CHAPTER TWENTY SIX

6.6K 123 8
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

-Chase Rhennan's PoV-

I immediately rushed to that hospital mentioned by Marley. Yung puso ko naman, parang nakikipagpabilisan sa takbo nitong sasakyan ko. I'm so worried, nervous, and afraid all at the same time.

I remembered what Marley said a while ago on the phone. [Marley: Tumawag kasi siya sa'kin kanina. Ang lamya ng boses niya at mukhang hirap na hirap siya. Ang sabi niya wala raw yung kuya niya tapos... tapos d-dinudugo raw siya. Nag-panic ako kaya naman nagmadali akong puntahan siya. Tapos... tapos naabutan kong wala na siyang malay tapos puro dugo na rin. Nagpatulong ako tapos dinala ko siya sa ospital. Puntahan mo nalang siya, ha? Dalian mo.]

Just thinking of the possible things that may happen to her already kills me. I may lose our baby... and worse, I may lose both of them.

Ugh! Iniiling ko nalang ang ulo ko para mawala ang mga iyon sa utak ko. How I wish they'll be fine and safe. Oh, please.

Pagdating ko sa ospital, nawalan na ako ng pakialam sa iba. I ran towards all the emergency or whatever rooms na pwedeng pinagdalhan kay Frances. Then, after a while, luckily I stopped as I saw Marley and her brother. He's Denver, if I'm not mistaken. They're talking to a doctor. I can't explain exactly what's on their faces... but it's grief, probably.

Shaking, I walked nearer to hear them, and I almost lose my balance when I heard that the baby's gone... our baby's gone.

Napakuyom nalang ako ng palad ko when I heard the probable reasons of it. "According to our examinations, I guess it's because of fatigue, overthinking, stress or depression, and even fasting. Malaki kasi ang ibinagsak ng katawan niya physically, and I guess pati na emotionally."

I know I'm the reason for all of it--no doubts. It just angers me so much. It hurts me.

" Well, we did our best to save the baby, pero we're sorry kasi wala talaga. About her, she's just in deep slumber. Kailangan niya ng pahinga. Marami-rami rin ang babawiin niya once na magising siya. Sige na, mauna na muna ako. If you need something, just feel free to ask, okay?" Then, the doctor left.

I took that as a signal for me to go closer to them and show myself. I know I look so weak right now, just like the two of them. Yung tingin ng kuya ni Frances, bigla nalang sumama at tumalim sa'kin. Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa maramdaman ko nalang ang pagtama ng malakas na suntok ng kamao nito sa mukha ko. I felt insensitive of the pain, though. Mas masakit kasi yung nararamdaman ng puso ko. Mas masakit para sa'kin yung nangyari. Ilang suntok din yung binigay niya sa'kin. Hindi rin naman kasi siya kayang awatin ni Marley. Buti nalang yata at may tumawag sa kanya kundi baka ikamatay ko na rin 'to. He gave me one deadly glare bago niya sagutin yung tawag.

Marley comforted me, pero si Frances pa rin ang nasa isip ko. "Dapat yata hindi muna kita pinapunta. Hindi ko naman kasi alam na ganun ka-galit sa'yo yun si kuya Denver."

"I'm fine, pero si Frances..."

"Hindi siya okay." Napatingin kami sa galit na nagsalita. It was that Denver. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to, di ba? Bakit ang lakas ng loob mo na magpakita pa rito? Ano? Makapal talaga yang mukha mo? Nanggagago ka talaga?"

I can't speak. Paano ko ipagtatanggol ang sarili ko kung alam kong mali naman talaga ako at kung talaga namang pinagsisisihan ko ang mga nagawa ko?

"My sister don't fucking deserve a jerk like you, and you don't have the fucking right to show yourself here, kaya umalis ka na." Mariin ang pagkakasabi niya sa mga salitang 'yon. Dama kong kinamumuhian talaga niya ako. Bakit hindi? After all that I did to his only sister? Tss. I know I'm really an asshole. Mas malala na nga yata ako sa Maiko na 'yon.

"Marley," he speaks to Marley who's just standing and watching tensed on us, "aalis ako saglit. May urgent meeting lang. Paalisin mo na yang gagong yan dito. Wag na wag mong mapapasok-pasok yan sa kwarto ni Paris, kundi ako ang makakaharap mo." He glanced at me with his deadly glare again, and then he left.

Taliwas sa inaasahan ko, sinama pa rin ako ni Marley sa kwarto ng best friend niya. My heart melted when I saw her. Namayat nga siya. Maputla rin ang mukha niya. This is because of me. 

"Naaawa ako sa kanya. Paano kaya natin sasabihin na wala na yung baby?" salita ni Marley na nakatayo sa tabi ko at pinagmamasdan din si Frances.

I sighed, and approached the bed. Umupo ako sa upuang nandoon sa tabi. I held her hand and talked to her. "Why am I always late? Nakakainis. I hated and hurt you first bago ko na-realize na gusto rin pala kita. I'm sorry 'cause it's my usual self. It's the usual me, pero I admit na mali ako. Marami akong mga pagkukulang sa'yo. Ilang beses kitang pinagtabuyan. Ilang beses kitang sinaktan. Ilang beses kitang pinaiyak. I'm sorry. I'm so sorry, Frances. Ngayon, nangyari pa 'to... Napakawala kong kwenta. Tama ang kuya mo. Napakagago ko. You're such wonderful girl. You're one of a kind. Maybe he's right... Maybe it's right... A girl like you doesn't deserve a jerk like me. You don't deserve me, Frances." Yes, you don't. Pinunasan ko yung luha sa pisngi ko, and I stood up. I looked at her and held her hand. "I love you, but I guess you're not the one for me and surely I'm not the best and right guy for you."

I wanted to kiss her forehead for the last time, but then I felt she'll be awake so hindi ko nalang tinuloy. Bibitawan ko na rin sana ang kamay niya, but I felt her hold mine, too, as if she's begging me to stay. This melts my heart again. This makes it harder for me... but then I have to bear with it. I have to bear with the pain. I looked at her eye and whispered with a very painful gaze and tone of my voice, "I'm sorry, Frances."

Bigla nang lumuwag yung pagkakahawak niya. I saw a tear fell from her eye.

But then I left her... no matter how hard and painful it is for me.

-TBC

Short updates... ;)

Ey! Leave comments, please? ...so I'll update again tomorrow (even though it's exams week) :D

Thanks for reading! ♥

CHASE RHENNAN [completed]Where stories live. Discover now