17

34 3 0
                                    

Patricia

"I would recommend this type of fabric for the top." Ibinaling ko ang tingin kay Ms. Rathana at tumigil sa pag-da-drawing. Itinaas niya ang isa sa mga telang hawak niya kaya hinawakan ko ang dulo nito.

"Hindi po ba siya masisira kapag nilabahan?"

"Nope. And why are you worried about that? Hindi pa naman natin gagawin iyan. I only need you guys to make a plate." Nginitian niya ako't pabirong pinalo ang ulo. "You're always such a perfectionist when it comes to a lot of details."

Tinawag siya ng ka-block ko kaya ito naman ang pinuntahan niya. Ipinagpatuloy ko na lang ang paggawa sa plate ko. Kailangan kasi naming gumawa ng 10 plates and we need to have it done before the month ends. I only have 15 days left at sobrang na-s-stress ako sa pag-iisip ng unique designs.

It's been busy dahil matatapos na ang unang taon namin as freshman. We've been given a heads up that it'll be tougher once we reach sophomore up until to senior. Aware naman ako pero nakakatakot pa rin pala.

Akala ko kasi noong una ay puro lang ako pag-e-enjoy kahit nasa klase pa dahil gustong-gusto ko ang mga pinag-aaralan namin pero nang dahil sa sandamakmak na projects, heto't gusto ko na lang ilibing ang sarili ko sa mga tela rito.

I didn't get to finish the plate I was doing kaya dinala ko na lang ito sa library dahil may kailangan akong i-research para sa ibang minor subjects. Medyo masakit pa ang katawan ko kaya pagkarating ko sa library, umupo kaagad ako.

Medyo tumaas na kasi ang intensity ng pag-wo-workout ko dahil na rin sa utos ng instructor na nag-su-supervise sa amin ni Lie Jun. I can see some improvements sa katawan namin kaya iniisip ko na lang minsan na no pain, no gain para ma-motivate lalo ako kahit pa sumasakit madalas ang katawan ko sa kaka-workout.

"Hindi mo sinabing pupunta ka rito!" reklamo ni Trista nang makita ako nito't nilapitan. Naupo siya sa kaharap na upuan ko saka inilapag ang mga gamit sa ibabaw ng lamesa. "Pagod na pagod na ako." Nagkunwari siyang umiyak saka iniubob ang mukha sa lamesa. "Ang rami ng pinagagawa sa atin. Hello. Freshies pa lang tayo. Mga minor natin, feeling major."

"First of all, sinabi ko sa iyo na pupunta ako rito. Sadyang busy ka lang makipag-usap kay Patch kaya hindi mo ako pinansin. Second, you're right. Bugbog tayo pero umayos ka ng upo at simulan mo na ang dapat mo tapusin." Tinapik ko ang braso niya kaya bumangon siya habang umuungot.

Ipinatong ko ang dalawang palad ko sa lamesa para itulak ang sarili ko patayo. Iniwan ko muna siya't kinuha ang mga kakailanganin kong libro. Kulang kasi kung sa internet lang ako mag-re-research. Kailangan ko i-cross check kung tama ba ang mga nakukuha kong detalye kasi medyo wala akong tiwala kapag sa internet galing.

Tatlo lang ang kinuha kong libro at babalik na lang ako kapag kailangan ko pa ng iba dahil hindi ko kayang bumuhat ng marami. Medyo nananakit pa ang mga braso ko sa pag-pu-push up kahapon.

Habang naglalakad ako pabalik sa table na inupuan namin ni Trista, nakita ko na katabi niya na ang girlfriend niya. Kinawayan ako nito nang magtama ang mga paningin namin.

"Hi, Patricia!"

"Hello, Patch." Inilapag ko ang mga dala ko lamesa saka ako umupo. Napangiwi ako nang umupo ako dahil biglang sumakit ang likod.

Kung puwede lang hindi pumasok, ginawa ko na.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito kaya pati si Trista, ininspeksyon na rin ako.

"Bugbog katawan ko sa workout kahapon." Isinandal ko ang likod ko sa sandalan at inilabas ang mga gamit ko sa bag.

"Dapat hindi ka na lang pumasok." suhestyon ni Trista saka inilabas ang plate mula sa folder niya.

The Guy Next Door (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat