CHAPTER THIRTY THREE

6.1K 107 3
                                    

CHAPTER THIRTY THREE

-Frances Paris Ameline's PoV-

"Busog ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni kuya Denver nang tumayo na ako nang hindi man lang nauubos yung dinner ko.

Tumango lang ako sa kanya tapos ay naglakad na papasok sa kwarto ko. Naupo ako sa kama ko at napatulala na naman sa kawalan.

Ang lungkot lungkot ko talaga. Gusto kong maging masaya ulit kagaya ng dati, pero hindi ko alam kung paano ko gagawin. Hindi ko alam kung paano ngayong ayaw na sa'kin ni Chase.

Si Chase... Gusto ko siyang habulin ulit. Gusto ko siyang pilitin ulit na bumalik sa'kin. Ang kaso, si Marley... Hindi ko magawa kasi alam kong ito ang gusto ng best friend ko--para sa'kin at para sa kanya.

Sobrang hirap para sa'kin. Hindi ko na alam kung ano ang tama, kung ano ang dapat.

Ayokong bumitaw sana agad kasi ayaw kong magsisi sa huli, pero hindi ko talaga. Ang gulo.

Nahiga nalang ako at pumikit. Nakakapagod na talaga.

***

Halos makusot ko yung nakuha kong resibo ng bagong bili kong earphones nang makakita ako ng dalawang couples na busy maglandian dito sa may park. Hindi naman dahil sa galit ako sa mga kagaya nila. Sadyang naiinggit lang ako. 

Ang gara naman kasi. Bakit sila, gano'n, masaya na, samantalang ako, heto pa rin? Ano bang meron sila na wala ako?

Napabuntong hininga nalang ako. Wala naman akong ibang magagawa e.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang makakita ako ng dalawang pamilyar na tao. Hindi ako pwedeng magkamali. Kabisado ko na yata ang hubog ng mga katawan nila. Sina Chase 'yon at... at Agatha.

Kumirot na naman yung puso ko. Bakit sila magkasama? Bakit parang ang saya saya nila? Bakit parang bumalik yung dating meron sila?

Tuluyan nang dumulas sa kamay ko yung resibong hawak ko. Nakakapanlambot naman kasi 'tong nakikita ko. Magkasama silang naglalakad dito sa park tapos magka-holding hands pa. Edi ba iisa lang ang ibig-sabihin nun? N-nagkabalikan na kaya sila? K-kaya ba ako iniwan ni Chase? Binalikan na kasi niya si Agatha?

Parang nadurog sa maliliit na piraso ang puso ko. I felt bad, jealous, a bit irritated, and, er, angry.

"Take good care of him, okay? Wag mong hayaang pagsisihan ko yung desisyon ko."

"And you know what? Masaya ako kasi mukhang nakakita na siya ng bago niyang mamahalin kapalit ko. That girl... I guess she's better than me. She's better for him."

Iyon yung mga sinabi sa'kin ni Agatha noon. Malinaw sa'kin 'yon... na wala na sila ni Chase... na binibigay na niya si Chase sa'kin... na alam niyang ako na ang mahal ni Chase. E bakit ganito? nag-iilusyon lang ba talaga ako?

Hindi e. Totoo naman yung mga nangyari nung nakaraan. Malinaw na nagparaya na para sa'kin si Agatha. Siya na ang nagtulak sa'min ni Chase. 

E bakit nandito siya ngayon kasama ni Chase? Anong ibig-sabihin no'n? Anong nangyari?

Sa sobrang panggigigil ko at sa sobrang paghahalo-halo na ng emosyon at mga tanong sa'kin, hindi ko napigilan pa ang sarili ko. Lumakad ako palapit sa kanila.

"Chase..." tawag ko sa kanya. 

Napatingin silang dalawa sa'kin at pareho pang nagulat sa biglang pagsulpot ko.

God, pity me. I'm so pathetic and desperate. "Chase... k-kaya ba ayaw mo na sa'kin?"

"Paris," si Agatha ang unang nakapagsalita. Yung itsura niya, mukha siyang naaawa sa'kin, at hindi ko nagustuhan 'yon. Isa lang ang nararamdaman ko towards her--it was anger and irritation.

"Ano, Agatha? Ano 'to?" Sobrang nagpipigil akong wag itaas ang boses ko sa kanya at wag gumawa ng eksena rito sa park. "Maypa-'good luck'-'good luck' ka pang nalalaman? E ano 'to ngayon? Akala ko ba okay na? Akala ko ba wala na kayo? Ano 'to? Ano yung noon?" Grabe, naiinis na talaga ako at nasasaktan. "Iiwan mo siya, tapos kapag may ibang tao nang nagmamahal sa kanya at mahal din na niya, saka ka babalik? Ano 'yon, aalis ka lang at babalik kung kelan mo gusto? Paano naman ako? Paano naman akong nasasaktan? Hindi mo ba naiisip 'yon?" I laughed sarcastically. "Siguro nga hindi. Ang mahalaga lang naman yata sa'yo ay yang sarili mo. Mali pala talaga yata ang pagkakakilala ko sa'yo."

Si Chase, iniatras na si Agatha. Siya na yung pumagitna sa'min. "Stop it, Frances."

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko alam kung anong mga salita ba ang dapat kong sabihin sa kanya. May inis at galit din akong nararamdaman sa kanya, pero masyado nga yata akong tanga para pangibabawin ko pa rin 'tong pagmamahal ko sa kanya.

"Besty!" Mabuti nalang at biglang dumating si Marley para damayan ako.

Akala ko matatapos na yung commotion na 'yon, pero bigla namang dumating yung barkada ni Chase. Mas lalo tuloy nagkatensyon sa pagitan namin. Nandito kasi ngayon si Marley at si Trey. Kitang kita ko nga na malayo na sila sa dati. Ngayon, mas naiintindihan ko na yung sinasabi ni Marley noon. Hindi lang si Trey; pati sina Haris at Gio, ramdam kong malayo na rin sa'min. Dama kong sila rin ay against na sa'kin... lalo nung umalis silang lahat kasunod nina Chase at Agatha.

Napaka-hopeless ko na. Wala na ba talaga kahit konting pag-asa?

Muntik ko nang makalimutang nag-iisa ako. Nandito pa nga pala ang best friend ko na walang sawang nagko-comfort sa'kin despite na napakakulit ko at pinaglalaban ko pa rin si Chase.

"Ssh, sabi ko naman kasi sa'yo eh," sabi niya habang yakap-yakap ako. "Kalimutan nalang natin sila."

Exactly at that moment, Maiko came. He wants to bring somewhere--maybe somewhere away from this pain. This time, kahit alam kong si Chase lang talaga ang makakapagpaalis ng sakit na 'to, I let Maiko... well, just to, atleast, temporarily ease the pain.

-tbc.

Guys... I'm very very sorry. Huhuhu. Lagi nalang ganito. Nakakasawa na ba? Huhuhu. Sorry naman. Ganyan talaga ang kapalaran nila. Wala tayong magagawa. Huhu.

xoxo

Okie, by the way, seven chapters to go! Leave comments nalang! :)

CHASE RHENNAN [completed]Where stories live. Discover now