blade.

Pagkatapos makuha ang lahat ay pinuntahan ko na siya.

Nandoon parin nakasandal ang ulo sa inyugan at puro dugo.

Wala na akong inaksayang panahon at nilapitan na siya. Ang una kong ginawa ay hiniwa ang pisngi bago ko sinunod ang ilong,noo, at labi niya gamit ang blade. Dahilan kung bakit nagsunod sunod ang pagtulo ng dugo nito, mula sa kaniyang pisngi.

Hindi lang iyon ang aking ginawa. Hiniwa hiwa ko din ang braso nito, nagmukha na ngang balat isda.

Kaso nga lang napupuno na ng dugo ang katawan niya. Masangsang din ang amoy nito at hindi mabango.

Wala na akong pake kung may makakita sa akin, dahil papatayin ko din naman sila.

Pagkatapos sa braso niya ay ang paa naman niya ang tinarget ko. Mas lalo tuloy siyang nabalot ng dugo.

Kinuha ko na ang kutsilyo at sinimulang pagsa saksakin ang tiyan nito. Umubo siya, buhay pa.

Sinaksak ko ng sinaksak ang tiyan at sikmura nito. Pinilit nga din niyang manlaban. Kaso wala na siyang lakas. Kawawa ka naman, ano kaya sasabihin ng kakambal mo kapag nakita ka?

Hindi lang nagtagal ay bumuka ang tiyan niya at nagsilabasan din ang mga laman loob, katulad ng kidney, atay at kung ano ano pa. Nagsitalsikan din ang dugo niya sa mga puno ng inyog pati narin sa damo at lupa.

Nagsidagsaan din ang mga langaw. Siguro, naamoy nila ang masangsang at malansa nitong dugo. Pa unti unti ay nangisay siya at nawalan na ng buhay.

Lumaki ang ngisi sa aking labi. Ito na ang napakaganda kong nakita sa tanang buhay ko.

Bago ko nilisan ang lugar ay sinaksak ko muna ang dalawang mata niya, at iniwan ang kutsilyo na nakasaksak sa kaliwang mata niya. Sabay ngising aso akong umalis.

Anim na lang kami na narito sa isla. Madali na lang silang paslangin niyan...

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon