22

31 3 0
                                    

Patricia

Pagpatak ng Monday, maaga pa lang ay umalis na ako. Simpleng maikli na cotton short ang suot ko't loose shirt. Pinatungan ko lang kasi ang binili kong two piece para hindi na hassle kapag maliligo na ako.

5:30AM ang call time at dahil malapit lang naman ang bahay sa univ, nag-bike na lang ako. Medyo nahirapan ako kasi dalawang malaking bag ang dala ko pero kinaya naman. Pagdating sa parking lot, medyo marami nang nakatambay sa likuran ng mga nakapilang bus. Bawat bus ay may nakalagay kung anong club ang isasakay at bawat isa nito ay dalawang club ang puwedeng umokupa.

"Pres!" Napatingin akosa pinaggalingan ng boses ni Lance at nakita ko itong kumakaway habang patakbong pumunta sa kinatatayuan ko. "Tulungan na kita."

"Thank you." Ibinigay ko sa kaniya iyong dalawang bag ko dahil wala naman siyang dala. "Ikakadena ko lang itong bike ko." Tumango siya't sumama sa akin sa paglalakad kung saan ipinaparada ang mga bike. "Nasaan na nga pala sila?"

"Cooking club?" pagkaklaro niya na tinanguan ko. "Nasa club room. Inihahanda iyong mga pagkain na dadalahin."

"Bakit wala ka duon? Nakakaloka ka." matawa-tawang sinabi ko saka ako humarap sa kaniya dahil naikadena ko na iyong bike.

"Sorry. Hinihintay kasi kita."

"Puro ka kalokohan. Halika na nga. Puntahan natin sila para makatulong tayo."

Kinukuha ko sa kaniya iyong bag ko pero hindi niya binigay. Ang sabi niya, hayaan lang siya kaya ganuon ang ginawa ko. Pagkarating sa club room, kumpleto na sila. Lahat ay busy sa kani-kaniyang ginagawa at ang mga mata ko, natuon kay Lie Jun.

Ito lang kasi ang hindi bumati nang makita ako. Sabagay. Hanggang ngayon kasi, nag-iiwasan pa rin kami. Ultimo bintana ng mga kwarto namin, parehang nakasara para lang hindi namin makita ang isa't-isa. Gusto ko sana siyang kausapin ng masinsinan, itanong kung ano bang nangyayari pero natatakot akong mapahiya.

Nag-aalala ako sa kaniya dahil baka kung ano nang pinagdadaanan niya pero dahil nga ma-pride ako, hindi ako gumagawa ng move para kausapin siya. Mahal ko siya bilang kaibigan pero kung gaganiyanin niya ako? Bahala siya. Basta alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama.

Habang nagawa ako ng coleslaw, nahagip ng paningin ko ang pagtayo niya mula sa inuupuan niya. Pasimple ko siyang pinanunuod kaya pati iyong pagkuha niya ng mainit na tubig at pagtimpla ng gatas, nakita ko. Bumalik rin siya sa lamesa niya't ipinagpatuloy ang paglalagay ng palaman sa mga tinapay.

Ibabalik ko na sana ang buong atesyon sa ginagawa ko pero nakita ko siyang tumayo ulit habang nakatingin sa direksyon ko. Dala-dala niya iyong mug pati dalawang pares ng tinapay na nakalagay sa platito. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang paglapit niya sa table namin ni Kate.

"Nag-breakfast ka na ba, Pres?" Napunta kay Lance ang atensyon ko dahil sa pagtatanong niya. Umiling ako dahil hindi naman talaga ako kumain pagkaalis sa bahay dala ng pagmamadali. "Wait lang." Tumayo siya at umalis kaya ibinaling ko ang tingin kay Lie Jun. Nakatayo pa rin kasi ito sa gilid ko habang nakatingin sa hawak kong kutsilyo. Pagbalik ni Lance, inilapag niya sa harap ko iyong platito na may loaves ng tinapay pati na iyong chocolate spread na binili niya kahapon. "Gusto mo ipagpalaman kita?"

"Ha?" Napakurap ako ng ilang beses nang humarang sa paningin ko ang mga braso ni Lie Jun para mailagay nito ang mga hawak na pagkain sa harap ni Kate. Alam ko na nagulat ito sa ginawa ni Lie Jun dahil napatigil ito sa ginagawa. Walang sabi-sabing umalis ang anak ni Hudas at bumalik sa harap ng lamesa nito matapos ako tapunan ng saglit na tingin.

"Pres?" Nagtatakang tinignan ako ni Lance saka nilingon si Lie Jun bago ibinalik ang atensyon sa akin. "Kako, gusto mo palamanan kita. Occupied pa kasi mga kamay mo."

The Guy Next Door (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant