CHAPTER THIRTY TWO

6.3K 103 5
                                    

CHAPTER THIRTY TWO

-Frances Paris Ameline's PoV-

Pakiramdam ko hindi na ako mangiti simula nung nangyari sa'min ni Chase... simula nung mawala yung baby namin. Hay. Never kong inexpect na magiging ganito pala 'to ka-komplikado at kasakit. 

Everything's a tragedy. Lahat nalang masakit. 

Life, why are you so mean to me? Why take away my happiness?

Napahinga nalang ako nang malalim.

Yung baby ko... wala na siya. Kamusta kaya siya sa heaven? Alam kong hindi siya natutuwa sa mga sinasapit ko ngayon. Baby, sana maging guardian angel kita. Sana tulungan mo kong i-ease lahat 'tong nararamdaman kong sakit.

Naluluha na naman ako. Paano kaya kung hindi nawala si baby? Mas may chance sigurong magkaayos kami ni Chase. Now, nanghihinayang na ako. Kasalanan ko rin naman kasi. Sana hindi ko pinabayaan ang sarili ko noon. Sana hindi ako nagpadala sa nangyari. Sana kumain pa rin ako ng tama. Sana... sana buhay pa si baby. Sana okay na kami ni Chase.

Umiiyak na naman ako. Medyo nakakapagod na, pero mas nakakapagod naman kapag pinipilit kong itago 'tong mga luhang 'to. Lagi nalang kasi ganito. Iiyak ako, pipigilin ko kapag kailangan, tapos iiiyak ko rin kasi hindi ko kaya.

Nawala na yung anak ko. Sana naman si Chase hindi na mawala sa'kin.

***

"Uy, besty," nakangusong tawag sa'kin ni Marley. Hawak-hawak niya resulta ng exams ko. "Pati studies mo, napapabayaan mo na."

Dalawa sa mga test papers ko kasi ang may malaking letter F sa gilid. Yung ilan naman, fortunately, pasang-awa. Pero hindi ko naman pinoproblema 'yon. Exam scores lang 'yan. Hindi ko naman ikakamatay 'yon, di gaya nitong emotional luggage na pasan-pasan ko.

"Tignan mo 'to, para pang walang pake," salita niya.

"Ang  OA, Marley. Daig mo pa professor ko at kuya ko, ah." Pilit akong tumawa.

Bigla naman niya akong sinapok ng mga test papers ko. "Hoy, Paris ng Europa, kailangan mo ring gumraduate sa college, 'no! Aba, hindi pwede yung ganyan nalang palagi."

Hindi ko siya pinansin. Alam ko naman kasing hindi ko pwedeng pabayaan ang studies ko, e ano'ng magagawa ko? Mas nangingibabaw talaga ang pag-iisip ko sa mga problema ko nito.

"Tss. Ano? 'Yang Chase Saavedra na naman na 'yan?" Iritang sermon pa ni Marley tapos ay bumulong sa sarili. "Kahit kelan talaga, wala nang naidulot na matino."

Tinawanan ko siya kaya naman tinaasan niya ako ng kilay. "Kung makapagsalita ka dyan, daig mo pa ako ah. Feeling ko tuloy ngayon, ikaw ang iniwan niya."

Tumawa rin siya. "In fairness din ah. Level ka na. Tumatawa ka na kahit papano."

Nginitian ko siya. Mabuti nga talaga't tumatawa na ako at ngumingiti ngayon. All thanks to my very best friend. Pero kahit na. Kung alam lang niya kung gaano pa rin ka-wasak itong puso ko ngayon.

"Hay, nako, pero 'yan talagang Chase na 'yan eh," pagbabalik niya sa topic namin. "Hindi ko talaga lubos maisip na may mas gago pa sa Maiko na 'yon."

Sinimangutan ko siya. "Seriously, ano ba'ng problema mo kay Chase, ha?"

Sumeryoso rin siya at tinignan ako. "Seriously din, besty, ano'ng problema sa'yo?"

"Huh?"

Napakamot siya sa ulo niya. "Pag-ibig nga naman, oh. Paris Lee, hindi ka pa rin ba nagsasawa ha?"

Napataas ang kilay ko sa kanya.

"Okay, best friend mo ako kaya sasabihin ko 'to sa'yo. Please, makinig kang mabuti at paki-proseso sa utak mo ha?" sabi niya ulit sa'kin. "Ilang beses na ka na bang pinaiyak nung Chase na 'yon? Ilang beses ka na ba niyang pinagtulakan na parang aso o pusang ligaw? Ilang beses ka na bang umiyak? At ilang beses mo pa ba gustong maulit ang mga 'yon?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Yung medyo light na mood ko kanina, heto't naging gloomy na naman dahil sa mga sinasabi ni Marley. Well, tama naman kasi siya. May point din siya. Pero ewan. Masakit pa rin talaga.

"Hindi ka na raw niya gusto. Ayaw na raw niya kasi hindi mo raw siya deserve. E totoo naman talaga. Masyado siyang walang kwenta para sa'yo. Napakaduwag niya. Parang hindi naman lalaki! Hay, nako, Paris. Kung hindi ka raw niya mahal at kung ayaw na raw niya sa'yo, then why not make it mutual? Ayawan mo na rin siya. Sukuan mo na siya."

"Pero Marley." Gustung gusto kong magprotesta. Gusto kong ipaglaban na hindi ako susuko kay Chase.

"Please, Paris? Gawin mo 'to para sa ikabubuti mo. Gawin mo 'to para sa'tin." Medyo humina ang boses niya na para bang nalungkot siya bigla. "L-layuan na natin sila."

Napatingin ako sa kanya. What did she say? Sila?

She explained na nag-break na sila ni Trey. Kinabahan naman ako kasi baka kami ni Chase ang dahilan nun. E kasi best friend ko si Marley tapos best friend naman ni Chase si Trey. A basta, iyon lang naman ang feeling ko. Pero inassure naman ako ni Marley na hindi raw. Nagkaproblema lang daw sila. Nung tinanong ko kung bakit, hindi naman niya masagot.

"Sige na, Paris. Help yourself. Help ourselves. Mas magiging madali 'to para sa'tin. Okay, hindi agad-agad, pero pag na-overcome natin, magiging okay na rin tayo." Hinawakan niya yung kamay ko. "Ulitin natin lahat. Simulan ulit natin sa dati.. yung tayo lang na walang seryosong lalaki o relasyong pinoproblema."

Now, it's harder for me to decide.

Should I let go for my friend or should I still hold on and hope for myself?

-tbc.

Sorry naman kung masyado na akong unreasonable sa mga updates! Ay ewan. Tanggapin niyo nalang na may mga ganyang tao talaga sa mundo. Hahaha! Hugoot! xoxo

Comment please! UD later egen. :D ♥

CHASE RHENNAN [completed]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें