45

19 3 0
                                    

Patricia

Bago pa tumabi sa akin si Mama para tignan kung anong mayroon sa bintana, isinara ko na iyong blinders at dali-daling kinuha ang jacket sa aparador ko. Hindi kasi puwedeng sumugod ako na nakasando lang sa bahay ng boyfriend ko. Not that he minds. Ayoko lang kasi mag-isip ng kung ano ang pamilya ko kapag nalaman nilang rito ako pupunta.

"Patricia!" pagkuha ni Mama sa atensyon ko pagkabukas ko ng pintuan pero hindi ko siya pinansin at dali-dali akong lumabas ng bahay para dumiretso sa katabing bahay.

Kinatok ko ito nang kinatok hanggang sa pagbukas ako ng pintuan ni Lie Jun. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Walang sabi-sabi akong pumasok at sumunod naman siya pagkasara ng pintuan.

"Okay. You probably have lots of questions." panimula ko nang makarating ako sa gitna ng salas.

Tumayo lang rin siya sa harap ko matapos humalukipkip at ang pagkakasalubong ng mga kilay niya, hindi na nawala. "I obviously have."

"Ask me anything. Sasagutin ko." Napalunok ako kasi pakiramdam ko, galit na galit siya sa akin dahil sa mga pinaggagagawa ko. Hindi naman ako nag-cheat o nahuling nanglalake kaya alam ko na hindi ko dapat maramdaman ang mga ito pero hindi ko maiwasan. Well, more like kusa ko itong nararamdaman.

"Why does he have a video of you singing? Maiintindihan ko pa kung shinare niya lang pero hindi, eh. From the looks of it, siya mismo ang kumuha nito."

"I auditioned at a singing contest. Sinamahan niya ako."

"Sinamahan ka niya? Akala ko ba nasa bahay ka ng pinsan mo? What? Pumunta ka muna ba sa pinsan mo bago ka nakipagkita sa kaniya? Bakit hindi ko alam?"

"H-Hindi. Hindi ako pumunta sa pinsan ko. After namin magsimba nina Papa, nakipagkita na ako kay Tyron."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Mas ginusto mo ba na siya ang kasama mo kaysa sa akin? I'm your boyfriend, for fuck's sake so why, Patricia?"

Patricia. Ginalit ko nga siguro talaga siya. He called me by my name, not with Bao Bei.

"Okay. I'm sorry kung hindi ko sinabi. I wanted to surprise you. Nagmagandang loob lang iyong tao kaya ako sinamahan—"

"Tangina! Grabe naman sa pagmamagandang loob iyan?! We both know that he's a model and his schedule are packed full of shits and yet you still didn't realize that whatever shits he do that concerns you has an underlying meaning?! Grabeng kamanhiran naman iyan, Patricia!"

"Can you please listen? Ginawa ko ito para sa iyo." mahinahong sinabi ko dahil ayokong sabayan ang galit niya. Walang mangyayari kung parehas kaming galit and besides, I'm the one at fault.

"For me?! You lied and go to that audition with that guy and you're saying that what you did was for me?! Sobra naman yata ito as a surprise! If your surprise is to make me jealous and mad then congrats! Nagawa mo! You have no idea how pissed I am right now!"

"No. Hindi ganuon. Nag-audition ako para makipagsapalaran, okay? I thought, kung mag-audition ako, mas dadami ang subscribers ko and that will lead to have my upcoming videos in YouTube to be monetized. Kung suswertehin, kapag nanalo sa contest, mabibigyan kita ng malaking halaga para maging tulong ko sa pag-iipon mo."

"Are you that desperate for me to gather enough money to fly out of here?! Kung sa tingin mo, simple lang naman iyong ginawa mo and it's for my sake, then you're wrong. God, you're so wrong. Not only did you hurt me but you also made me feel like you stepped on me."

"Bao Bei, hindi naman—"

"Ginagawa ko na lahat ng paraan para makapag-ipon in my own way. Tangina, kaya nga pati mundo ng droga, kahit delikado, pinasok ko kasi desperado na ako, hindi ba?! Pero, Patricia, hindi ako ganuon kadesperado na pati ikaw, hahayaan kong gawin lahat ng maisip mong paraan para lang makapagdagdag sa iniipon ko! You, helping me out on the requests is already too much for me! Hiyang-hiya na ako sa iyo, alam mo ba iyon?! Hindi ko maibigay iyong mga gusto ko ibigay sa iyo dahil sa pagtitipid tapos nagpapatulong pa ako sa iyo kumita para saan?! Para makadagdag sa iniipon kong pangbayad utang, hindi ba?!"

The Guy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now