CHAPTER TWENTY THREE

7.3K 134 6
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

-Frances Paris Ameline's PoV-

"AAHH!" Jusko, Lord. Dahil ba dinate at dinala na ako ni Chase ko rito, kailangan niyo na po ba akong kunin? "AAHH, CHASE! AYOKO NA RITOO!" Bakit naman kasi sa dinami-rami ng lugar, sa isang theme park pa niya ko dinala?

"Hey, calm down, okay?" Natatawa-tawa si Chase, tapos ay... inakbayan niya ko! "Kumalma ka lang. Ni-hindi pa nga tayo umaandar eh. Isa pa, hindi naman deadly 'tong ride na 'to. Wag kang masyadong OA."

Natameme nalang ako. Pinagtitinginan na rin pala kasi ako ng ibang tao. Totoo naman din kasing hindi pa kami umaandar at hindi rin deadly 'tong ride. Ferris Wheel lang kasi 'to na walang wala ang taas sa kagaya sa Star City. E sa may fear of heights ako eh! At hindi ko rin feel ang ganitong rides!

"Now, are you better?" tanong sa'kin ni Chase nang kumalma na ako. Nagsimula na ring umandar yung Ferris Wheel. O-kay, hindi nga siya kasing nakakatakot gaya ng iniisip ko. Mas relaxing pa nga eh. Relaxing... yung ride ba o dahil kasama ko si Chase at nakaakbay pa siya sa'kin?

"Oo na. Ako na ang OA kung maka-react. Hay, bakit ba kasi dito mo ako dinala? Anong klaseng pambawi ba 'yan?" Pinilit ko na namang magmaldita, kahit ang totoo e halos ikamatay ko na ang kilig na nararamdaman ko.

"I told you na babawi ako sa'yo. Ano ba namang malay ko na you're not into these kind of place?" kalmado niyang sagot. Ini-stretch niya yung braso niya na para bang nilalasap ang malakas na hangin dito sa taas. "Nice view, isn't it?"

Tumango nalang ako. Maganda naman kasi talaga yung view eh. Tanaw yung buong theme park mula rito. Idagdag mo pa yung halos buong city.

Nung pangalawang ikot na namin at saktong paakyat na kami sa pinakataas, tumayo si Chase na medyo ikinagulat ko. Tumayo siya at dumungaw sa may labas. E half-body lang niya yung taas nung railing! Hindi ko tuloy siya mabitawan. Takot ko nalang na may mangyari sa kanya, 'no!

"Uy, Chase naman! Umupo ka nga!" Hindi na ako natatakot kanina, pero dahil sa mga kalokohan niya, heto't nagpapanic na naman ako. "Baka malaglag ka dyan, uy!"

Ang nakakainis? He just laughed at me, as if he's teasing me.

"Maupo ka na sabi eh!" Tinatakot naman kasi talaga niya ako. Paano nalang kung malaglag siya di ba? Oo na, medyo OA na ako, pero kasi naman eh. "Chase naman!"

Napatingin siya sa'kin tapos parang medyo nagulat siya kaya umupo siya ulit sa tabi ko. "Hey, it's okay."

Doon ko lang napansin na naiiyak na pala ako!

"Hush," pag-alo niya sa'kin. "I'm fine. Hindi naman ako maaano eh. Wag ka nang over acting diyan."

"Eh kasi naman eh. Paano kung malaglag ka diyan? Ang taas-taas kaya! Sa tingin mo ba mabubuhay ka pag nalaglag ka diyan? Akala mo naman kasi magandang biro yun eh." Naiinis ako. Bakit ba ako naiiyak? Aish, bwisit naman kasi 'tong taong 'to eh.

CHASE RHENNAN [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon