46

22 3 0
                                    

Patricia

Matamlay kong inilapag ang duffle bag ko sa tabi ng kama at nagpatuloy sa hindi pagpansin sa kasama ko sa kwarto. Kung bakit kasi hindi na lang ako pinayagang sumama sa kanila sa iisang kwarto, eh. Mas gugustuhin kong marinig ang kaingayan nila kaysa rito sa loob ng kwarto na ito kasama ang lalakeng ito.

Umiling na lang ako't binuksan ang duffle bag para kumuha ng pangpalit. Nakapang-alis pa kasi ako. Ang sabi, mag-su-swimming raw sa pool kaya kami pinagpapalit. Duon rin nila balak mag-meeting. Pagkakuha ko sa mga damit, naglakad ako papunta sa pintuan na nasa kwarto, na alam kong banyo at ganuon rin ang kasama ko. Mas binilisan ko nga ang hakbang ko kasi parang gusto niya ako unahan. Sabay kaming nakalapit sa pinto at sabay rin namin itong hinawakan. Nagkatinginan kami't tumingin ng masama sa isa't-isa.

"I held it first." aniya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"So?"

"Akong mauuna." Sinubukan niya buksan iyong pintuan pero bago niya pa mahila ito pabukas, inilapat ko ang isang palad ko rito kaya pabagsak itong sumara. "I said I'll go first."

"Nasaan na pagiging gentleman mo?"

"Why would I be a gentleman towards the girl who don't understand the reason why I'm mad and hurting?" Lumapit siya ng kaunti sa akin at binunggo ako gamit ang puwet niya kaya napaurong ako't napasinghap dala ng gulat. "Now if you'll excuse me."

Napapikit ako't napahinga ng malalim nang nagmadali siya sa pagbukas at pagpasok sa loob ng banyo. Iniiwasan kong sumabog sa inis pero hindi ko nagawa kaya naipadyak ko ng paulit-ulit ang paa ko't kinuha ang nakita kong upuan sa harap ng study table na nasa gilid ng kwarto. Hinila ko ito't ginamit pangharang sa pintuan kaya ang sandalan nito ay nakatukod sa doorknob ng pintuan ng banyo.

"Kung puwede ka lang i-lock diyang bwisit ka."

Alam kong nahawakan niya na ng ilang beses ang dibdib ko pero never niya pa ito nakita. Sa ilang beses kasi na namumuntikanang may mangyari sa amin, tumitigil kami kapag natatanggal niya na iyong brassier ko. As much as possible, gusto kong itago muna ang mayroon ako kaya hindi ko hahayaang makita niya akong nagbibihis.

Nasa kalagitnaan ako ng paghubad ng pants nang narinig ko ang pagpihit ng doorknob. Narinig ko rin ang mahinang pagmura niya nang subukan niyang buksan iyong pintuan. "Bakit hindi ko ito mabuksan?"

"Kumalma ka. Nagbibihis lang ako sandali."

"Can you please open this?"

"Sabi ko nagbibihis ako kaya manigas ka diyan."

"Gusto mong manigas ako? Then let me see you naked."

"Tse! Manyak!"

Hindi na siya nagsalita after that kaya nagmadali na lang ako. Black t-shirt na pinaresan ko ng pink board shorts ang isinuot ko. Iniayos ko na lang sa gilid ng kama ang mga pinaghubaran ko bago ko inialis ang upuan sa pintuan. Nakasimangot na mukha niya ang bumungad sa akin. Topless siya at board short lang ang suot. Inirapan ko siya't lumabas na para hanapin ang mga kaibigan namin.

Sinabi ng nadaanan naming katulong na nasa pool na ang barkada kaya lumabas kami ng bahay at dumiretso rito. Magkakatabing nakaupo sa tatlong pahabang upuan ang mga kaibigan namin at nang makita kami ng mga ito ay nagsitayun sila.

Napatingin ako sa suot ko dahil si Patch at Keera ay naka-two piece. Nilapitan ko sila't pinanglakihan ng mata. "Bakit naka-two piece kayo? Wala nang araw. Baka lamigin at magkasakit kayo."

Pumamewang si Keera at umikot sa harap ko. "Girl, flaunt what you got."

"Nagpahanda ako ng mga pagkain. There's the grill." Itinuro ni Patch iyong grill na nasa gilid ng pool area. "We'll be having barbecues. Should we eat first before we start the meeting o meeting muna?"

The Guy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now