CHAPTER SEVENTEEN

7.2K 124 5
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

-Frances Paris Ameline's PoV-

Ang pagdampi ng kung anong malamig ang siyang nagpagising sa'kin. Bumalik sa isipan ko ang lahat ng eksenang naaalala kong huling nangyari sa'kin. Kasama ko sina Marley at yung mga kaibigan ni Chase nung nagpa-check up ako dahil sa sama ng pakiramdam ko. Nung pauwi na kami ay nag-aya pa silang kumain pero hindi na ako sumama dahil sa sobrang sama na ng pakiramdam ko. Lumabas ako ng kotse tapos... tapos ay hinimatay ako at...

Dinilat ko ang mata ko at hindi nga ako nagkakamali. Totoo nga ang mga nangyari. 

Nakita ko si Maiko na abalang pigaan yung bimpong gamit niya sa pagpupunas sa'kin. Seryosong seryoso siya sa ginagawa niya.

Bumilis yung tibok ng puso ko. Ito na naman si Maiko. Ito na naman yung dating siya. Parang bumalik ako sa nakaraan. Ganitong ganito kasi siya sa'kin dati. Ganitong ganito niya ako kung alagaan kapag nagkakasakit ako. Dati nga e magka-cutting class pa siya para lang maalalagaan ako sa bahay kapag malaman niyang may sakit ako. Pupuntahan niya ako. Sisiguraduhin niyang may dala siyang naka-take out na pagkain galing sa Jollibee. Susubuan niya ako. Magtatanong pa siya kung may gusto pa akong kainin. Kapag sasabihin kong wala na, ikukuha na niya ako ng gamot at papainom 'yon sa'kin kahit na anong pag-ayaw ko. Pagkatapos no'n ay papahigain at papatulugin niya ako. Magigising nalang ako na may malamig na bimpo na sa noo ko.

Ganoon niya ako tratuhin noon... at ngayon, ginagawa na naman niya... ngayong wala na kami, ngayong iniwan na niya ako, ngayong kinalimutan ko na siya at ang pagmamahal ko sa kanya.

"Sobrang init mo. Anong ginagawa mo sa labas e may sakit ka?" Ito na naman ulit siya. Ugali talaga niya ang manermon kapag nag-aalala siya. Ugh, what am I saying? Iginalaw niya ang kamay niya at dinala sa may noo ko para tignan kung mainit pa rin ako. "Hindi ka pa rin talaga nagbago. Makulit ka pa rin. Di ba sinabihan na kita na kapag alam mong may sakit ka, dun ka lang sa bahay niyo? Tss. Ang kulit mo talaga." Hindi na siya mukhang nanenermon. Mukha nga siyang natatawa. Nakangiti kasi siya habang nagsasalita.

Biglang nagtama yung paningin namin. Mas bumilis yung pagtibok ng puso ko.

Pakiramdam ko, biglang bumalik yung lahat ng mga alaala sa pagitan namin noon... at ayoko ng pakiramdam na 'to.

Tinignan niya ako nang seryoso, his eyes with longing, "God, I really miss you. Do you know that?"

-Chase Rhennan's PoV-

1:18 PM

Damn it. Nakakatamad namang bumangon sa higaan ko. Yes, isang buong araw na akong nakahilata rito at walang bangon- bangon. Bukod sa masarap kasi ang lamig dito dahil sa aircon kong naka-todo, puyat na puyat kasi ako kagabi. Halos madaling araw na kasi ako nakauwi. I don't know why I even wasted time for that girl. Binilhan ko pa siya ng juice at pagkain sa may 24-hour convenience store kaso useless din kasi pagpasok ko sa kotse e tulog na siya. Tss, hindi lang pala oras ang nasayang, pati pala pera ko. Wait, pati pa pala gasolina ko. Hinatid ko pa kasi siya sa kanila. Nagkandaligaw-ligaw nga ako eh. Tss. Yung kuya yata niya ang nagbukas ng pintuan nila. Gising pa at mukhang hinihintay siya. Binuhat ko siya sa kwarto niya na, tsk, sobrang namumulaklak. Puro kasi bulaklak sa paligid--mula sa wallpapers, bedsheets, pillow cases, at mga decorations. Iniwan ko rin dun yung mga pinamili ko para sa kanya.

CHASE RHENNAN [completed]Where stories live. Discover now