CHAPTER SIX

7.9K 138 9
                                    

CHAPTER SIX 

-Frances Paris' PoV-

Paano kung buntis ako? Paano kung buntis ako?

WAAAHH!

"MISS LEE!" biglang bulyaw ng professor ko sa harapan ko na nagpabalik sa'kin sa realidad. Kulang nalang 

Agad tuloy akong napaayos ng upo ko. "Yes, Ma'am?"

She gave me her ever-famous trademark death glare. "WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING?" malakas na sigaw niya. "STAND UP!"

Napatayo ako agad. Kanina pa ako kinakabahan pero dinagdagan pa niya ngayon. "S-sorry, ma'am."

"WHAT SORRY? SA TINGIN MO BA AY TATANGGAPIN KO 'YANG SORRY MO? ANO BANG INIISIP MO SA ORAS NG KLASE HA?"

Magsasalita palang ako nang magsalita ulit siya.

"KUNG PURO KALANDIAN YANG NASA UTAK MO, EDI SANA HINDI KA NA PUMASOK SA KLASE KO. LATE KA NA NGA KANINA, TAPOS GAGANYAN-GANYAN KA PA NGAYON? ABA MATINDE KA!"

Hindi na ako nakapagsalita. Nakayuko nalang ako dahil sa kahihiyan. Sana kainin nalang ako ng lupa ngayon.

"O? TATAHI-TAHIMIK KA NGAYON?" pagpapatuloy niya. "ANO NANG GAGAWIN MO?"

Pinilit kong magsalita. "S-sorry po. H-hindi ko na po uulitin."

"ANONG HINDI MO UULITIN?" hindi pa rin niya binababa yung boses niya. "GET OUT OF MY CLASS! NOW!"

Hindi na ako nakapagsalita. Bitbit ang gamit ko ay agad akong lumabas ng classroom. 

Grabeng kamalasan naman ang inaabot ko ngayon.

Nagpalisaw-lisaw nalang ako sa campus habang kinakalma ang sarili ko mula sa nangyari kanina. Naiistress na nga ako sa kakaisip tungkol sa sarili ko at sa posibilidad na buntis ako, tapos dinagdagan pa ng prof ko kanina sa pagpapahiya sa'kin.

Hinang hina na ako sa mga nangyayari nang biglang magliwanag ang paningin ko sa nakita ko--si Rhennan!

Nung una ay hindi pa ako naniwala pero nung bigla siyang napatingin at agad nag-iwas ng tingin sa'kin ay nakumpirma kong siya nga 'yon.

Naalala ko yung naudlot kong pagkausap sa kanya nung nakaraan. 

Siguro blessing in disguise yung pagpapalayas sa'kin sa klase kasi makakausap ko na si Rhennan. 

Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Kasama rin pala niya yung mga barkada niya.

"Rhennan." tawag ko sa kanya habang nakatayo ako sa harap niya at nakatingin nang diretso sa kanya.

CHASE RHENNAN [completed]Where stories live. Discover now