CHAPTER FOUR

8.8K 133 7
                                    

CHAPTER FOUR

-Chase Rhennan's PoV-

"Takte, pre, ano, resbakan na ba natin yung gagong yun?" tanong ng isa sa mga kabarkada kong si Gio.

Iniisip ko palang yung katotohanang talagang may ibang lalaki na si Agatha ay naiinis, nagagalit, at nasasaktan na ako, tapos kanina lang ay kami pa mismo ang nakakita sa kanila? Bwisit talaga.

"Tang ina, pre, nanadya yata yung gagong yun eh!" pagsali pa ni Trey sa usapan. "Hinalikan niya si Agatha kahit na nakita ka niya kanina!"

Napakuyom nalang ako ng kamay. Gustung gusto ko na talagang bugbugin yung lalaking 'yon kanina. Pucha, ni-hindi ko man lang siya kilala, tapos makikita ko siyang hinahalikan si Agatha?

Oo, alam kong wala na kami ni Agatha, pero hindi ba masyadong mabilis at masakit makita ang ganong bagay? Pucha, minahal ko talaga si Agatha. At hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi ko talaga maintindihan kung anong meron sa hayop na 'yon na wala sa'kin at pinagpalit ako sa kanya ng mahal ko nang ganun-ganun nalang.

"Ano, pre, aabangan na ba namin sa labas?" tanong ulit ni Gio.

"PUCHA, tumahimik nga muna kayo!" aburido kong sigaw sa kanila.

Wala namang magagawa ang panggagatong nila eh. Hindi naman nakakatulong.

"Gustuhin ko mang ipapatay yung hayop na 'yon, hindi pwede. Kuha niyo?" salita ko.

"E anong gusto mong gawin natin don? Papabayaan nalang ba natin 'yong kunin ang Agatha mo?" tanong naman ni Haris.

"Tsk. Aalamin ko muna kung sino ba talaga siya." sabi ko. "Aalamin ko muna kung bakit iniwan ako ni Agatha nang ganun-ganun lang."

They sighed. "Ikaw bahala, pre, kung 'yan ang gusto mo."

Napatulala nalang ako. Bukod kay Agatha, meron pa ring isang gumugulo sa isip ko. At hindi pa rin siya agad maalis sa isip ko simula nung umagang 'yon.

Hindi ko alam pero talagang naiinis ako sa tuwing naaalala ko siya at yung pagpupumilit niya.

Kapani-paniwala man siya, ayoko pa ring maniwala.

***

"Uy, Chase, may problema ka ba ha?" tanong ni Gio.

Kakatapos ng klase namin at palabas na kami ng building.

"Ako meron." pagsabat ni Trey. "Nakakainis talaga pumasok kapag Sabado."

"Sira. Hindi ka kausap." Siniko siya ni Gio at saka ako tinignan. "Pero, seryoso, Chase, may problema ka ba?"

CHASE RHENNAN [completed]Where stories live. Discover now