21

32 3 0
                                    

Patricia

"Guys, two months na lang, bakasyon na. Sadly, aalis na kami rito." narinig ko mula sa labas ng club room habang naglalakad kami ni Lance papunta rito. It's Marian's voice. Hindi ko alam kung anong mayroon dahil sinamahan ko ang isang ito sa pag-fi-fill out ng application form para makasali siya sa club ko.

Ilang beses ko na sinabi sa kaniya na hindi naman niya kailangan gawin ito at iyong tinanong ko kahapon ay more on tanong ko sa sarili ko pero nagpumilit pa rin siya dahil mukha raw talagang masaya sa club namin. Masaya naman talaga at minsan nakakakain pa kami ng libre. At syempre, hindi naman ako veteran sa club na iyon para magkaroon ng say kung puwede ba siya sumali o ano kaya hinayaan ko na lang.

Nang makarating kami sa tapat ng room, kumatok ako sa nakabukas na pinto kaya napatingin silang lahat sa amin. Tumayo si Jackson at Tina saka kami nilapitan kaya ibinigay na ni Lance ang hawak niyang form. Iniwan ko muna siya sa dalawa saka ako naglakad papunta sa tabi ni Lie Jun na nakatingin lang kay Marian.

"Kumain ka na?" tanong ko rito. Tumango lang ito kaya nagtaka ako. Bakit hindi niya ako sinagot?

Iniusog niya papunta sa harap ko iyong paper bag na pinaglagyan ko ng pagkain niya kaya mas lalo ako nagtaka. "Kumain ka na."

"Ha?" Kinuha ko sa loob ng paper bag iyong lunch box at nakita ko na hindi man lang ito nagalaw. "Akala ko kumain ka na?"

"I ate outside."

"Akala ko ba nag-iipon—"

"Marian," Nilingon siya nito at tumigil sa pakikipag-usap sa dalawang nag-aasikaso kay Lance. "You were discussing something earlier. Ituloy mo na."

"Right." Tumikhim ito saka bumalik sa gitna. "Iyon nga. 2 months na lang, wala na kami so we need you guys to keep this club alive. As early as now, kailangan niyo na maghanap ng ma-re-recruit. Madalas kayong kukuhanin at itatratong catering service ng iba't-ibang department kaya mas maganda kung kukuha kayo ng mga taong marunong magluto."

Tumayo si Tina mula sa pagkakaupo sa katabing lamesa saka nilapitan ang whiteboard sa harap. Kinuha nito iyong marker saka isinulat ang mga pangalan namin. "Kailangan ng papalit bilang president ng club kasi mawawala na kami nina Marian. Kanina, napagdesisyunan naming as early as now, kumuha na ng acting president. May total of 11 members na tayo kaya ang gagawin, isusulat niyo sa papel ang pangalan ng iboboto niyong president and VP tapos iyong title na gusto niyong makuha ng ibinoto niyo. Iyon lang naman ang mga posisyon na mayroon ang club natin dahil hindi na necessary pa iyong iba, like muse and such."

Napatingin ako sa kanan ko dahil umupo si Lance sa tabi ko. Nginitian niya ako kaya sinuklian ko rin ito ng maliit na ngiti. "Welcome to the club."

"Thanks. I'll vote for you as president."

"Ako talaga?"

"Yeah. Bagay sa iyo iyong label na president."

"Looking at you, parang mas bagay pa sa iyo."

"How about you both vote for me as president para mapatalsik ko kayo rito?" Napatingin kaming pareho kay Lie Jun dahil sa sinabi nito. Umiling ito saka kumuha ng papel at ball pen sa bag niya saka ito sinulatan.

Hindi ko na lang siya pinansin at isinulat ang pangalan niya as president habang ako naman ang vice. Naiinis ako sa kaniya ngayon dahil sa inaasta niya kaya siya ang binoto ko. Alam ko kasi na mabigat ang responsibilidad ng isang club president dahil kailangang ikaw ang parating mag-organize ng kung ano-ano.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya't nagkaganiyan siya. Kaninang umaga ko pa siya gustong bulyawan kasi kagabi, pinag-alala niya ako dahil hindi siya umuwi. Pagkasagot niya naman ng tawag kaninang umaga, parang okay siya kahit na binabaan niya ako ng walang pasabi.

The Guy Next Door (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt