33

21 3 0
                                    

Patricia

Nakatayo ako sa harap ng salamin habang itinatali pa-pony tail ang buhok ko. Suot ko rin ang lucky shirt ko, ang pinaka-favorite kong damit. It's just a simple black t-shirt with a light blue star printed on the front. Nag-skinny jeans lang rin ako't rubber shoes para kumportable.

"You can do this, Patricia." Tinapos ko ang tatali sa buhok ko't dinampot ang bag sa sahig. Ngumiti muna ako ng isang beses sa harap ng salamin bago ako pumunta sa bintana. Binuksan ko ito matapos ko itaas ang blinds. "Wang Lie Jun! Hoy! Wang Lie Jun! Gumising ka na't finals na!"

Kung ako papipiliin, hindi ko talaga gusto gisingin ang lalakeng ito. Nahihiya pa rin kasi ako sa ginawa ko kahapon pero masyadong mahalaga ang araw na ito para sa aming dalawa kaya iiisang tabi ko muna ang pagkapahiya ko. Mamaya ko na lang rin iisipin kung paano ko ma-de-delete iyong video na kinuha niya.

Ilang beses na ako sumigaw, to the point na sinugod na ako ni Papa dahil ang ingay ko raw, pero wala pa ring Intsik na bintana ng katabing bahay. Sa inis ko, kinuha ko iyong sobrang habang kahoy ni Kuya Billy sa kwarto nito at ginamit ito para ipangkatok sa bintana ng bwisit na mangliligaw ko.

Kapag ako nabwisit, hindi ko ito sasagutin, eh.

Matapos ang ilang katok at pagsigaw sa pangalan niya, napabuntong-hininga na lang ako nang tumaas ng unti-unti ang blinds niya. Humihikab pa siya nang buksan ang bintana kaya ang hawak kong ballpen, ibinato ko sa kaniya.

"What was that for?" nakapikit na reklamo niya habang hinihimas ang parte ng ulo niya na tinamaan. Iniangat niya ang dalawa niyang braso saka nag-inat.

As much as I like the view dahil topless siya, hindi ako nagpadala rito. "Finals natin. Ang lakas ng loob mo magyaya maglaro kahapon ng AOV kahit alam mong may exam." Napamulat siya't mabilis akong tinalikuran. Hindi rin siya magkandaugaga sa pagtakbo ng paroo't-parito kaya napailing na lang ako. "You have 30 minutes. Magmadali ka. And don't forget to close your window." pagpapaalala ko saka ako bumaba para mag-almusal.

Nagdala ako ng sandwich na bacon with cheese ang palaman dahil alam kong hindi makakapag-almusal ang lalakeng iyon. I made 5 pairs of it just in case. Inilagay ko ito sa baunan at nagpaalam na kina Mama. Kinuha ko muna ang bike ni Kuya sa garahe bago ako pumunta sa harap ng bahay ni Lie Jun. Nang lumabas siya, kinuha niya sa garahe niya ang bike niya at pumunta sa tabi ko habang nakaupo rito.

"Bakit hindi mo ako ginising ng maaga?" reklamo niya habang nakasimangot.

"Laro pa more." pang-aasar ko saka ako nagsimulang umandar.

Pagkarating sa paradahan ng bike sa univ, inilabas ko ang baunan na pinaglagyan ko ng sandwich at ibinigay ito sa kaniya.

"Ano ito?"

"Sandwiches. Hindi ka kasi nag-almusal. Baka hindi gumana ng maayos utak mo habang nag-te-test."

Unti-unti siyang napangiti bago ito tinanggap. "Thank you." Mabilis siyang humalik sa pisngi ko kaya nabato ako sa kinatatayuan ko. "Can you call me by my nickname?"

"Para saan?" tanong ko saka nag-iwas ng tingin. Ang init kasi ng mga tenga ko at alam kong namumula ako sa ginawa niya.

"Good luck charm lang."

I exhaled then looked at him at his eyes. Unti-unti, kahit nahihiya, ngumiti ako. "Good luck, Bao bei."

Akmang hahalik ulit siya sa akin pero umatras ako. "Parang good luck kiss lang. But good luck with the exams, Patricia."

Naghiwalay kami ng landas at sumabay sa mga naglalakad na mga estudyante papunta sa kani-kanilang mga designated rooms. Halata sa bawat estudyante ang kaba at iilan lang sa mga ito ang makikita mong may kumpyansa sa magiging resulta ng exam.

The Guy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon