47

29 4 0
                                    

Patricia

Nag-enjoy kami na parang walang nangyari. Naglaro kami ng kung ano-ano at nagkuwentuhan habang kumakain na para bang hindi kami naglabas ng kani-kaniyang problema. We all wanted to make Trista's remaining days here memorable para may baunin itong magandang alaala kapag nanirahan na ito sa ibang bansa.

10PM nang magpasiya silang magpahinga na dahil may pasok pa kami kinabukasan. Dahil na rin sa nalaman nila tungkol sa amin ng boyfriend ko, tinanong nila kami kung ayos ba na matutulog kami sa isang kwarto at um-oo naman kami dahil kailangan naming mag-usap.

Ayoko naman kasi talaga siyang hiwalayan. Nagbitaw ako ng ganuon salita dahil sa galit, lungkot, sakit, at pag-aasam na hindi siya pumayag. Dahil sa naging pag-uusap naming magkakabarkada, nalinawan ako at mali nga na nagbitaw ako ng ganuong salita dahil lang sa naging alitan namin.

Ginamit ko na ang nakatuping tuwalya sa rack na nasa CR dahil wala akong dala. Hindi ko na nga tinanong kung mauuna na ba ako kasi siya na ang nagsabing mauna na ako magbanlaw dahil baka magkasakit ako and I appreciate that.

Nakaupo ako sa kama habang nagpapahid ng lotion sa katawan nang biglang lumabas mula sa banyo ang boyfriend ko. Saglit kaming nagkatinginan pero parehas rin na nag-iwas ng tingin. Sobrang awkward pero kung hindi naman kami mag-uusap, hindi kami makakapag-ayos.

Nakatapis ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan niya kaya hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin ko. Nakita ko naman na siyang topless pero iba pa rin pala kapag tuwalya lang ang nagtatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya at kami lang ang nasa kwarto.

Napalunok ako nang makita ko ang hawak niyang brief na kinuha niya mula sa duffle bag niya. Pumasok siya sa banyo na dala ang mga kinuha niya at pagkalabas ay nakabihis na siya ng pangtulog; sando at pajama. He looks hot. Well, he's always been hot.

Itinabi ko ang lotion ko pabalik sa bag ko saka ako sumampa sa kama at sumandal sa headboard. Hindi ko alam kung anong inisip niya't gumapang siya pagkaakyat sa kama hanggang sa makatabi na siya sa akin at sumandal rin sa headboard.

May TV rito pero hindi naman namin binuksan. Gusto ko tuloy tumayo at buksan ito dahil sobrang awkward at sa totoo lang, kakaiba na itong nararamdaman ko at kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Hindi ko siya gustong pagnasahan pero kusang rumerehistro sa utak ko ang mga imahe niyang nakahalik sa akin.

"G-Gusto mo bang buksan iyong TV?" nag-aalangang tanong ko para lang mapawi iyong awkwardness kahit papaano. Hindi naman kami ganito every after ng away dahil sinusuyo kaagad namin ang isa't-isa pero iba iyong ngayon.

Umiling lang siya habang nakatitig sa nakapatay na TV. Kita kahit papaano ang repleksyon namin ruon at pakiramdam ko, ito ang tinitignan niya.

Gusto ko nang matapos ang awkwardness na ito. Gusto ko na rin matulog pero ayoko namang matulog na may inaalala pang ganito. Mas gusto kong matulog na maayos na kami dahil hindi ko kayang ganito kami ng lalakeng ito.

Para kaming tanga na nakatitig lang sa repleksyon namin sa TV. Kapwa kami nagpapakiramdaman kung sino bang mag-fi-first move sa amin para maayos na ito. Natatakot naman akong i-open na iyong dapat namin pag-usapan kasi pakiramdam ko pinipigilan ako ng katahimikan na magsalita.

Inabot na lang kami ng ilang minuto na walang kibuan kaya hindi ko na kinaya. Umalis ako sa kama't isinuot ang ibinigay ni Patch na tsinelas pangbahay. Naramdaman ko ang pagsunod ng mata niya sa akin kaya tinignan ko siya't nginitian ng bahagya.

"Saan ka?"

"Sasagap lang ng hangin. You can go ahead and sleep. Don't mind me."

Hindi ko na siya hinantay sumagot. Tinalikuran ko na siya't lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero naalala ko iyong rooftop kaya dumiretso ako duon kahit pa walang permiso ng may ari ng bahay. Hihingi na lang ako ng paumanhin kung sakaling pababain ako.

The Guy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now