11

29 4 0
                                    

Patricia

Malalim na ang gabi pero heto ako't nasa tapat ng bahay ni Lie Jun, kasama siya. May bitbit siyang maliit na upuan. Ibinigay niya ito sa akin saka ako pinaupo rito. Inilapag niya muna sa sahig ang bag na naglalaman ng onesie ni Kuya Gavin saka siya bumalik sa loob ng garahe niya. May kinuha siyang planggana na stainless saka ito inilagay sa harap ko.

"Wait lang. Kulang pa iyan."

"Maglalaba ba tayo?"

"Joke iyon?"

"Tse!"

Pinitik niya ang noo ko saka pumasok sa bahay niya. Napahawak ako sa noo ko't inilibot ang tingin sa paligid. Dahil nga gabing-gabi na, wala nang tao sa paligid. May iilang bahay na may liwanag pa sa loob at ang karamihan ay nakasara na. Tanging streetlights na lang rin ang nagsisilbing ilaw sa daan.

Napatingin ako sa pintuan ng bahay ni Lie Jun dahil narinig ko ang pagbukas nito. Lumabas siya mula rito na may bitbit na kung ano at nang makalapit siya, nakita kong mga papel ito at lighter. Inilagay niya ito sa gilid namin saka siya naupo sa sahig at nag-Indian sit.

"Game."

Hinubad ko ang isang tsinelas ko saka ko ito ibinigay sa kaniya. "Huwag ka nga maupo sa sahig. Upuan mo ito."

"Suot mo na iyan." Hinubad niya ang tsinelas niya saka ito inupuan at ang tsinelas ko, siya mismo nagsuot sa akin. Nagpunit siya ng mga papel saka ito inilagay isa-isa sa planggana at nang marami na ay ibinigay niya sa akin iyong lighter. "Tapon mo iyan." Inginuso niya iyong bag ng onesie kaya nakuha ko ang pinararating niya.

"Susunugin talaga natin?"

"I told you. This'll help you."

"Parang hindi ko kaya." Kinuha ko iyong bag saka ito niyakap. "Para kay Kuya Gavin ito, eh."

"Gusto mong ikaw sunugin ko?" Alam kong inirapan niya na naman ako dahil gumalaw ang ulo niya. Ugali niya yata ang ganiyan. Iyon bang mang-iirap tapos papaling sa kaliwa o kanan ang ulo.

"Easy for you to say. Nagpakahirap ako gawin ito para sa kaniya, excuse me."

"Ano pa sense na nandito ako?" Tumayo siya't humalukipkip. "Kung hindi mo naman pala tutulungan ang sarili mo, hindi rin kita matutulungan. Pumasok ka na sa iniyo." Tinalikuran niya ako pero hinawakan ko ang laylayan ng damit niya.

"Ehhhhhh. Huwag ka umalis. Sorry na."

Hindi na ako magtataka kung barilin na lang kami bigla ng mga kapitbahay namin dahil sa naisip na gawin nitong lalakeng ito. Kung magsusunog kasi kami tapos nakamaskara pa siya, baka sabihin nila, tumatawag kami ng demonyo dahil mukhang nagriritwal kami.

Bumalik siya sa pagkakaupo saka ako tinignan. "I'm doing this to help you. Hindi ako ganito at alam ni Gavin iyon. At dahil nag-e-exert ako ng effort para tulungan ka, I'm asking you to do the same."

"Mahirap lang kasi..."

"Given na iyan pero kailangan mo gawin para tulungan sarili mo."

Humugot ako ng malalim na paghinga saka ko pikit-matang kinuha sa bag ang onesie at inilagay ito sa planggana. Iniabot ko sa kaniya ang bag saka ko sinindihan ang hawak kong lighter. "Do I really need to do this?"

"Yep."

"As in?"

"Yep."

"Walang nang atrasan?"

"Yep."

"Promise—"

"Kapag ako talaga nanggigil sa iyo, ikaw susunugin ko."

The Guy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now