23

30 3 0
                                    

Patricia

Simula nang ginawa ko ang kabaliwan na iyon, hindi na umalis sa tabi ko si Lance. Minsan nga, sasawayin niya pa ang mga lalakeng tumitingin sa akin. Natutuwa naman ako sa nangyayari kasi nasa akin ang atensyon imbis na sa Keera na iyon.

Akala niya siguro walang lalaban sa kaniya. Partida pa nga, wala akong makeup sa lagay na ito. Siya, pinaluwa na ang dibdib, mabilis pa rin naagaw ang atensyon ng mga lalake sa kaniya. Hindi ko alam kung anong gusto niya mangyari. Kung si Lie Jun ang gusto niya akitin, bakit parang sa ginawa niya kanina, gusto niyang lumuwa lahat ng mata ng mga lalake rito?

Nakakaloka siya.

Bakit ko nga ba sila iniisip? Nagawa ko na ang kabaliwan ko kaya bahala sila. Mag-e-enjoy ako ngayong araw. Sasakit lang ang ulo ko sa kakaisip sa kanila.

Nilapitan ko si Marian at Tina saka ko ikinawit ang magkabilang braso ko sa kanila. "Ligo tayo!"

"Hindi pa ako tapos kumain." Itinaas ni Tina ang hawak niyang barbeque stick saka ito itinapat sa bibig ko kaya kumagat ako rito.

"Anong mayroon at bakit ka nagpasabog kanina?" matawa-tawang tanong ni Marian. "May sumapi ba sa iyo?"

Nginuya ko muna ang kinakain ko bago ako nagkibit-balikat. "Nainitan kasi ako. Ligo na tayo."

"Hoy, Tin, bilisan mo. Ligo na tayo."

"Sama kami!" sabay na sinabi ni Clyde at Jackson na parehong nag-iihaw saka lumapit sa amin.

"Gina, Kate, kayo muna mag-ihaw, please." pakiusap ni Jackson sa dalawa pa naming ka-club na tahimik na kumakain ng barbeque.

"Sama na rin ako." Napatingin kami kay Lance nang magsalita rin ito. Hinubad nito ang t-shirt na suot saka kami tinanguan nina Tina. "Tara na."

"Pre, parang nahiya ako sa katawan ko." narinig kong bulong ni Clyde kay Jackson kaya tinignan ko ito't tinawanan.

Kumalas ako sa pagkakahawak kina Tina at nilapitan ang dalawang naging kuya ko sa club. Tulad ng ginawa ko kina Tina at Marian, kumawit rin ako sa braso nila pero sinigurado kong hindi tatama ang dibdib ko dahil ayoko namang isipin nila na inaakit ko sila.

"Okay lang iyan. Tara na. Mag-t-shirt na lang kayo."

Umabante ako at nagpahila na sila kaya ang ginawa ko, tumakbo na ako para mas mapabilis ang pagsulong namin sa dagat. Nang makita kami ng iba na patakbong sumulong, nagsisunuran na rin ang mga ito. Huminto muna ako saglit at kumalas kina Clyde at Jackson saka ko hinubad ang suot kong cotton short.

Puno ng tawanan sa buong resort dahil sa mga nag-e-enjoy. May mga naghahabulan, masayang nagkukwentuhan habang nasa dagat, nagsasabuyan ng tubig, nagbabatuhan ng buhangin at kami nina Marian, naglaro ng patagalan sa pagsisid.

Sinubukan nila akong hilahin papunta sa malalim kaya napaamin akong hindi ako marunong lumangoy. Nag-offer naman si Lance na turuan ako at pumayag ako. Kaya lang, kahit anong turo niya, lumulubog pa rin ako kaya iyong pag-pa-practice ko, parang naging comedy skit dahil pinagtatawanan ako ng mga ka-club namin.

Hindi naman ako nagtagal sa dagat dahil ayoko masunog ang balat ko. Parang 30 minutes lang yata ay umahon ako't sinabing magpapahinga lang saglit. Habang naglalakad ako paahon, nakita ko sina Axel, Gavin, Keera at Lie Jun na nakaupo sa hindi kalayuan.

Nanggigil lalo ako sa babaeng iyon dahil obvious ang ginagawa nitong pagpapapansin. Kada galaw kasi, halatang gusto niya mag-focus ang mata ng mga kaibigan ko sa dibdib niya. At dahil ayoko mahaluan ng masamang elemento ang utak ng mga ito, nilapitan ko sila.

"Hi!" bungad ko sa mga ito kaya iyong pagkakasimangot ni Kuya Gavin at Axel, napalitan ng ngiti. "Bakit hindi pa kayo naliligo?" Suot pa rin kasi nila ang mga suot nila nang umalis kami sa univ. Tinignan lang ako saglit ni Lie Jun bago ito tumayo at umalis. Sumunod naman si Keera rito kaya naiwan ako sa dalawang ito. "Anong problema nuon?"

The Guy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now