26

26 3 0
                                    

Lie Jun

Nakabalik na lang kami sa univ nang hindi pa rin ako pinapansin ni Patricia. Kahit naman ako, hindi ko rin siya nilalapitan kaya natural lang siguro na hindi niya ako lapitan, lalo pa't nag-confess na ako sa kaniya.

My boys urged me to steal her away from Lance's grasp but I can't. Hindi dahil ayaw ko. Hindi ko lang ginagawa dahil baka mas lalo siyang lumayo. I'm still hoping na kapag naging ayos na kasi ang lahat, maging magkaibigan pa rin kami tulad nang nangyari sa kanila ni Gavin.

Buong pag-s-stay namin sa resort, halos tumambay lang kaming tatlo nina Gavin at Axel. Sinasabi ko naman sa kanila na mag-enjoy pero wala rin daw sila sa mood, lalo pa't alam nila na parang linta kung makadikit si Keera.

Minsan nga, naiisip ko na bigwasan na lang ito pero kasi binabawasan ko na ang pakikipagbasag ulo dahil ayoko nang sumama ang tingin sa akin ni Patricia. Pero kung hindi ko naman na siya i-pu-pursue, ayos lang naman siguro bumalik ako sa dati kong ugali para lubayan na ako ni Keera. Hindi na kasi ako natutuwa sa ginagawa nito.

Going back to Patricia, I know she's trying her best to avoid me and it ticks me off. Alam ko na nangangati na rin magtanong ang mga ka-club namin pero hindi naman ginagawa ng mga ito, na ipinagpapasalamat ko dahil ayoko naman na pati sila, malaman kung anong nangyayari.

"Jun?" mahinang pagtawag sa akin ni Kate, na nakatayo ngayon sa harap ko habang hawak ang kutsilyo.

"Hmm?" Inialis ko ang tingin kay Patricia at nagbaba na lang ng tingin. Itinuloy ko na rin ang pagpitas sa dahon ng repolyo at inilalagay ang mga napitas ko sa bowl na nasa tabi ko.

"Okay ka lang?"

Stupid question. I'm obviously not.

Tumango na lang ako kaya hindi na siya nagtangka pang magtanong. Ayoko na magsayang ng laway dahil na-ba-bad trip lang ako sa naririnig at nakikita ko.

Nagkukwento kasi ng kung ano-ano si Lance habang kasama ang ibang ka-group namin sa kabilang table. Wala sanang problema kung sila-sila lang, kahit magtawanan pa sila magdamag, wala akong pakielam pero kasi kasama ruon si Patricia at halata namang ito ang pilit pinatatawa ng lalakeng iyon.

Wala akong karapatan pero hindi ko mapigilang mainis sa lalakeng iyon. Feeling pogi, mukha namang kalyo sa paa. Lakas pa magpa-cute kay Patricia. Kung tutuusin, ako ang cute sa aming dalawa.

Ibinigay ko kay Clara iyong bowl na pinaglalagyan ng mga pinitas ko at nagpasalamat naman ito matapos tanggapin ito sa akin. "Anong next?"

Itinuro niya iyong pasta sa tabi ni Kate bago bumalik sa paghahalo ng ground beef sa iba pang spices. Kinuha ko ang itinuro niya saka ito ibinigay sa kaniya. "Thanks."

We're cooking some dishes na ang main ingredient ay cabbage. Ang naisip ni Kate ay cabbage patties. Gagawa na rin ako ng dip na natutunan ko pero tinanong ko muna ang opinion nila. Three persons ang gagawa bawat group at ang natitirang dalawa na sina Marian at Clyde ang siyang nag-su-supervise sa amin.

Dati, wala akong kalam-alam sa pagluluto pero nang sumali ako rito, marami-rami na akong natutunan. Iyon naman talaga ang gusto ko mangyari. Kaya lang naman kasi ako sumali sa club na ito ay para matigil na ako sa pagkain ng instant foods sa bahay. Pakiramdam ko dati, magkakasakit na ako dahil bukod sa instant foods ay puro ako prito.

"Jun, hindi ka pa nag-la-lunch, hindi ba?"

Napatingin ako kay Kate dahil sa biglaang tanong nito. "Hindi pa. Bakit?"

"Gusto mo bang sumabay sa akin? Libre ko."

Free lunch? Why not? Tutal naman hindi na yata ako papakainin ni Patricia, bakit hindi ako sumama sa manglilibre sa akin, hindi ba?

The Guy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now