31

28 3 0
                                    

Lie Jun

How to know when a girl likes you?

I clicked the search button and opened the first site I saw. It took me a few minutes to finish the entire damn thing but I didn't get anything useful. All the shit that's listed are already a given.

Kagabi pa ako nag-re-research dahil gusto ko malaman kung may specific na bagay ba na puwedeng tumulong sa akin para malaman kung may gusto na ba sa akin si Patricia. Pathetic, I know, but I just really want to know.

Ilang araw na rin since I started courting her. Lahat na ng basic shit na nasa internet, ginawa ko. Even the ones suggested by my friends but I still haven't got any I'll let you be my boyfriend type of words from Patricia. I can say na effective naman ang mga ginagawa ko kasi mas madalas ko na siya nakikitang nakangiti.

I exhaled saka ko pinatay ang cell phone ko. Tumingin na rin ako sa mga taong naglalakad sa labas ng cafe na kinauupuan ko habang hinihintay si Lance.

Yep. Lance. Si mukhang kalyo.

He's been avoiding my girl ever since she told him to stop being nice in hopes of letting him court her. He didn't take it well. Hindi na kasi siya pumapasok sa club at isang linggo na siyang hinahanap nina Marian. Sabi ko nga kay Patricia, hayaan na pero pakiramdam niya siya ang may kasalanan dahil na lead on niya raw ito. Aside from that, baka raw magkaroon ng bad record ito dahil hindi na pumupunta sa club namin. Wala pa man rin formal withdrawal na ginawa para umalis sa club kaya technically kasali pa rin ito.

Nadaanan ko ito kahapon sa basketball court kasama ang mga ka-club nito habang naglalaro kaya sinabi kong mag-usap kami dahil nag-aalala ako sa pinag-iiisip ni Patricia. Thankfully, pumayag ito kaya heto ako ngayon, hinihintay ito dumating.

I kept this meet up a secret from everyone. I don't need them to know. Alam ko kasi na pipigilan ako ni Patricia dahil sa takot na magbangga lang kami nito. Pero hindi na rin siguro masamang bigwasan ko ito. Tangina kasi isang oras na akong naghihintay.

Ang sabi ko, maghihintay pa ako ng 30 minutes at buti naman, dumating ang hinihintay ko bago pa mag-30 minutes. Napabuntong-hininga ako at isinandal ang likod ko sa upuan. Para naman itong bagot na nakatingin sa akin habang naglalakad papunta sa kinauupuan ko.

"You're late."

"May inasikaso lang." pagdadahilan nito saka umupo sa harap ko.

"You could've texted me."

"Bakit mo ba kasi ako gusto makausap? As far as I know, hindi tayo nagpapansinan sa club kung hindi kailangan."

"Ayokong kinakausap o lumalapit ka kay Patricia but I want you to talk to her."

Sarkastiko siyang tumawa habang umiiling ng ilang beses bago ako tinignan. "Bakit pa? Hindi pa ba malinaw na ni-reject niya ako kahit hindi pa ako nangliligaw? Ano pa ba kailangan niyo sa akin?"

"She's worried. Iniisip niya iyong impact sa credits mo kapag hindi ka pumasok sa club."

"Teka nga. Bakit ba ikaw nakikipag-usap sa akin tungkol sa pag-aalala niya? Bakit hindi siya ang pinapunta mo rito?"

"I'm doing this for her. Wala siyang alam sa pagkikita natin."

Nahirapan akong pilitin siya, na nauwi pa sa paghahamon niya sa akin ng basketball. Dahil hindi ako marunong mag-basketball, tumanggi ako. Sinabi ko nga na kung gusto niya ako kalabanin, idaan namin sa Math. At dahil ayaw niya, nauwi kami sa desisyong ilibre siya ng gusto niya sa café.

Ayoko talaga siya ilibre dahil sayang ang pera ko sa kaniya pero ginawa ko para lang mabigyang katahimikan si Patricia. Matapos ko bayaran ang inilibre ko sa kaniya, nauna akong umalis at iniwan siyang kumakain.

The Guy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now