Madramang Pagtatapos [ni Naomi]

7K 74 11
                                    

Madramang Pagtatapos [ni Naomi] -slash- Acknowledgements ♥♥♥

 

Waaah! Huhuhuhuhuhuhu. Nakalagay sa title, 'Madramang Pagtatapos' so ayan, inumpisahan ko sa 'huhuhu'. Laugh out loud, pero kidding aside, ito na talaga. Basahin niyo ha? ha? ha?!

Unang una, sobra sobrang thankful ko at nakatapos ulit ako ng isang nobela. Kahit hindi 'to kasing haba nung first novel ko, achievement pa rin, syempre! Pero wag ka, 40 chapters naman siya ah; mahaba na rin 'yon! At saka sobrang masaya ako kasi ang dami kayang humadlang na masulat at ma-post ko 'to. Halos ilang buwan yatang hindi ko nabuksan yung laptop ko noon kaya hindi ako makapag-update, tapos idagdag mo pa yung busy and hectic schedule ko bilang estudyante, tapos nagloko pa dati yung laptop ko... nawalan ng letters O at D. Kailangan ko pang mag-copy paste ng letter O at i-alt+100 yung letter D. Ang hirap kaya nun!

Honestly, nung medyo nasa third chapter na ako and so on, hindi ko talaga maramdaman 'tong C.R. -_- Oo, totoo, halata naman di ba? Look at the previous chapters. Halos di magtagpo. Hindi consistent. Mas love ko kasi yung AM. Parang hindi ako satisfied at gulung gulo ako sa nobela na 'to... to the point na nasusura na ako at gusto ko nalang burahin. (sorry naman!) But then hindi ko ginawa. Kasi sayang naman LOL, hindi kasi may nagbabasa. Aba kahit isa lang siya o dalawa o tatlo, push pa rin for them! (pero more than three naman yata ang nagbabasa so I'm glad!) Pero ayun, tinapos ko siya kasi natutunan ko naman siyang mahalin. Effort much ako sa pagha-handwrite ng by-chapter plot niyan!

...so still finishing this despite of these... just wow!

Super thank you rin sa Acer na laptop ko kung saan ako nagsusulat at nagpo-post ng nobela na 'to. Salamat Acer kasi halos masira ka na sa paggamit ko sa'yo. Ikandong ba naman kita nang walang pakundangan at bara-bara dahil sa katamaran ko! Nasira ka na nga rin dahil sa'kin. Sorry na, baby laptop. Salamat din sa Nokia C2 ko kung saan ako nagba-backread at nagbabasa ng comments tuwing gabi dahil di ko na keri buksan pa ang laptop. Salamat din sa Smart 3G Wifi na gamit ko para makapag-internet at makapag-post ng updates. Salamat din sa tinta ng Faber Castel, Panda, at kung ano pang ballpens ko para sa pagda-draft ko ng kada-chapter. Pati na rin sa Yahoo Mail na pinagbabasahan ko ng comments ng readers, sa FB at MessBoard ng WP kung saan ako nag-a-announce na may new update na. Salamat din sa Globe kung saan ako tinitext ng mga readers ko na umi-echos hanggang text. At syempre, salamat sa Wattpad na naging daan para ma-share ko 'tong Chase Rhennan na 'to. LOL. XD

Syempre, my deepest warmest heartfelt--as in tagus-tagusan talaga sa puso--thanks to all who read this novel. Salamat sa mga readers na napadaan lang, accidentally lang nabuksan ang prologue, sa mga umabot kahit hanggang chapter 1 lang, sa mga nakaabot hanggang gitna lang, sa mga tinamad na dahil nga naman ang labo ko magkwento, sa mga AM readers ko pa, at syempre sa mga umabot sa Epilogue at hanggang dito sa nagbabasa ng ka-ek-ekan ko.

Accidentally Made readers, kaway kaway! Salamat at nagkaroon pa kayo ng interes sa labstory ni baby Rhennan. Sorry naman kung ang drama ko ay medyo-'history repeats itself'. Hahaha. Di bale, siguro last story ko na 'to na may ganitong genre. Lol. Pero seriously, thanks AM rdrs! Feel na feel ko talaga kayo! Heart heart heartsss!

Sa mga new readers na hindi readers ng AM, hii! Meron ba? Wala siguro. :3 Hahaha. Thank you rin at nagkainteres kayo! Heart heart hearts!

Sa mga ever maiingay kong readers na wagas kung bumulabog sa comment box, inbox (sa Wattpad, FB, or kahit sa celphone ko man), at MessBoard ko, maygaadddd! Sooobraaaang thank youuu! Sayang saya ako sa inyo, kung alam niyo lang! Inspirasyon to da highest level! Aba kahit na halos mapatay niyo si Chase sa mga comments niyo, bet ko pa rin kayo! Nakakaloka naman kasi kayo. Basta ba kay Chase kayo naiinis, hindi sa'kin, bet ko kayo! Hahaha! So, keep it up. Sorry naman kung hindi ako nakakareply na sa comments niyo. As I said sa taas, sa phone at sa yahoo mail ako nagbabasa ng comments. Baka mareplyan ko? Hehehe. Basta, nababasa ko yun for sure at pinaliligaya niyo ko nang bongga! Ano, mention ko na ba? De, wag na! Kilala niyo kung sino kayo at siyempre kilala ko rin kung sino kayo! Hihihi. Thanks much haa! Heart heart heart hearts!

Syempre all thanks din sa mga silent readers! Kaway kaway naman diyan! Kahit tahimik kayo, feel ko pa rin kayo! Soobraaang thankksssieee din sa inyo, guys! Wag kayo mag-alala, pag nagbabasa ako, silent reader din ako... so I feel youu! Hahahaha! Kung meron man kayo, hii! Heart heart heart heart! Sana makausap ko kayo minsan. Lol. XD 

Alam kong medyo magulo, medyo malabo, medyo hindi nagkakatugma-tugma, medyo sabog, medyo paulit-ulit, medyo nakakainis na, medyo masarap tigilan nalang, medyo--a basta! Alam kong hindi naman kagandahan 'to... huhuhuhu. Kaya salamat talaga nang bonggang bongga sa mga nagbasa pa rin! Mahal na mahal ko kayooooo! 

 

Basta sa lahat ng naging parte nitong C.R., sobrang thankyouuu! Salamat-salamat-salamat! ♥♥

 

P.S., salamat sa nagbasa nitong langkwentang drama ko.. pati sa mga author's notes ko sa entire novel. Wehehehe.

P.P.S., ongoing na ang 143 HEARTACHES! See the ibang genre side ni Naomi Anne. Wehehe. See it on my profile nalang. Oki oki? Thankyaahh! Or see the preview sa next UDs.

P.P.P.S., makikita niyo pa ang #ChaRis and family! Wieee! Abangan niyo ang #MarTrey story as requested by Ateng. It's entitled 'Dealing with Forever'. Maglalabas ako ng preview SOON! So watch out! :)

 

Nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin. Naiiyak ako. Lol.XD

 

-Nami Nami with all hearts! ♥

CHASE RHENNAN [completed]Where stories live. Discover now