CHAPTER TWENTY FOUR

6.9K 132 7
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

-Frances Paris Ameline's PoV-

Dalawang gabi na ang nakalipas simula yung gabing 'yon. Sa kwarto lang ako halos palagi nagkukulong. Hindi pa rin kami ulit nagkakausap. Dalawang gabi na rin akong umiiyak, halos hindi kumakain, sleepless, still thinking of him and that "I'm sorry."

Ano'ng ibig sabihin niya? Sorry for what?

Naniniwala na ba siya na nabuntis niya ako? E bakit sorry? Bakit, kasi ba hindi niya tanggap? Kasi ayaw niya akong panagutan? Kasi ayaw niya sa'kin?

Hindi ako pinapatulog ng mga tanong na 'to. Sobrang sakit sa dibdib isipin ang mga posibleng sagot.

Akala ko okay na kami. Hindi pala talaga. Temporary lang pala ang lahat. 

Nanlalata na talaga ako--physically, mentally, and emotionally. Stressed and depressed na ako sa kakaisip at kakaproblema.

"Paris, hindi ka pa kakain?" Narinig ko si kuya Denver na nasa labas ng kwarto ko. Nung una ay nakatayo lang siya sa may pintuan pero nang hindi ako sumagot sa tanong niya at mapansin niyang down na down ako, naupo na siya sa tabi ko. "Tss. Hoy, Paris, akala mo ba hindi ko napapansin ha?"

Tinignan ko lang si kuya, confused.

Napailing siya kasabay ng isang buntong-hininga. "Dadalawa na nga lang tayo, hindi ka pa magsabi sa'kin. Paris, nung isang araw ka nang ganyan. Nung nakaraan, ayos ka naman na. Ano bang nangyari?"

Naiiyak na naman ako. Nagdadrama na nga ako dahil kay Chase, dadagdag pa 'tong si kuya.

"Paris naman. Wag mo namang iparamdam na wala akong kwentang kuya. Yun na kasi ang nararamdaman ko eh. Dapat kasi inaalagaan at binabantayan kita.. kaso ano? Wala ba talaga akong kwenta? Napabayaan kasi kita... N-nabuntis ka pa. Tapos ngayon, heto ka na naman.. malungkot at umiiyak nang hindi ko man lang alam kung ano yung dahilan."

Wala na. Umiiyak na naman na ako. This time, sobra-sobra na ang pag-iyak ko kaya naman niyakap na ako ako ni kuya na mangiyak-ngiyak din.

"K-kuya," I said while still crying and sobbing, "s-si Chase... Bakit ganon? Akala ko okay na... Akala ko tanggap na niya kami ng anak namin... pero bakit ganon? B-bakit nag-sorry siya tapos tumalikod na't umalis lang?"

Umayos sa pagkakaupo si kuya at tinignan ako nang diretso at seryoso. "Now, Paris, magpapakwento na ko. I want to hear the truth. I want to hear everything."

Marahan ko siyang tinanguan at nagsimula nang magkwento habang unti-unti kong pinapakalma ang sarili ko mula sa pag-iyak. "Hindi ko naman talaga siya kilala noon, kuya. Isang araw, nabangga ko siya. Yun yung una naming pagkikita. Akala ko wala lang yong pagkikita naming yon kasi sinungitan pa niya ako kasi natapunan ko siya ng frappe." Grabe, ganon ko nga pala siya unang nakilala. Somehow, ako pa rin yung pinaka-ugat ng lahat... ako at ang pagiging ever-careless ko. "But then, nagkita ulit. This time, s-sa.. sa may bar naman."

CHASE RHENNAN [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon