CHAPTER SIXTEEN

7.5K 127 6
                                    

CHAPTER SIXTEEN

-Frances Paris Ameline's PoV-

Nagising ako nang normal sa loob ng kwarto ko. Pilit kong inalala yung mga nangyari kagabi. Umattend ako ng birthday ni Chase. Na-meet ko yung parents niya. Pinakanta pa nila ako. Sobrang sweet nina Chase at Agatha. Tapos hinatid ako ni Chase dito? Teka. Totoo bang nangyari yon o nananaginip lang ako? Kasi imposible naman diba? Siya, ihahatid ako? As in no way yun sa side niya.

Bumangon ako. Pakiramdam ko, may hang-over ako kahit hindi naman ako nakainom. Parang ang bigat ng pakiramdam ko. Parang may sakit ako.

Bumukas yung pintuan ng kwarto ko at pumasok si kuya Denver.

"Kamusta na yung pakiramdam mo?" tanong niya. Nakatayo lang siya sa may paanan ng kama ko. "Tss. Sana pala hindi ka na pumunta don. Nagkasakit ka tuloy. Baka makasama pa sa pamangkin ko."

Napasapo ako sa sarili ko. Talaga palang may sakit ako.

"Magpasalamat ka sa nag-uwi sa'yo kagabi. Tsk. Binilhan ka pa niya ng mga 'yan." Tumingin siya sa may bedside table ko.

May ilang juice at mga pagkain dun. May panlalaking jacket pa..

"Nakasuot sa'yo kagabi yan. Naiwan tuloy niya. Ibalik mo nalang kapag nagkita kayo." sabi pa niya. "Kumain ka tapos magpasama ka kay Marley para magpa-check up. Baka mapano kayo. Tss. Sana ganun din yung ama niyang anak mo." Tapos lumabas na siya sa kwarto.

Napatitig ako sa jacket ni Chase. Naalala ko na. Sumama yung pakiramdam ko kagabi. Sinuot niya sa'kin yung jacket niyang nasa kotse niya.. tapos wala na akong maalala kasi baka nakatulog na ako sa pagod.

Pero... totoo pala talaga. Hindi pala talaga panaginip lang ang lahat ng 'yon. Hinatid ako ni Chase. Binilhan pa niya ako ng mga pagkain..

"WAAAAHHH!" Sa kabila ng sakit at sama ng pakiramdam ko, nakuha pa ring magtititili rito sa kwarto ko. "Kinikilig ako!"

***

"E nasaan ka ba kasi, Marley?" Medyo wala na akong energy. Naubos yata lalo sa pagtititili ko kanina. Sobrang sama pa ng pakiramdam ko.

Sumagot si Marley sa kabilang linya. "Nasa gitna ng daan? Kasama ko sila Trey. Bakit, best?"

Hay. Gaga talaga 'to. "Pinagpapalit mo na talaga ako sa kanila ha?"

Kasama pala niya sila Trey. Malamang kasama nila si Chase.

"Hala! Hindi naman, best friend! Inaya lang naman kasi ako ni Trey. Alangan namang tanggihan ko, diba?" Narinig ko naman yung boses ni Trey at nung barkada niya sa kabilang linya. Mukha ngang nagkakasiyahan sila. "E bakit ka ba tumawag? Saka bakit naman ganyan yung boses mo? Para kang may sakit."

"Ayun na nga, best, eh. Gusto ko sanang magpasamang magpa-check up." sabi ko.

CHASE RHENNAN [completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora