CHAPTER FORTY

8.5K 123 7
                                    

CHAPTER FORTY (Finale Chapter)

-Frances Paris Ameline's PoV-

"Yaah, thank you, Maiko, ha," ngiting-ngiti kong sabi kay Maiko pagka-hug ko sa kanya. "At yung plano natin ha? Galingan mo!"

I think I'm the happiest girl alive. 

Ay, kung makapagsaya ako parang hindi kakamatay lang ni kuya ah. Aish, understood naman na siguro ni kuya 'yon. Sad at hurt pa rin ako sa pagkawala niya nang basta basta, pero alam ko namang happy na rin siya for me kasi finally, yes finally, ay masaya na ako sa life ko. 

Si Chase, na-realize na ang matagal ko nang gustong ma-realize niya at 'yon ay na ako ang nag-iisang babaeng bagay sa kanya at mahal niya. 

Masaya rin ako kasi finally, in very very good terms na ako kay Agatha at Maiko. 

Si Agatha nakausap ko na. Happy na raw siya para sa'min ni Chase, at happy rin ako na aalis na siya ng bansa--este happy na ako para sa kanya kasi ipe-pursue niya yung pangarap niyang maging doktor. 

Si Maiko, heto't kakausap lang namin. Matagal naman na talaga kaming okay. Actually si Chase ang kinausap niya kanina para makipag-ayos. Aba, ang dami kong nalamang hinanakit ni Chase sa kanya. Buti't naging okay na sila. 

Kinausap ko naman si Maiko kasi nga may evil plan kami ni Chase at 'yon ang Oplan Ibalik Ang Dating Pagmamahal Nina Trey at Marley. O di ba? At si Maiko ang magiging instrument namin mamaya. Ang plano? Simple lang--pagselosin ni Maiko si Trey! Madali na raw 'yon kasi pagtutulungan daw nila Chase, Gio, at Haris na takutin si Trey. O di ba, happy na?

"Naman! Yun lang pala eh. Para naman may magawa ako para sa'yo bago man lang akong bumalik ng Australia." Pinapabalik na raw kasi siya doon para sa business nila, which is pabor naman daw sa kanya para raw mas madali niya kong makalimutan. "At ikaw rin, galingan niyo ni Chase mamaya, ah!"

Oo nga pala. Mamaya-maya na rin pala yung University King & Queen na 'yan. Hihihi. Syet naman, bigla raw ba akong kiligin! 

"Ay, andyan na siya! Galingan mo ha!"

Kinindatan niya ko tapos sinalubong na nga niya si Marley. Grabe lang, parang makatotohanan masyado 'to ah! Nagpipigil talaga ako ng tawa. Si Marley kasi parang naiinis at naaasiwa kay Maiko. Pero aba, nang dumating ang buong barkada ni Chase, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Pinatulan bigla ng magaling kong best friend ang kaharutan nitong si Maiko. Sinasabi ko nga ba't may something pa rin na pilit itinatago 'to e. If I know, feel din niyang pagselosin 'tong ex niya. Maya-maya, ang mukhang nabadtrip na si Trey, bigla nalang hinatak papalayo si Marley. Ang mga loko-lokong lalaking kasama ko naman, todo naman ang pagtawa pagkaalis nung dalawa. Nagsipag-apir pa sila sa isa't isa.  

"Okay na 'yan sila mamaya pagbalik. Alam na tiyak ni Trey ang gagawin," natatawang sabi ni Gio na tiwalang tiwala sa bestfriend niya.

Napatingin naman ako kay Chase na bigla nalang pinulupot yung braso niya sa bewang ko. Naman, talagang improving na 'tong boyfriend ko! Level up na ang pagiging cheesy niya. All thanks to me. Oo, natuto lang din sa'kin yan maglambing. Hindi, syempre joke lang. May tinatagong ka-sweetan naman pala 'to eh. Sabi nga niya nung minsan, sa mga piling tao lang lumalabas yung katamisan niyang 'yon. At ang swerte swerte ko nga talaga na isa ako sa mga 'yon. Isa ako... I mean, nag-iisa ako.

"You're smiling again, huh?"

I grinned. "Bakit ang gwapo mo ngayon?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Really? Hm, maybe I fell in love more and deeper again to you?"

Napahawak ako sa nag-iinit ko nang pisngi. "Bakit ang cheesy mo, ha?"

"Because you made me so." Nakangiti at nakatitig niyang sagot sa'kin.

Lumapit siya sa'kin at akmang hahalikan ako kaso naudlot naman 'yon kasi bigla kaming binato ni Gio. Aba, bwiset siya kahit kelan! Napakapabitin! Ang sarap nyang ibitin!

"Nilalanggam na kami, ano ba! Aba bwiset pakitigilan na 'yan. Asikasuhin niyo yung sarili niyo at yung contest na lalabanan niyo," napaka-bitter na pagkakasabi no Haris.

"Oo nga. Tama na 'yan. Tsk. Moment dapat 'to nina Trey eh. Kayo talaga," sabi naman ni Gio at naglakad na sila papalayo.

Si Chase nakangiting nakatingin sa'kin. "Yung mukha mo, nalulukot na," sabi niya. "Alam kong nabitin ka."

Magsasalita palang ako nang bigla niya akong sinunggaban--ay, sorry naman sa term, sige erase erase. Magsasalita palang ako nang dahan dahan siyang lumapit sa'kin para halikan ako. And... it's like cloudnine.

Masaya ako't naging mutual na rin ang feelings namin. Masaya ako't inamin na niyang mahal niya rin ako. Masaya ako't nagsisimula na kaming bumuo ng happy future namin. 

Masaya ako't tapos na ang habulan. 

Masaya ako't worth it ang pagtakbo at paghabol ko sa kanya.

-tbc.

FINALE NA ''TOOOOO! HUHUHUHUHUHUHU! Pero may Epilogue pa naman. Maya-maya ko ipo-post pag-uwi ko. Basahin niyo ha? HIhihi.

Ayan! HAPPY ENDING NA HAAA! JUSKO! Syempre hindi ko kaya pasakitin ang puso niyo dahil sa #ChaRis Loveteam na 'to. Sasakit din yung akin eh! Hahaha!

Last na 'to! Leave comments naaaaa! ♥

CHASE RHENNAN [completed]Where stories live. Discover now