EPILOGUE

10.3K 157 23
                                    

EPILOGUE

-Frances Paris Ameline's PoV-

Yung ganitong feeling na tumatakbo na naman ako at hinahabol si Chase, parang binabalik lang ako sa nakaraan. Nakakapagod,  ang sarap nang tumigil nalang, pero hindi ko ginagawa kasi alam kong may patutunguhan naman.

"Chase, naman eh! Isa!" magkahalong tawa at inis na habol ko kay Chase. Aba bwiset naman kasi. Masyadong feel niya ang buhangin dito sa Palawan. Feel na feel makipagtakbuhan sa'kin. Ang nakakainis, yung nananahimik na phone ko pa ang naisipan niyang itakbo. E kausap ko kaya si Marley. May serious girl talk kami tapos bigla nalang siyang nanghablot ng phone. "Isa, akala mo, pag nahuli talaga kita!"

Pero tinawanan lang ako ng loko. Mas binilisan pa niya yung pagtakbo, pero dahil pagod na ako, pinabayaan ko nalang siya. Aba, bahala siya dyan. 

"Kuya Rhennan, Ate Paris! Tara na raw! Ready na raw yung barbeque!" tawag 'yon sa'min ni Rhenisse.

Hay, mabuti naman at okay na yung pagkain. Bahala si Chase dyan. Kasura.

Habang naglalakad ako, bigla nalang may umakbay sa'kin. Si Chase pala. "Uy, baby, galit ka ba? Ito na. Sorry na."

Inirapan ko lang siya.

"Para nakikipaglambingan lang e. Tss." Ayan, bumabalik na naman ang pagiging suplado niya. "A, alam ko na kung bakit ayaw mo akong habulin." Ngumiti siya. "Kasi hindi na kailangan. Kasi kahit hindi mo na ako habulin ngayon, sa'yong sa'yo na ko."

Kinuha niya yung kanang kamay ko at ini-angat 'yon, sapat para matignan naming dalawa ang singsing na sinuot namin sa isa't isa dalawa't kalahating taon na ang nakalipas. Yep, it's been years since the chasing year, and I'm glad that after four years, kinasal na kami, at ngayon nga, after six years, masayang pamilya na kami. Ayan, medyo nawala tuloy yung inis ko.

Nawala na nang tuluyan ang inis kong 'yon nang marating namin ang cottage na nirentahan namin dito sa El Nido. Si daddy Rhen at Rhenisse, busy sa pag-iihaw ng barbeque samantalang si mommy Clarisse naman, hindi na magkandaugaga kay Chesca. 

"Rhennan, itong anak niyo, kanina pa iyak nang iyak," reklamo ni mommy pagkakita palang sa'min. 

Iyak nga naman ng iyak itong baby girl namin kaya naman kinarga ko na. Nagta-tantrums na naman siya. Manang mana talaga sa daddy Chase niya. Pagkalipat niya sa'kin, agad niya akong niyakap nang mahigpit sa may leeg ko na ikinatuwa at ikinatawa ko naman.

Two years after our marriage, nabiyayaan agad kami ng isang maganda at healthy baby girl. We named her Sydney Franchesca. Si Chase ang nag-isip ng pangalan ni baby. Sydney dahil alam niyang doon nagawa si baby. I mean, nagbakasyon kasi kami noon sa Sydney, Australia, tapos ayun na. Franchesca naman dahil obviously ay galing sa mga pangalan namin. Ang talino talaga ng asawa ko. At ayun nga, six months old na si Chesca ngayon. Healthy nga siya at maganda, ang kaso nga lang medyo topakin gaya ni Chase. Maldita pa minsan kahit baby palang. Ayaw na ayaw niyang napupunta o kinakarga siya ng iba. Daddy and mommy's girl kasi palibhasa. Mala-Chase lang talaga. Pero kahit ganon, syempre love na love namin ang unica hija namin. Spoiled kung spoiled, sumaya lang siya at maging mas maayos.

"Baby." Hindi ko alam pero kinikilig pa rin talaga ako kapag tinatawag ako nitong asawa ko sa endearment niya sa'kin. Baby pa rin talaga kahit may baby na kami. O diba, ang cheesy lang. "Uy, baby, tulog na si baby Chesca. Ibaba mo muna. Kumain na tayo."

Tulog na nga si baby kaya binaba ko na muna siya sa may baby basket niya. Imbes na tumayo at kumain, nanatili lang akong nakaupo sa tabi ni baby at tinitigan siya. Maya-maya naman, tumabi rin si Chase sa'kin at niyakap ako gamit ang isang kamay niya.

"Hindi ka pa rin makapaniwala, ano?" nakangiting tanong niya sa'kin habang pinagmamasdan namin yung anak namin.

Nginitian ko siya. "Parang panaginip lang lahat. Dati kasi, nasa pangarap ko lang 'to eh."

"Ako rin naman e. I never thought that this feels this way once na matupad na. And I'm very thankful na sinamahan mo kong matupad 'tong lahat," sabi pa niya. "Kung wala ka, siguro wala pa akong suot na wedding ring at mas lalong wala pa akong magandang Chesca. We really complete each other, Frances."

"Kaya nga mahal na mahal kita e."

"And I love you so much, too." He then grinned tapos biglang pinakita yung phone ko. Hindi ko pa pala nakuha kanina. "Han, nag-text si Maiko." Mukhang may pagseselos sa boses niya pero alam ko namang biro lang niya yon.

Si Maiko? Oo nga pala! Nagsabi pala sa'kin si Agatha--na current pediatrician ni baby Chesca--na tatawag or magte-text daw sa'kin si Maiko once na makauwi ito sa Pinas.

"Uy, anong sabi? Akin na nga." Kukunin ko dapat yung phone pero tinaas naman yon ni Chase at nginitian ako nang nakakaloko. "Uy, Chase, isa."

He grinned and stood up. "Chase me again, first. Again and again. Just like before. Hinding hindi ako magsasawa." Tapos tumakbo na ulit siya.

---FINISHED.

FINISHED---for real?! WAAAAH! TToTT  Waah! Sorry naman kung maikli. :p Hihihi. Peace! Basta yan na yun. XD

Comment, guys. Yung emote-emote moment ko, sa next part nalang. Basahin niyo ha? Hihihi. And please do read 143 Heartaches after this. Meron din akong plug sa next parts. Tapos after nun, masisilayan ulit natin sina Marley and Trey sa kanilang labstory and journey to forever. Po-post ko nalang din in time. Sana basahin niyo rin. Hihihi.

SALAMAT SA MGA NAGBASA NITONG CHASE RHENNAN... PATI SA NAG-VOTE AT LALO SA NAG-COMMENT! WIIEEE! MAHAL NA MAHAL KO KAYOOO! I OWE YOU A LOT, GUYS! ♥ -NAMI

CHASE RHENNAN [completed]Where stories live. Discover now